(2) The Chairman

34 3 1
                                    

"Good morning Nike!" Bungad na bati sa kanya ni Clifford.

Anak ng pating. Heto na naman ang simula ng kalbaryo niya. Tinignan niya ito. Hindi naman ito pangit(naniniwala siyang walang taong pangit na nilikha si God. Pangit ang ugali manapa, yun marami.) Pero idedescribe ko na din siya para sa inyo. Nakabraces ito at may suot na eye glasses dahil natural na singkit ang mga mata nito. Okay naman itong pumorma, not that she cares about what people wares. As long as desente at appropriate para sa mga pinupuntahang lugar o okasyon ay sa tingin niya pwede na.

Pilit ang ngiting ginawa niya, "morning din". Umupo na siya sa silyang laan para sa kanya. Hoping that he'll go away.

Sinundan naman siya nito at umupo din sa bakanteng silyang nasa kaliwa niya dahil wala pa si Cecile na talagang nakaupo doon.

"Saan ka ba nagpunta kahapon? Hinanap na yata kita sa buong academy pero hindi kita nakita."

"Ahh ano kasi, tumawag si mama pinauuwi ako agad."

"Akala ko iniiwasan mo ako eh. Sana sinabi mo sakin para naihatid kita sa inyo. Ang tagal ko ng gustong magpaalam sa Papa mo na manligaw sa'yo eh."

"Ha?" Gulat na napalingon siya dito. Seryoso ba ito sa sinasabi??

"Bakit? Seryoso ako sa'yo Nike. Gusto talaga kita." Mejo madamdaming pahayag nito.

Oh dear. Anong isasagot niya? Huhu bakit kasi wala pa ang mga kaibigan niya. Wala tuloy siyang taga-salo sa pagsagot. ( Tuulooongg ano isinisagot niyo kapag ganito ang tanong? Hehe)

"Ahm ano kasi Clifford.."

"Hi Nike!" Naantala ang pagsagot niya kay Clifford dahil bumeso sa kanya ang mga kaibigang si Cecile at Andy. Yesss! Labyu girls! Saved by the bell ang lola niyo.

"Hi Ces and Andy" bati din ni Clifford sa mga ito.

"Ui hi clifford. Ang aga mong manligaw ah.. Chinese ka ba? Hehe" pang aalaska agad ni Ces.

"Ah hindi naman" tumayo na ito sa kinauupuan. "Balik na muna ko sa seating arrangement" paalam nito sa kanila.

Huminga siya ng malalim as in haaaaayyyyyy.

Nagtawanan naman ang si Ces at Andy.

"Uyyyy ang aga aga, ang sweet sweet nila." To be continued ang pang aasar ni Ces.

"Oo nga eh, kelan mo ba sasagutin? Haha" eto pang si andy dinagdagan pa.

"Che! Magtigil nga kayong dalawa diyan. Bakit ba ngayon lang kayo?"

"Uyyyy binabago ang topic hahaha" ayaw talagang paawat ni Ces.

Sumimangot siya, "sige push nyo pa."

"Eto naman, hindi na nasanay." Sagot ni andy.

Natigil ang pag-uusap nila ng pumasok ang clinical instructor nilang si Ma'am Beb. Beb kasi short for Bebang.

"Okay class, tigilan niyo na yang maagang tsismisan niyo." Agad namang tumahimik ang klase.

"2 months from now ay gaganapin na ang 50th Foundation Anniversary ng Academy. As we are all instructed, kailangang magperform ng bawat years per college courses at magkaroon ng original booths. Miss Nike Castaneda.." Biglang tawag nito sa kanya.

"yes ma'am?" Tumayo siya bilang paggalang.

"as the class president and 2nd year representative, you are in charge of planning the activities to be done by your year."

For real? Siya lang mag isa???

"Yes ma'am" no choice na sagot niya.

"And oh, before I forgot my meeting today sa Annex Building ang lahat ng representatives at 5 pm so should be there."

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon