(15) Awkward

3 1 0
                                    



Everyone is busy preparing for the foundation day. Nai-deliver na din kasi anc mga materials na binili nila ni Alexander kaya lahat ay halos nagsisimula na sa pag-buo ng kanya-kanyang booth.

Horror maze ang gagawin ng section nila at napag-usapan na kung sino-sino ang mga magbabantay sa entrance pati na din ang mga gaganap na mananakot. Nakapagtataka lang dahil buong araw siyang nakadelegate sa entrance. Usually ay dapat rotation ang gagawin pero iba ang trip ng mga classmates niya. She tried to refuse pero nai-submit na ng mga ito ang delegations kay Ma'am Bebs. So kesa mag-inarte pa siya, nagpasalamat na lang din siya. At least hindi gaanong mabigat ang magiging role niya.

Ilang araw na din siyang hindi nagpupunta sa Student's Council room. Nakakapagtaka din dahil hindi nangungulit si Alex o ni magtext ng mga chain messages ay wala.

Baka busy sa babae at barkada?

Well kung ganun man ay okay na din, tahimik ang buhay niya. Walang Alexander, walang gulo. Mas okay di ba?

Naputol ang pag-iisip niya ng bigla siyang sikohin ni Ces. "Huy Nike!"

"Ray ha? Bakit ba?"

"Anong bakit ba? Nakikita mo ba yang ginagawa mo ha? Lagpas-lagpas na yang pinipinturahan mo o" sabay nguso nito sa plywood na pinipnturahan niya.

"Ay hala!" Napakagat-labi siya. Anak ng tokwa! Mukhang pinaglaruan ng grade 1 yung ginawa niya.

Nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan.

"Alam mo ikaw napapansin namin para kang laging may malalim na iniisip? Baka naman gusto mong magkwento?" Taas-kilay pang sabi ni Andy sa kanya.

Napakamot siya sa noo. Lahit kailan talaga ang tsismosa ng dalawang bruha.

"Heh! Wala akong dapat ikwento ano."

May kanya-kanya silang ginagawa. Si Andy at ang iba pa nilang classmates ang gumagawa ng costumes, si Ces naman sa mga props at siya kasama ang ilang boys ang nagpipintura. Ayaw pa nga sana nilang patulungin siya pero masyado nang OA.

"Sus! Ni hindi mo pa nga kinukwento yung nangyari last practice game eh. Baka naman kayo na ni King?"

King ang tawag nila kay Alexander para hindi mahalata ng iba kung sino ang pinag-uusapan nila. Mahirap na, may tenga ang mga tsismosa at may pakpak ang balita.

"Ces! Jusko hindi ka man lang kilabutan sa mga sinasabi mo"

Siya at si Alexander? Never! Eh sa twing pagkasama nga sila parang laging may World War 3. Yun pa kayang maging sila? Naku baka mag-apocalypse na.

"Wala namang masama dun Nike. Maganda ka naman, matalino at masipag. Bagay nga kayo eh" segunda ni Andy.

"Teka nga. Napapansin ko lang ah? Bakit parang inirereto nyo ko sa unggoy na yun? Eh di ba nga mortal ko siyang kaaway"

"Eh ano namang masama kung inirereto ka namin sa kanya?"

"Masama kasi alam niyo namang babaero ang lalaking yun tapos irereto niyo ko?" Napasimangot siya.

"Malay mo ikaw ang makapagpatino sa kanya."

"Wow ha? Hindi ako naniniwala na ang mga babaerong tulad niya may pag-asa pang tumino"

Si Alexander titino dahil sa kanya? Ay sus! Ipupusta niya ang scholarship niya na malabo pa sa putik na mangyari yun.

Nagkatinginan lang si Ces at Andy. "Ikaw bitter ka pa rin eh"

"Hindi ako bitter kahit na favorite ko ang ampalaya. Tigilan niyo ko Ces at Andy"

Mukha namang effective ang ginawa niya dahil nanahimik din ang dalawa.

Lunch break na nila kaya nagsitigil na muna sila sa mga ginagawa. They decided na sa open field na lang sila kumain at mag-take out na lang sa canteen dahil siguradong punuan na.

At hindi naman sila nagkamali dahil pagdating nila sa canteen ay halos wala nang maupuan. Kaagad silang pumila. As usual si Ces na naman ang may pinakamaraming inorder. Cute naman ang kaibigan niya kahit chubby.

"Excuse me" nilingon naman niya ang nagsalitang katabi.

"Yes?" Naka-order na siya at hinihintay na lang niyang balutin.

"You're Nike right?" Tanong lalaki sa kanya. Teka parang namumukhaan niya ito.

"Ah yes. Bakit?"

"Ako nga pala si Tommy Leviste" sabay lahad ng palad sa kanya.

"Ah..To-Tommy Leviste?" Kaya pala familiar ang mukha nito. He's the captain of their academy's volleyball team and also Axander's bestfriend.

"Finally it's nice to meet you. Saan pala kayo kakain?"

Sakto namang inabot na sa kanya ang order niya. Naghihintay na din sila sa Ces at Andy sa kanya. Nakanga-nga na naman ang mga ito. At malamang ang lalaking kausap ang dahilan.

"Sa open field" maikli niyang sagot. Ano bang kailangan sa kanya ni Tom?

"Mind if I join you guys?" Parang nahihiya pang paalam nito. May mga kaibigan din palang mahiyain si Alexander? Pero hindi din, babaero ang mga kabarkada nito.

"Ah hi-"

"Sure!" Sabay na sagot ni Ces at Andy sa lalaking kaharap. Nakalapit na pala ang mga ito sa kanila.

Tommy gave a one jaw dropping smile at them. "Thank you girls"

Naglakad na sila papuntang open field. Konti lang ang mga estudyanteng naroon pero nakaka-agaw pa rin sila ng pansin.

Paanong hindi? Eh kasama ba naman nila ang ace player ng volleyball team? Bukod sa mayaman ay gwapo din ito.

"Is that all yours?" Tanong ni Tommy kay Ces habang nilalatag nito ang kakain.

Her friend blushed, "Uhm oo"

"Wow I thought girls are conscious about their weight and figure?"

"Uhm wala naman kasi akong pakialam sa figure ko. I eat what I want to eat. My problema ba dun?" Kung kanina ay nahihiya pa ang kaibigan niya, ngayon ay mukhang badtrip na ito kay Tommy.

"Sorry, nagtatanong lang naman po"

Pero hindi na ito pinansin ni Ces and instead ay inirapan pa ito. She smiled to herself. May future ang dalawang toh.

"Bakit ka nga pala sumabay sa amin?" Deretchong tanong ni Andy. Kahit kailan talaga ang straight forward nitong kausap.

Napakamot naman sa batok si Tommy. "Well siguro naman alam niyong bestfriend ko si Alexander di ba? Curious lang ako kay Nike, ngayon ko lang kasi nakita ang nag-iisang acting VCST ng council."

"Ahh so you're here to spy on her?" Dagdag ni Ces na ikinasimangot ni Tommy.

Oh, this is going to be interesting.

"Hindi naman. Gusto ko lang ding makipag-kaibigan"

Sasagot pa sana siya ng biglang magring ang phone nito.

"Hello? O bro bakit? Oo, nandito sa open field. Kasama ko sila Nike. Huh? Teka--" Pero mukhang binabaan na siya ng kausap niya.

"Sorry about that. Pupunta daw dito yung bestfriend ko"

"What?!" Hindi niya napigilang mapasigaw. Habang si Andy naman ay nasamid at si Ces ay nabulunan.

"Leviste" rinig niyang nagsalita ito sa likuran niya.

Oh boy, this is going to be awkward. 

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon