Chapter 32
Put An Effort
Nang magkaroon ako ng free time ay bumisita ako sa bahay nina Lancy at Jared. But before that, ti-next ko muna siya if nasa bahay ba siya at wala sa shoot or taping and since wala naman, tumuloy na ako.
"May problema ka ba?" sabay lapag niya ng slices of pineapples.
Bumuntong-hininga ako bago sinulyapan si Jared na binabantayan sina Jashione at Lourvant na naglalaro.
I took a deep breath before getting a slice of pineapple.
"No... Just your... cousin." sabay kagat ko sa prutas.
She sat in front of me before raising her brows. Nagkibit-balikat rin siya.
"Ano na naman ginawa niya?" mataray niyang ani.
Gigil kong kinagatan ang pinya bago ngumuso, "He's really galit talaga! Hindi naman ako iyong nauna." sabay nguya ko.
Tumango siya, "Alam mo, don't worry. I'll visit him at tsaka tatanungin ko tungkol diyan. And when that happens, tatawag ako sa'yo while talking with him. I'll interrogate that guy!" seryoso niyang ani.
Dahil sa sinabi niya ay mas naging attentive ako sa phone ko. Palagi kong hinihintay ang tawag niya pero dahil artista nga siya, alam kong medyo matagal bago niya mabibisita si Heeven.
Kagagaling ko lang sa isang café isang tanghali nang may makasalubong akong pamilyar na mga itsura.
I stopped walking. Nangunot ang noo ko at binalikan sila ng titig. Papasok na sana sila sa entrance ng Golden hotel nang biglang bumaling ng tingin ang lalaki sa akin. They were in their mid-50's. I'm sure of that.
The man smiled at me kaya nginitian ko rin siya pabalik. Kahit na ngiti niya ay pamilyar talaga. Where have I seen him? Hindi ko maalala.
Akmang aalis na sana ako nang bigla kong marinig ang pangalan ko na tinatawag niya.
"Why, po?" ani ko nang makalapit na sila sa akin.
Nginitian nila ako. Iyong babae ay nilapitan pa lalo ako bago hinawakan ang mukha ko. Kahit na nawe-weirduhan ako sa ginagawa niya, hinayaan ko na lang. I don't know but I feel comfortable.
"Ang laki-laki mo na, hija!" she smiled.
"And gorgeous." dugtong ng lalaki.
Nahihiyang nagbigay ako ng ngiti sa kanilang dalawa.
"Saan po ba tayo nagkita noon?" kunot-noo kong tanong.
Instead of answering my question ay lumawak ang ngiti nilang dalawa.
"Pwede ka ba naming imbitahin for dinner? We were staying in Golden, twentieth floor." sabi niya pa.
"Ah..." hindi ko alam ang isasagot.
I am comfortable with them but that's not a good reason for me to stay with them. I didn't even know their names. Sa panahon ngayon, kailangan na nating mag-ingat. Comfort zone isn't always safe.
"I don't think I can..." mahina kong sagot.
Medyo na-guilty naman ako nang makitang lumungkot ang ekspresyon niya. I bit my lower lip. Pero maya-maya lang ay biglang lumiwanag ang mukha niya at humalakhak pa bago ulit nagsalita.
"I'm your tita Ashlie," she pointed the man, "and this is Rye... We're Heeven's parent."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang huling sinabi niya. Lumipad ang palad ko sa nakaawang kong bibig. Tinitigan ko ulit sila. Hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Never Say Never (Serie De Amor #2)
RomanceLove comes in an unexpected way, unexpected place, and unexpected scene. That's right. Fern Silver Gomez is still an infant in love industry that's why when she met her friend's cousin, she felt tons of foreign feelings. That's when she realized tha...