(1) Meeting You For The First Time

66 5 2
                                    

"ouch!" Kakamadali at kakalingon ay hindi niya napansin ang lalaking kasalubong niya. Muntikan pa siyang ma-out of balance at paniguradong napasalampak na siya sa sahig kung hindi siya agad nahawakan ng nakabangga niya.

"Sorry hindi ko sina----" bumitin sa ere ang sentence niya at nanlalaki ang mga matang naPatitig sa lalaking kaharap niya.

Susmiyo naman! kung bakit sa dami ng pwede niyang makabungguan, bakit si Alexander Gabriel Gimenez pa? Ito ang most popular at number one playboy sa Academy nila. Gwapo ito at maraming nagsasabing kamukha nito ang hollywood actor na si Channing Tatum, actually agree siya doon. Galing ito sa mayamang angkan at consistent na dean's lister sa kurso nitong engineering. Kaya naman mapabeki man o babae, maraming nahuhumaling dito. Kumbaga sa kanta ni daniel padilla, "nasa kanya na ang lahat" ng mga katangian na pwedeng magustuhan ng isang babae. Yun nga lang, hindi tulad ng iba, allergic siya sa mga katulad nitong playboy. Araw araw yatang iba ibang babae ang kasama nito.

"Miss okay ka lang? May dumi ba sa mukha ko?" nakangising tanong nito.

Medyo napahiya naman siya sa sarili At kaagad na lumayo dito. (loka titigan mo ba naman kasi).

"Yeah, okay lang ako. Pasensya na, hindi kita nakita." Naiilang na sabi niya.

"No problem. pero next time wag kayo sa corridor maghabulan ng bf mo. Hindi romantic tignan". Yun lang at tumalikod na ito sa kanya.

"What? hindi ko siya bf!" Pagtatanggol niya sa sarili.

Humarap lang ito sa kanya at kumindat. Antipatiko. Yan ang first impression niya dito. Isa isa niyang pinulot ang mga librong nabitiwan niya kanina. Hindi man lang siya tinulungan ng lalaking yun. Nakakainis!

" Nikeeeeeeeeeeeee! " bigla niyang narinig ang pangalan. Mas lalong nadagdagan ang inis niya.

Anak ng tokwa naman kasi! Hindi sana niya makakabunggo si Mr. Dakilang Playboy at hindi sana masisira ang araw niya kung hindi sa kagagawan ng kaklase niyang si Clifford. First year pa lang sila ay nagpahayag na ito ng damdamin para sa kanya pero more than 100x na niya itong nirereject ay ayaw pa ring tumigil.Maagang umuwi ang mga kaibigan niya kaya naisipan muna niyang magpunta ng library para humiram ng libro. Paglabas niya ay nakaabang na ito at pinipilit siyang sumamang makipagdate. On instinct ay tinakbuhan niya ito, dahilan kung bakit nabunggo niya si alexander.

" Nike asan ka na baaaaaa? " muling tawag ni Clifford sa kanya at mas malapit na ang boses nito kaya muli siyang nagtatakbo. Nakahinga na lang siya ng maluwag after niyang makasakay ng tricycle pauwi sa kanila. 'Worst', yan ang description niya sa araw na iyon.

------------------------------------------------------------------------------

"Oh ate, bakit naman panay ang pahid mo ng alcohol diyan sa mga braso mo?", tanong ng kapatid niyang si Belle. Mas bata ito sa kanya ng apat na taon at kasalukuyang nasa thirs year high school.

"Eh may nakabungguan kasi akong hindi kanais-nais kanina eh. Nagtatanggal lang ako ng germs sa katawan."

"Sino ba yang nakabungguan mo teh at konti na lang mauubos mo na yang alcohol? Magtira ka naman. Baka mamaya nakakahawa ka na ha? Hehe"

Tinigilan naman niya ang kakapahid ng alcohol. "Nakabungguan ko kasi si Alexander kanina. You know naman na allergic ako sa mga katulad niya."

"Whaaaaaaaaaaaaaatttttttttt????!" Okay, OA mag react tong kapatid niya.

"Hoy wag ka ngang maingay. Baka mamaya magising mo sila Mama lagot tayo."

"Eh ate naman! Alexander as in Alexander Gabriel Gimenez???!" O.O

"Ay oo ang kulit. Siyang siya na nga yun." -_-..

Bigla itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat atsaka niyugyog. "Ooooowwwww eeemmmm geeee! Ate ang swerte swerte swerte mo! Ano mabango ba? Mas gwapo ba siya sa malapitan? Anooo??"

Sunod-sunod na tanong nito. Nahilo ata siya sa pag alog nito sa kanya.

"Tsee! Ano bang nakikita nyo sa lalaking yun at ang dali niyong magustuhan?? Ang antipatiko niya for your information my dear little sister."

"Suuuss! Eh ikaw nga lang yata walang crush sa kanya eh. Pero ate aminin mo, gwapo siya di ba???"

Saglit siyang nag isip ng isasagot. "Okay fineee. Gwapo na kung sa gwapo, eh ano ngayon?"

"Uyyyy si ate, umamin din!" Pang aasar nito.

'Toink!' Binatukan niya ang kapatid.

"Aray ko naman ate!" Reklamo nito.

"Heh! Tigilan mo na nga ako sa kakatanong mo diyan kay Alex. Nag iinit lang dugo ko."

"Hmm... Hindi mo tlaga siya nagustuhan kahit minsan??"

"NO. Not now not ever! Hindi ko siya type"

"Weeeehhhh? As in never mo siyang magugustuhan???"

"Oo nga sabi! Ayoko sa mga katulad niya."

"Nakuu... Eh sino naman ang type mo ate, si Clifford ganun? Haha uyyy si ate."

"Heh. Wala akong sinabing type ko si Clifford ah. Tama na nga. Matulog na tayo." Nahiga na siya sa kama niya. Sa iisang kwarto lang sila natutulog ni Belle ngunit magkaiba naman ang kanilang higaan.

"Hehe pikon." Humiga na din ito sa sariling kama.

"Hihirit pa eh. Good night sis."

"Good night ate."

Bago matulog ay nagdasal muna siya:

"Lord, thank you po sa lahat ng blessings na ibinibigay niyo sa amin. Sana po hindi na ulit mangyari na makabungguan ko si Alexander. Ni makita nga po siya sana wag na eh. Please Lord. Thank You po. Amen."

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon