** 19 **
Dariel's P.O.V
"Daryl!" - tawag ko. Walang kibo. "Uy! Karlos" - wala pa rin. "DK, tawag ka ni Juls"
"Nasaan?" - Amp! Si Juliette lang pala makakapagbalik sa mokong. Binatukan ko nga, "Aray. Para saan yon?"
"Kanina pa kasi tinatawag. Daig mo pa ang nalulunod. Masyadong kang lutang" - nandito nga ang katawan pero ung kaluluwa naiwan kay Juliette.
"Bro" - seryosong sabi niya. "Narinig ko sila Juliette na nag-uusap kanina. Muntik na siyang mapahamak. Hindi ko man lang siya naipagtanggol. Wala man lang ako sa tabi niya nung mga panahon na ako ang kailangan niya" - saad niya.
"Wala ka naman kasalanan. Walang may gusto sa nangyari" - singit ni France.
"Hindi pa nga kami, nagkukulang na ako. Paano kaya kung kami na?" - hindi ako makapagsalita dahil hindi ako marunong magcomfort lalo na sa lalaki kaya hinayaan ko nalang si France ang magcomfort sa kanya.
"Then, mag-effort ka! Isurprise mo siya. Gumawa ka ng paraan para makabawi ka." - France
Buti pala at naihatid ko na si Chandria sa kanila kanina. "Oy ikaw, kuya Dee. Anong nginingiti-ngiti mo jan ha?" - sino pa nga ba? Edi ang pinsan ko pakielamera.
"Wag ka ngang makialam. Icomfort mo dyan si Daryl ng matauhan." - sagot ko.
Naalala ko bigla ung usapan namin ni Chandria nang sunduin ko no'ng papunta kami sa school.
*FLASHBACK//
"Goodmorning baby ko" - bati ko pagkababa niya habang kakwentuhan si tita Min. Nginitian niya ako, kinindatan ko siya. Halatang kinilig kasi biglang namula."Goodmorning, Ma" - tiaka niya hinalikan si tita sa pisngi. "Goodmorning, Bal" - tiaka siya ngumiti ng nakakaloko.
"Bal?" - takang tanong namin ni Tita Min.
"Kambal ba yun, Cha?" - tanong ni Tita. Umiling siya.
"Eh, ano?" - tanong ko.
"Bal, short for baliw" - tiaka siya tumawa. Ganun pala ah?
"Baliw na baliw sa'yo" - napayuko siya tapos tinawanan lang namin ni Tita. Namumula pa siya.
"Kayo talaga" - saad ni Tita. "Osya, malelate na kayo" - habol niya. Tumayo na kami at umalis na ng bahay.
Habang papunta sa school, gusto kong magsalita pero umuurong ang dila ko. Inhale... Exhale... "Cha/Dj" - sabay pa kami. *Awkward Silence*
"Ah... Dj, m-may... may sasabihin ako"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. "Ano yon?"
"I want this relation-trip to be ended" - ha? Trip? Ended? Anong ibig niyang sabihin? Di ba seryoso naman ako? Di ba s-seryoso din naman siya? Nagbago na ba ang desisyon niya?
BINABASA MO ANG
Just A Word (KathNiel)
Fiksi RemajaKaya mo bang ipaglaban at panindigan ang pangakong iyong inumpisahan kung ang tadhana mismo ay pilit kayong pinaglalaruan o basta-basta mo nalang pagtataguan, iiwan, kakalimutan at susukuan ang iyong sinimulan sa isang bagay o isang taong iyong pina...