Prologue

360 34 253
                                    

Inilagay ko ang bouquet ng sunflower na ibinigay sa akin ng kapatid ko sa front table ng lounge area ng art gallery ko. Kinuha ko ang isang vase na may bulaklak na stargazer at inilagay iyon sa main table ko. Nagkibit-balikat ako bago tinitigan ang buong paligid.


"It's worth a while," I whispered before I smiled.


Hindi madali ang lahat ng pinagdaanan ko para lang magkaroon ng sariling art gallery. Lahat ng kaya ko ay ginawa ko na para lang matupad ang pinakapangarap ko noon pa man. Maraming nangyari at masasabi kong worth it paghirapan ang nakamit ko. Sa lahat ng nakamtan ko, dito ako pinakamasaya at pinakakuntento... Ang magkaroon ng art gallery na ako mismo ang gumawa ng paraan at nahirapan para lang makabuo nito.


"Madam! Naku! Sobrang ganda talaga ng art gallery mo! Sobrang refreshen-up ng paligid! Ang daming flowering na sumflower at stargazings! Wow! Sobrang worthen a while talaga, Madam!"


Wala sa sariling napailing ako bago tinapunan ng tingin ang babaeng may mahaba pero kulot na buhok, may katangkaran at may ka-sexyhan pero may salamin sa mata. Nakanganga siya habang inililibot ang paningin sa paligid bago siya lumapit sa akin at naglahad ng kamay.


"Congratulating, Madam!" aniya at ngumiti nang matamis.

Umiling ako bago tinanggap ang kamay niya para makipagkamayan, "Your English is really weird, Clara. Well, anyway, thank you pero hindi ko 'to magagawa without your help. Thank you, Manager Clara Savadeña." sabi ko at ngumiti.


Binawi niya ang kamay niya bago tumalikod sa akin. Kumunot ang noo ko sa akto niya pero hinintay ko na lang siya na humarap ulit. Hindi ako nabigo kasi isang minuto lang ang lumipas ay humarap uli siya sa akin at ngumiti.


"Thank you, Madam! Hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin maisip kung bakit ako ang ginawa niyong manager nitong art gallery niyo. Sobrang thank you po talaga. Kayo po ang the bees sa lahat!" aniya at nag-thumbs up.

I smiled bago siya yinakap. Nagtataka man pero yumakap rin siya pabalik.

"You deserve it, Clara. Saka... okay lang na umiyak ka sa sobrang tuwa pero 'wag ka lang umiyak sa sobrang sakit." makahulugan kong sambit bago ngumiti ng mapait.


They said 'challenges makes you stronger' but, for me, no because what made me stronger is 'love'. Love is the reason why I am here right now... why I am a successful owner of an art gallery in such a young age. I am thankful of the 'love' I've experienced with him.

Him? I know he's okay. Kilala ko siya... walang araw na hindi siya okay at kahit na noon pa man, alam ko na wala siyang kahinaan kaya siguro hindi ko napigilan ang sariling magkagusto sa kan'ya kasi kahit na inaayawan ko siya ng ilang beses, bumabalik pa rin siya nang higit pa sa ilang beses na pag-ayaw ko sa kaniya. He's persistent.



Bumuntong-hininga ako bago isinuot ang silver high heels ko na four-inches bago isinabit ang LV sling bag ko sa balikat.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko agad ang kapatid ko na nakatayo at nakapamulsa sa railings ng hagdanan. Nakatingin lang siya sa kawalan kaya napairap ako bago lumapit sa kan'ya.


"Good morning, kuya." I kissed his cheeks kaya natauhan siya.


Gulat siyang tumingin sa akin bago nagkibit-balikat at nginitian ako.


"Morning, baby." aniya.


Nauna na akong bumaba ng hagdanan pero ramdam ko na nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makarating ako sa dining area. Umupo agad ako doon para kumain.

Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon