(14) Together

10 0 0
                                    


"The proposed budget is already approved by the admin" Alexander informed her. She's waiting for him in their office dahil pinapirma nito ang budget proposal for the foundation week. Malamang hindi naman iyon tatangihan ng admin dahil pamilya nila Alexander ang may-ari ng school. She want to roll her eyes.

"Okay, what to do next?" Isang linggo na lang kasi ang magiging preparation nila. Their foundation week will be open for everyone outside the academy. Taon-taon ay lagi itong inaabangan ng mga taga SPA at iba na ring schools. It's one of their biggest event aside from their Search for Mr. And Ms. Campus.

"We're going to buy the needed stuffs"

"Ahh bibilhin natin--- what?!" Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito? O guni-guni niya lang yun?

Alexander looked at her na para bang kakaiba siyang specie, "Sabi ko Miss bibilhin NATIN yung mga materials"

What? Akala pa man din niya ay siya lang mag-isa ang bibili ng mga yun. She made a promise with Lance pa naman na magpapasama siya dito. Tsk!

"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Nakataas pa ang kilay ng kumag.

Eh pano ayaw kitang kasama. Gusto sana niyang sabihin pero sinarili na lang niya. For sure kasi ay mag-aaway na naman sila. Aso't-pusa kumbaga.

"Kakayanin ba nating dalawa na buhatin lahat ng materials?" Uy ah? Ang dami nun tapos dalawa lang sila? Hindi siya si wonder woman o darna na kayang bumuhat ng truck.

"Silly, ipapadeliver natin yung mga mabibigat na materials. You should be here at exactly 5pm" ikinumpas kumpas pa nito ang kamay.

May klase pa kasi siya at hindi naman pwedeng lagi na lang siyang excused. Nagkataong break time nila kaya siya andito. Ito kasing unggoy ang agang nagtext kanina para papuntahin siya sa office. And what choice does she have? She needs to obey the king kung ayaw niyang mawalan ng scholar. Ugh! This black mailer!

Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sofa and straightened her uniform. Blouse and Slacks ang suot nila kapag lecture days. Thankfully wala pa silang duty hanggang sa matapos ang foundation week. "Oo na, mauna na ko." She didn't wait for his answer and went back to her class.

-------------------

"Pare tara mamaya sa Gigs. Nag-aaya sila Sander" Tim said habang magkatabi sila sa upuan. Pareho silang 5th year at Engineering student. It would be his last term as Council President before graduation.

"I can't" walang ganang sagot niya. Just where the heck is their professor? Pinaka-ayaw niya sa lahat ay iyong mas nauuna siya sa mga prof. They owned this school for pete's sake!

"Whoa man? What did you do to my friend?" Parang namatanda pa ang itsura ni Tim habang nakatingin sa kanya.

His forehead creased, "What the fvck Tim?"

Tumawa lang ang loko, "Pare you seldom say 'No' to our gimmicks, ikaw pa nga ang mas pasimuno eh. What happened?"

He just tapped his fingers sa ibabaw ng desk niya. "Wala. Tinatamad ako tsaka kailangan naming bumili ng materials for the foundation week"

Parang tangang hinawakan ni Tim ang noo niya na agad naman niyang tinampal. "Anak ka ng..ano ba Tim?!" Mejo pikon na siya. He mentally take note na bigyan ng notice ang prof.nila. Ang ingay ng katabi niya.

"Sinong namin? This is your first time na bumili ng materials para sa kung anong activity. You usually make your members buy the materials" Tim touched his chin at tumitig sa kanya.

He just shrugged, "You know na dalawa lang kami ngayon sa council"

"Which I don't understand pare. Bakit sa dinami ng pwede mong kunin na member, isa lang ang napili mo? To think na Taga ibang department pa"

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon