(12) Preparations

11 0 0
                                    


Hanggang ngayon ay parang blangko pa rin ang utak ni Nike. She can't imagine that the famous Alexander Gimenez could say 'thank you'. OA na kung OA pero hindi marunong magpasalamat ang unggoy na yun. He owns their school, he's rich, handsome and talented kaya naman nakukuha nito ang lahat ng gusto in just a blink of his eyes. Huminga lang nga yata ito ay sapat na para magkandarapa ang mga kababaihan, pagnasaan ng mga binabae at kainggitan ng mga kalalakihan. Oo ganun, ganun kalupet ang charisma niya sa madla. At tanging siya na nga lang yata ang nilalang na hindi apektado sa charms nito.

After he thanked her ay bigla na lang itong tumayo at nagpaalam sa kanya para magbihis. As usual, para na naman siyang natuod sa kinatatayuan until makarinig siya ng mga lalaking galing sa shower room. She left the place instantly and went home. Hindi na sila nakapagkita ni Ces dahil nainip na ito kakahintay sa kanya.

Mabuti na lang din at Sunday kinabukasan, wala siyang pasok at makakapagpahinga siya. Pakiramdam niya ay na drained lahat ng energy niya dahil sa mga nangyari. Maaga din siyang nakatulog ng gabing iyon and she dreamed of Alex, smiling and thanking her.

------

Monday, she was dreading this day really. Bukod sa hate niya ang maagang 7:30 am class niya ay ayaw din niyang pumasok. Sana lang ay naka-move on na ang mga tao sa nangyari nung practice game nila Alex. Ayaw niyang mabully ng dahil lang dun lalo na ang magkarecord na pwedeng ikatanggal ng scholarship niya.

She heaved a sigh and silently prayed na sana ay maging maganda at peaceful ang araw na ito para sa kanya.

Naglalakad na siya sa hallway papuntang classroom nila when a group people blocked her way. It's Kaithlyn at ang mga alipores nito.

"Hey Girls, it's our dear class president. Mukhang late ka ngayon Miss Punctual", tumingin si Kaithlyn sa mamahaling relong pambisig. Her brows creased. May 15 minutes pa before magstart ang klase nila.

"I'm not late. Maaga lang kayo", eto na nga ba ang sinasabi niya. Ang aga pero nagsisimula na ang kalbaryo niya.

The girl just rolled her eyes. "Oh really? But we want you to be late Nike"

Ano namang problema ng isang to? Never siyang nalate sa kahit anong subject nila.

"Uhm mas maganda siguro kung pumunta na lang tayo sa classroom kasi baka nga sa ginagawa natin dito sa hallway malate na tayo" malumanay pa niyang sabi. Wag lang sanang lumabas ang pagiging mahadera niya, lugi kasi siya. Marami ang mga kaaway niya.

Naniningkit ang mata ni Kaithlyn at itinulak siya sa balikat kaya bahagya din siyang napaatras.

"Wala akong pakialam kung malate ka man. I can just pay for it, eh ikaw? At isa pa tingin mo palalagpasin namin ang nangyari nung Saturday? Why are you with MY Alex?"

Wow grabe teh. 'My' Alex pa talaga. Isaksak pa niya sa baga ang unggoy na yun eh.

Nike tried to remain calm and glimpsed at her wristwatch, 7 minutes na lang before their bell.

"Ah yun ba? I'm acting as the VCST and it's one of my job, yun lang" alam naman kasi niya ang ipanagpuputok ng butse ng mga ito. They want Alex's attention, actually everybody wants it.

"Sigurado ka? Or baka naman may gusto ka sa kanya kaya ka feeling close?"

Aba't ang lukaret na ito masyado talagang assuming. "Nope, hindi ko siya gusto. You can have him and I don't even mind" she was getting bored at 3 minutes na lang late na sila!

Mataman pa rin siyang tinitignan ni Kaithlyn when someone behind her back spoke.

"What are you guys doing here? You're blocking my way"

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon