CHAPTER 4

13 8 0
                                    

ALDRIN'S POV


Habang nasa biyahe ako, napapa-isip pa rin ako kung ano ibig sabihin ng matanda na nakausap ko kanina. Masiyado mahiwaga ang mga sinabi niya at wala ako maintindihan kahit isa sa mga sinabi niya. Nakarating na ako sa bahay namin, 'di pa ko bumababa dahil isip pa rin ako nang isip. Maya-maya naisipan ko nang bumaba at pumasok ng bahay. Unang nakita ko sa sala si Ate.

"Oh, andito na pala ang prinsipe." bigkas nito

"Tch. Baka hindi ako 'to, baka ibang tao 'to."

"Kakadating mo lang ang sungit-sungit mo na."

"Tch, I don't care. By the way, Where's Mom?"

"In the Kitchen, naghahanda ng mga pagkain para mamaya." Napatingin siya sa dala dala ko na pagkain. "Wait, what's that?"

"Korean food. Here." Bigay ko nang binili ko sa kaniya na pagkain.

"Oh, thank you my lil' brother."

"Tch, Shut up or else babawiin ko yan."

"So, how's your first day?" Tanong sakin ni Ate.

"Boring."

"Boring?" Tanong niya sa'kin. "What do you mean?"

"Lagi naman boring tuwing first day, puro pakilala."

"Is that so? By the way, did you see the news?"

"News about what?."

"About her?" Pagkasabi niya palang nun ay alam ko na 'kung sino ang tinutukoy niya.

"Yeah, so what?"

"Are you not afraid, that she maybe come tonight?"

"Ako? Matatakot dun? Tch, dapat nga siya matakot at ano? She maybe come tonight? Sobrang lakas naman ng loob niya pumunta."

"Why not, connected parin ang family natin sa kanila. Besides, may karapatan naman siya pumunta-" 'Di ko na tinuloy ang sinasabi niya nang magsalita ako.

"Pwede ba ate? Tigilan mo 'yung pagbanggit sa kaniya. Ayoko siya pag-usapan, nababadtrip lang ako sa kaniya.

'Di ko na siya pinansin at lumayas nalang doon. Mag-aaway lang kami ni Ate at sigurado, alam ko na saan mapupunta iyon kaya habang maaga pa tinigil ko na. Pumunta ako sa kusina para hanapin si Mommy. Nakita ko siya na nag-luluto para mamaya.

"Mommy." Parang batang tawag ko sa aking ina at humalik sa kaniyang pisngi.

"Oh, you're home na pala."

"Obviously, yeah."

"May matutulong ba ako diyan?" Tanong ko kay Mom.

"You know Aldrin, magbihis ka muna, pagtapos mo, tulungan mo'ko dito."

"Sure."

Umalis na'ko doon at umakyat na agad sa kuwarto ko. Doon ko inayos ang mga gamit ko, walang homeworks o assignment dahil first day palang ng klase. Pumasok ako sa banyo para maligo sandali, pagkatapos nag-bihis na'ko at bumaba, para tulungan si Mommy mag-luto, pero pag-baba ko matatapos na rin sila mag luto.

"Patapos na kayo?" Tanong ko kay Mom

"Yes, tulungan mo nalang ako sa pagliligpit. Okay?"

THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1Where stories live. Discover now