Kabanata 01
The Cousin
Tinitigan ko nang mabuti ang sketch pad na hawak-hawak bago bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung pwede ko na bang ipasa ang sketch ko ng isang ibong lumilipad sa gitna ng dalawang bundok na mapuno.
"I think it's fine!"
Napalingon agad ako sa pinto ng kwarto ko nang may magsalita. Sinamaan ko ng tingin si kuya na nakapamaywang at nakangisi habang pinapasadahan ng tingin ang malaking sketch pad ko.
"Can you please knock next time? Tinatakot mo yata ako, kuya, eh!" singhal ko bago umayos sa pagkakaupo sa kama.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya ginaya ko rin siya.
"Your door's not locked kaya hindi na kailangang kumatok pa ako. Unless... may ginagawa kang masama? O nagcha-chat ka lang ng kahit na sinong lalaki? Aba, aba! Isusumbong kita kay Daddy!"
Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Ang lakas ng loob mangbanta! Wala naman akong ginagawang masama! Now this is why being the only girl in your family isn't easy. Lahat yata ng galaw mo, sinusundan nila ng tingin. Lahat ng pupuntahan mo, kailangan pang ipagpaalam or else ay mapapagalitan ka.
"Please naman, kuya Xagred! I'm now twenty-two years old! Hindi na big deal kung may ka-chat man ako! I am now an adult, right? No'ng lumampas ako ng eighteen ay adult na ako. 'Wag niyo naman akong bakuran. Nakakasakal na minsan, sa totoo lang, kuya." utas ko at ibinaling na lang ang tingin sa sketch ko.
Bumuntong-hininga ako bago ipinasok ang mga lapis na ginamit ko sa pencil case. Pagkatapos ay inilipat ko ang malaking sketch pad sa may double-window ng kwarto ko saka doon itinayo.
"Hindi pwedeng gan'yan, Eve. Binabakuran ka namin kasi ikaw lang ang babae sa ating magkapatid. Kailangan mong bakuran nang sa gano'n ay wala kang pagsisihan. All we're doing were just for you, baby. Don't misunderstand us." sambit ng kuya ko bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago tumakbo palabas ng kwarto ko. Naabutan ko naman si kuya na papasok na sana sa kwarto niya nang tawagin ko.
"Kuya!" tawag ko na kaagad niya namang narinig.
Tinaasan niya ako ng kilay. Kinagat ko ulit ang pang-ibabang labi bago tumakbo palapit sa kaniya. No choice kun'di gawin ang lagi kong strategy sa tuwing nagkakasagutan kami. Ayokong nag-aaway kami o ng bunso naming kapatid kasi hindi ako makakatulog 'pag gano'n.
"Are you galit?" sabay nguso ko. Shet! Sana naman effective!
Natigilan siya at kusang bumaba ang nakataas na kilay bago bumuntong-hininga. He shook his head before holding my shoulders.
"Hindi... Hindi ako galit. Sorry, baby." aniya at nginitian ako.
Halos lahat ng santo ay napasalamatan ko na dahil sa sagot niya. Yes! I know how to change my brother's mind in an instant! Kilalang-kilala ko ang kapatid ko at alam na alam ko kung ano ang kahinaan niya. Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya agad.
"Fuck!" napatalon ako nang may makitang ipis na lumilipad.
Papunta na iyon sa kinatatayuan namin ni kuya kaya agad akong tumalon-talon at iwinagayway pa ang mga kamay sa ere para lang masapo ang ipis. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga ipis! Naririndi talaga ako sa kanila! Hindi ko alam bakit pero nakakatakot talaga ang presensya nila!
"Damn! Damn! Damn! 'Wag kang lumapit sa 'kin! Kuya! Help me!" nagtago ako sa likuran ni kuya na kaagad sinapo ang ipis kaya sumalampak iyon sa sahig.
BINABASA MO ANG
Never Say Never (Serie De Amor #2)
RomanceLove comes in an unexpected way, unexpected place, and unexpected scene. That's right. Fern Silver Gomez is still an infant in love industry that's why when she met her friend's cousin, she felt tons of foreign feelings. That's when she realized tha...