(6) In deep trouble

11 1 0
                                    

Asar na asar na pumasok si Nike sa eskwelahan. Paanong hindi siya maaasar? Eh sukat halos hindi siya nakatulog dahil sa katetext ni Lance at Alex sa kanya. Sa inis niya ay in-off na lang niya ang cellphone. Okay lang sana kung si Lance lang pero ang asungot na Alexander, kung ano-anong klaseng chain messages ang ipinapasa sa kanya. Langya! Jejemon ba siya o ano?

Salubong ang mga kilay na pumasok siya sa classroom nila. Pero siguro nga ay talagang malas siya dahil si Clifford kaagad ang bumungad sa kanya. Ano ba talagang kasalanang nagawa niya?

"Niiiiiikkkkkeeee!!!" Malakas at nakabibinging tawag ng kaklse sa kanya. Silang dalawa pa lang ang estudyanteng naroroon. Sinadya niyang agahan ang pagpasok ngayon dahil balak sana niyang umidlip muna bago mastart ang first subject nila pero heto at mukhang hindi niya makukuha ang tulog na pakay niya. Ghaaaaaaad!

"Uhm Clifford naririnig kita kaya wag kang sumigaw"

"Ay sorry! Excited lang ako kasi nakita agad kita. Teka? Bakit parang napuyat ka?"

"Wala to, hindi lang ako nakatulog ng maayos" humihikab na sagot niya.

"Naku kumain ka na ba? Bakit ka ba kasi nagpuyat? Gusto mo bang --"

"Clifford gusto ko lang matulog please!!" Iritable at malakas na pagkakasabi niya. Natahimik naman ang binata na halatang nagulat.

"Sorry" tanging nasabi ni Clifford at bahagyang lumayo sa kanya.

That was probably the first time na napagtaasan niya ito ng boses at wala pa siya sa mood para mag-sorry dahil minsan talaga ay ang kulit nito. Hindi na lang niya ito pinansin at dumukdok sa arm rest ng upuan kung saan talagang nakatulog siya.

"Hey, bakit ba kanina pa namin pansin na puyat ka?" Sita sa kanya ni Andy. They were in the cafeteria dahil lunch break na. At sa totoo lang, buong umagang lumilipad ang utak niya somewhere.

Napalabi siya, "Napuyat ako dahil ang ingay ng phone ko". Come to think of it, hindi pa pala niya binubuksan ang cellphone niya since kagabi.

"And why??" Takang tanong naman ni Cess habang ngumunguya. As usual, marami na namang pagkain ang nakalatag sa harapan nito.

"It was Lance and Alexander" walang ganang sagot niya.

"What?!" She rolled her eyes. Sabay na naman kasing mag-react ang mga kaibigan niya.

"Anong what what na naman ba?"

"Lance? As in Lance Del Rosario????!" Namimilog ang matang tanong ni Cess na ngayon ay natigil na sa akmang pagnguya.

Patay. Napatapik siya sa noo. Oo nga pala, nakalimutan niyang ikwento ang encounter nila ni Lance.

She made a peace sign at bahagyang tumango.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!"

Okay. There they go again. Hindi niya alam kung ano ba ang unang tatakpan; tenga o mukha? Naka-agaw na kasi sila ng atensiyon dahil sa pagtili ng mga baliw na kasama niya.

"Shhhhhhhhhh!!! Hey stop it!" Namumulang saway niya sa mga kaibigan.

"Che! You are so unfair! Hindi mo man lang sinabi sa amin na ang ultimate hunk at lead vocalist ng Pringles ay kilala mo!" Nakasimangot na sabi ni Andy sa kanya.

"Eh ganito kasi yun...." Then she started to tell them how she ended up meeting Lance.

"Ang swerte mo naman girl" sambit ni Cess.

"Why??"

"Akalain mo ba namang ang dalawang most sought after guys ng SPA ay katext mo" sagot nito habang ipinagpatuloy ang naudlot nitong pagkain.

"Si Lance siguro oo but Alex??? I don't think so. Puro chain messages ang ipinapasa ng isang yon para mambwisit", mainit talaga ang dugo niya sa hambog na lalaki.

"Patingin naman ng phone mo girl pakuha ng number ni Papa Lance hehe" interesadong tanong ni Andy. Alam nilang may crush ang kaibigan kay Lance.

"Teka" dinukot niya sa bag ang cellphone niya and turned it on.

Sunod-sunod na pumasok ang mga messages sa kanya. Karamihan ay galing kay Lance na nagtatanong kung tulog na ba siya dahil hindi na siya nag-reply, at may galing din kay Alex na kaninang umaga lang sinend.

From: Alex the Great

Why is your phone off? Send me a message after you read this.

Sent: 03-24-15 at 7:00 am

Napakunot-noo siya. What does he want this time?

From: Alex the Great

You are really irritating. I'll know it kapag sinasadya mo lang dedmahin ang mga text ko.

Sent: 03-24-15 at 8:45am

From: Alex the Great

Damn it Miss! Why are you still not opening your damn phone! I have some important errands for you to do!

Sent: 03-24-15 at 10 am

She was scrolling down the messages ng bigla ulit tumunog ang phone niya.

From: Alex the Great

You are in for a deep trouble Miss. Come in the office when you finish your class.

Napalunok siya. Sht! She is really in for a big trouble because Alexander Gabriel Gimenez was surely mad and totally pissed by now.

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon