Chapter 09

61 4 0
                                    

Kabanata 09

We Won't Ever


Dumating ang gown na pinagawa ko kay Margaux, biyernes ng gabi iyon. Hawak-hawak niya ang limang shopping bag na may malaking logo ng JC sa gitnang bahagi.


"Let's go inside, hija. Malamig dito sa labas." sambit ni Mommy.


Tumango naman si Margaux saka ako nginitian.


"Good evening, Fern." aniya.

"Good evening, din, Margaux. Ang galing mo. Natapos mo agad ang mga damit namin?" namamangha kong tanong saka kinuha ang dala-dala niya.

Humagikhik siya bago umiling, "May assistant naman ako na tumutulong sa akin kaya natapos agad. Isukat mo agad, ah? Para makita natin kung sakto lang ba." aniya nang papasok na kami sa loob ng mansiyon.

Tumango ako, "Thank you. Tungkol sa bayad, I'll just send you the money through your bank account. I-send mo na lang rin sa akin ang full price ng lahat." sambit ko.

"You'll pay? Ang yaman mo naman!" sambit niya.

Ngumiti ako bago umiling, "Hindi naman, Margaux. May pera lang."

"Eto naman! Pa-humble pa! Oo nga, may pera ka at marami iyon!" aniya at tumawa ulit.


Nagtawanan na lang kami hanggang sa makarating kami sa loob. Saktong hindi pa kami nagdi-dinner kaya pinasabay na namin si Margaux. Mabuti rin na hindi pa siya nakakapag-dinner.


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto ko dala-dala iyong paper bag.


"Wow!"


Shocked plastered all over my face when I fully saw the whole gown. It looked astonishing in the sketch but it's way more better than that! Sobrang ganda ng gown. Plus, it is silky. Ang ganda ng telang ginamit at sobrang comfortable.


"Oh my God!" sambit ko nang maisuot na ang gown.


Saktong-sakto lang iyon sa akin. Hapit na hapit rin sa katawan ko iyon. Kitang-kita ang kurba ng dibdib, baywang, balakang, at legs ko dahil sa sobrang ganda ng pagkakagawa ng gown.


Iyon din ang reaksyon nina Daddy, Mommy, kuya, Margaux, Axelius, at pati na ang mga kasambahay namin.


"How do I look?" tanong ko sa kanila.


Laglag pa rin ang panga nila. Hinintay ko ang sagot nila pero sa tagal ng pagkakatigil nila ay si Axelius na lang ang sumagot.


"You're so pretty, ate!" ani ng kapatid ko at nag-thumbs up.


Ngumiti ako bago tumango-tango. Kinurot ko ang pisngi niya na siyang ikanahagikhik ng kapatid ko.


When Saturday night came, halos lahat ng bisita namin ay pinuri ako. Hindi dahil sa ganda ko kun'di dahil sa suot-suot ko. Bagay raw sa akin. Hindi naman nila nakikita ang mukha ko pero bagay pa rin raw sa akin.


Naka-mask lahat ng bisita. Kulay pula ang suot-suot kong mask na halos kalahati ng mukha ko ay natatabunan. Tanging labi lang ang kitang-kita. Mga pulang balahibo ang design ng mask ko. May mga maliliit rin na silver-colored beads na nakapalibot sa gilid ng mga mata.


Red velvet ang lipstick ko dahil binagay ko lang sa suot kong gown. Silver-colored 4-inches high heels ang ipinares ko. I really like Margaux's design kasi sobrang ganda. Kahit ano yata ang ipares kong high heel ay talagang babagay. She's really a fashion designer. No doubt about that.


Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon