(8) No Escape

6 1 0
                                    

"Where do you think you're going?"tanong sa kanya ni Alex.

He was frowning at her habang nakaharang sa daraanan niya.

"Ah...e-eh ano kasi" anong isasagot niya??????!

Come on Nike! Think!

"Ah eh? What?" Mas lalo pang lumalim ang gitla sa noo ng lalaking kaharap. Halata namang alam nito na gusto niyang tumakas.

Nike sighed in defeat, "Ayokong umattend ng meeting"

Napaangat ang isang kilay nito, "why?"

Ano ba tong lalaking to? Gusto niya ba talagang malaman?

"Wala ka na dun" she was about to turn around when she felt his hand on her arm.

"Don't you dare turn your back at me lalo na kapag kinakausap pa kita!" Napataas ang boses nito at halata sa mukha ang pinipigil na galit para sa dalaga.

"Ayaw kitang makita!" Ganting sigaw naman niya sa binata. Napipikon na talaga siya.

"First pinatayan mo ako ng phone, second nagsinungaling ka para lang makatakas and lastly, ginawa mo lahat yun dahil lang sa ayaw mo akong makita?!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"OO! At wala kang pakialam kung ayaw kitang makita!" She wriggled her arm to get away from Alex's grip. Sumosobra na ito sa pagiging bossy.

Lukot ang mukha ng binata na nakatingin sa kanya, "Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin Miss pero eto ang tatandaan mo, you can never escape from me" yun lang at tumalikod na ito sa kanya.

Naiwang natitigilan si Nike sa sinabi ni Alex. She has her fault pero mas marami naman itong kasalanan. They are like oil and water, mahirap pagsamahin. Napapailing na lang siyang lumakad palabas ng school, tutal naman ay excused siya sa klase at mukhang badtrip na si Alex para utusan siya might as well umuwi na lang siya at ng makatulog pa siya.

---- Alex's POV ----

"Crap!" Padabog na naupo siya sa sofang nasa student's office nila.

Talgang sinasagad ng babaeng iyon ang pasensya niya. He chose her sa pag-aakalang makocontrol niya ito but he was too wrong! Napakatigas ng ulo nito and her hatred towards him is getting to his nerves already. Aminado naman siyang puro siya utos sa babae pero enough reason na ba yun para magalit ito sa kanya ng ganoon katindi? O talagang may issue lang ito sa buhay at siya ang pinagbubuntunan?

He sighed at napahilot sa sintido. Malapit na ang school festival nila pero hindi pa tapos ang paper works para sa proposal nila. Babaero at magimik siya pero hindi siya totally pabaya sa pag-aaral lalo na sa pagiging President ng Student Council, after all he's still a GIMENEZ.

"Ahhhhhh!!!" Mababaliw na talaga siya ng dahil sa babaeng yun!

Wow! That was new? Kelan ka pa nabaliw ng dahil sa babae? Hiyaw ng utak niya.

"Sh*t I need a drink!" Mukhang kulang lang siya sa babae at gimik. Kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa ulo niya.

-----------------------------------------

Sorry for the short and slow update guys. 


KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon