Chapter 10

306 17 10
                                    

Dedicated sa kanya kasi lagi siyang nag-ko-comment pag nag-a-update ako :") Thank you Mee. :*

** 10 **

Quen's P.O.V

"Empren, may problema ba si Chandria?" - tanong ko kay Juls. Nagkibit-balikat lang siya.

Napansin ko kasi na naging malungkot siya mula nang sinabi ni Dariel na girlfriend niya si France. Ilang araw na siyang ganyan, ni hindi na siya gaanong lumalabas o sumasama sa'min pag may gimik kaming magbabarkada.

On the other side, I was disappointed too ng malaman kong girlfriend yun ni Dj. Nang makita ko kasi si France nung niyakap niya si Dariel, parang na-magnet ung mga mata ko sa kanya. Ewan ko kung ano ung naramdaman ko nang una ko siyang makita pero kakaiba talaga. Is that what they call Love at first sight? Ewan. Minsan palang akong nagmahal but sad to say, hindi namin natupad ung forever na pinangako namin sa isa't-isa. Konting problema lang sumuko kaagad siya. Siguro kasi, hindi kami para sa isa't-isa o sadyang mga bata palang kami at hindi pa namin alam ang tunay na kahulugan ng pagpapahalaga.

"OY!" - nagulat ako ng biglang may sumigaw sa tenga ko.

"Bakit, Cams?" - tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ung tenga ko. "Nabingi ako" - reklamo ko. Tinignan ko sila ni Juls pero natatawa lang ung reaction nila.

"Paano naman kasi, nagtatanong ka tapos hindi ka naman nakikinig" - Juls.

"Ikaw siguro ang may problema no?" - nakataas-kilay na tanong ni Cams.

"A-ah? W-wala! Bahala nga kayo!" - pag-iiba ko tiaka ko sila iniwan.

**

"Sir, kukunin niyo po lahat?" - tanong nung saleslady.

"Yup" - sagot ko ng nakangiti. Namula naman siya at halatang kinikilig. Gwapo ko talaga.

Palabas na ako sa Bench ng may makita ako na naging dahilan para bumilis ang pag-tibok ng puso ko.

Nakaupo siya sa may malapit sa fountain at parang ang lalim ng iniisip niya. Dito kasi sa mall dun sa may hagdan sa ilalim niya may Fountain. Ang astig nga e.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. "Mag-isa ka ata?"

Nanlaki ang mata niya sa gulat. Siguro hindi niya inaasahan na makikita o lalapitan ko siya, "O-oo eh. Nakakainip sa bahay. W-walang magawa." - nauutal na sagot niya at parang hindi mapakali. Parang nahihiya pa siya.

"Hinahayaan ka ng boyfriend mo na lumabas mag-isa?"

Parang nagtaka siyang bigla sa tanong ko, "Ha? Boyfriend? Sino?" - Ano daw? Di ba niya boyfriend si Dariel? Pero di ba kailan lang ipinakilala ni Dariel sa'min si France? Break na agad sila?

"Break na kayo ni Dariel?" -lutang pa siguro 'to. Kaya siguro nag-iisa dahil doon. Siguro nasaktan siya.

"Hahahahahahahahahahahaha!" - baliw na ata to? Masyado ata talagang nasaktan sa break-up nila ni Dariel.

"What's funny?" - seryosong tanong ko.

"Eh- hahaha- kasi-- kasi naman- hahaha- pinsan ko si kuya Dee eh" - natatawang sabi niya. Ano daw? Pinsan niya lang si Dariel?

Tumingin ako sa kanya at parang natigilan siya. Parang nagulat siya dun sa mismong sinabi niya.

**

France's P.O.V

Ang ganda talaga ng fountain dito sa mall. Nakakarelax. Ang sarap sa feeling.

May tumabi sa'kin sa kinauupuan ko pero hinayaan ko lang. Maya-maya lang nagsalita siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Mag-isa ka ata?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko inaasahang lalapitan at kakausapin ako ng crush ko. "O-oo eh. Nakakainip sa bahay. W-walang magawa." - sagot ko. Geez! Kinakabahan ako.

"Hinahayaan ka ng boyfriend mo na lumabas mag-isa?" - nagtaka ako sa tanong niya.

"Ha? Boyfriend? Sino?" - tanong ko. Wala naman akong boyfriend eh.

"Break na kayo ni Dariel?" - paano kaming magbebreak hindi naman kami at mas lalong hindi magiging kami dahil magpinsan kami.

Natawa ako sa tinanong niya. "Hahahahahahahahahahaha!" - itanong daw ba yun? Hahahaha!

"What's funny?" - seryosong tanong niya. Parang naguguluhan pa siya.

"Eh- hahaha- kasi-- kasi naman- hahaha- pinsan ko si kuya Dee eh" - natatawang sagot ko.

Pagkamalan daw ba kaming may relasyon ni kuya --- OMG O_o

Natigilan ako sa pagtawa ng mag-sink in sa utak ko ung usapan namin ni kuya Dee. Patay kang bata ka.

"What do you mean?" - naguguluhang tanong niya. Hala. What will I do? I can't escape this. Amp! Ang daldal ko kasi eh! "T-totoo bang magpinsan lang kayo ni Dj?" - anong sasabihin ko? Should I tell him the truth? Na plano lang ang lahat para magselos si ate Chandria? "France?"

"N-no. I mean, w-wala siya. Hindi k-kami magkasama. B-busy siya. H-hehe. P-pwede na ba akong maging artista? Hehe"

"France, I know kapag nagsisinungaling ang isang tao" - napayuko ako.

Huminga ako ng malalim, "Quen, p-pinsan ko lang si kuya Dee" - nagulat siya sa sinabi ko. "I- I can explain" - tumango siya.

Kwinento ko sa kanya ung napag-usapan namin ni kuya Dee. Hindi ko alam kung imagination ko lang ung nakita ko habang kinekwento ko sa kanya yun pero nakita ko siyang nakangiti. Lalo na nung sinabi kong pagpapanggap lang ang maging kami ni kuya Dee para lang mapaselos si ate Chandria.

Nagkwentuhan kami at kumain na din doon.

Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon