(9) Gigs

10 0 0
                                    


Maingay na tugtog, pinaghalo-halong amoy ng alak at sigarilyo at nakakaduling na ilaw ang sumalubong kay Alex pagkapasok na pagkapasok niya sa Gigs. Isa itong sikat na bar na lagi nilang tamabayang magkakabarkada.


"Hi handsome" agad na may lumapit sa kanyang babae. Sexy ito base na rin sa suot nitong halter top dress na nagpapalitaw sa nagmumura nitong mga dibdib.

"Hi sexy", inakbayan niya ito sabay kindat.

"You're really fast huh?" The woman smiled at him flirtatiously which he welcomed with equal heat. Idinikit niya ang bibig sa tenga ng babae at mahinang bumulong. The woman giggled more dahil sa sinabi niya.

Akbay ang babae na nagtungo siya sa VIP room na para lang sa kanilang magkakaibigan. Paniguradong nandito na din ang mga yun dahil kanina pa text ng text ang mga loko.

"Alex my man!" Sinalubong agad siya ni Tommy, ang bestfriend niya at partner in crime. Nakipagfist bump siya dito pati na rin sa iba pang mga kalalakihang naroon.

Nakaupo sa sofa si Philip habang may nakakandong na babae dito, sa kanilang limang magkakaibigan ay ito ang pinakamanwhore. Katabi naman nito si Cassander na mayroon ding akbay na babae, ito ang pinakamaingay sa kanila. Si Perseus naman ay tahimik lamang na nakaupo sa isang high stool, ito ang pinakatahimik sa kanilang grupo.

"Care to introduce that beautiful lady beside you my friend?" Si Tommy iyon, ang mokong halatang nang-aasar na naman.

Teka? Ano nga ba ang pangalan ng babaeng akbay niya?

Mukha namang nakaramdam ang babae dahil ito mismo ang sumagot sa tanong ni Tom.

"I'm Yvette Dela Serna, nice meeting you guys", salo nito sa pagpapakilala.

"Dela Serna? How are you related to Troy Dela Serna?" Singit na tanong naman ni Cassander. Pagkabanggit sa pangalan ng lalaki ay biglang nag-iba ang aura niya.

"What the heck Sander?!" Angil niya sa kaibigan.

"Whoa! Chillax bro", natatawang nagtaas pa ito ng mga kamay sa ere.

Damn his friend. Masyado talgang matabil ang dila nito.

"Oh Troy? He's my cousin. Pero matagal na siyang wala dito sa Pilipinas, they migrated two years ago with his family," mukhang di nahalata ni Yvette ang pagdilim ng aura niya.

Biglang nawala ang amor niya sa babae. Tinanggal niya ang pagkaka-akbay dito pero lumingkis agad ito sa kanyang braso. Fvck!

His muscles tensed. "Call the waiter, I want to drink" may diin sa bawat salitang binitawan niya. Agad namang tumawag ng waiter si Tom habang si Perseus at Philip naman ay abalang binabatukan si Cassander. Napangisi siya, that fvcker deserves it anyway.

"Aray ku naman!" Reklamo pa nito. Kung si Alex ang tatanongin, mas gusto niya pa itong sapakin.

Nang dumating ang drinks nila ay agad-agad siyang uminom. He came here to get drunk anyway.

"Honey why don't we dance?" Aya sa kanya ni Yvette pero wala na siya sa mood para makipaglandian dito. Mas gusto na lang niyang uminom.

"I don't like to dance" he said sourly. Gusto na niya itong idispatcha.

"Okay if that's what you want dito na lang tayo. Would you like me to dance for you instead?" May sarili kasing stage at dance floor and VIP room na iyon.

"Sure" walang ganang sagot niya. Mukha namang natuwa ang babae dahil agad-agad itong tumayo. Yvette danced to the music wildly na para bang inaakit siya. Sumama na din sa dance floor ang iba pang mga babaeng kasama ng mga barkada niya. Sander and Philip are dancing with them too habang si Yvette naman ay tuloy pa rin sa pagiling. Hindi pa ito nakuntento at umakyat sa pole na naroon sa stage. His friends whistled and encouraged the woman. Wala itong pakialam kung halos mahubaran na sa pagsayaw.

Nakatitig lang siya sa mga ito habang tuloy sa pag-inom sa boteng hawak when Tim and Perseus sat beside him.

"Pare wag mo na lang pansinin si Sander" umakbay si Tom sa kanya.

"That fvcker needs to shut up sometimes" naiirita pa rin kasi siya sa mga sinabi nito.

"It's still the same old issue isn't?" Seryosong tanong naman sakanya ni Perseus na may hawak din namang bote. Kahit gaano katahimik ang isang to ay marunong din namang uminom. Ito ang pinakamay-sense na kausap sa kanilang lahat.

Natahimik siya habang si Tom naman ay umiiling iling. "Loosen up a bit man and just enjoy your date" inginuso nito si Yvette na ngayon ay nakikipagsayawan sa mga babae.

"She's hot" sabi pa nito.

"Yeah" wala pa ring ganang sagot niya sabay inom.

"Don't listen to these assholes Alex. You should stop bedding these type of woman" disgusted na sabi naman ni Perseus.

"Naku pare kung hindi lang talaga namin alam na seryoso kang tao baka matagal ka na naming naitakwil bilang kaibigan at mapagkamalan kang bakla!" Tumatawang kantyaw naman ni Tom.

"Gago!" Sagot naman ni Percy bago sila binato ng pulutan. Nagtawanan silang tatlo.

Mukha namang nakaramdam ng pagod and dalawang mokong sa dance floor dahil lumapit ang mga ito sa kanila.

"Are we missing the fun?" Takang taong ni Philip sabay lagok sa alak nito.

"Pare pasensya na" napapakamot sa ulong sabi ni Sander. "Hindi ko naman sinasadya" dagdag pa nito.

"Minsan kasi pare pumreno ka muna" gatong naman ni Philip.

"Oo nga" sabi naman ni Tom.

"Gago ka kasi kung hindi ka marunong pumreno kahit bumusina ka man lang sana" sabi naman ni Percy.

Nakasimangot na itunuro naman ni Sander ang tatlo nilang kaibigan. "Kita mo tong mga mokong na to pinagkaisahan pa ako. Oo na kasalanan ko na nga mga bwisit talaga kayo"

Napangiti na rin siya. "Stop it fvckers ang iingay niyo. Okay lang yun pare pero sana wag nang maulit. You know the drill", sabay taas ng boteng hawak niya.

Nagsitaas din ng mga bote ang mga loko, "Para sa tagumpay!" Sigaw ni Tom na binatukan naman nilang lahat.

"Let's drink and get wasted fvckers!" Sigaw niya na sinegundahan naman ng lahat, "Cheeeeeeeeers!"

Nagsilapitan naman sa kanila ang mga babae at dahil nawala na ang pagkabadtrip niya sumama na din siya sa mga ito sa dance floor except Percy na bumalik sa pwesto nito kanina.

Alex is now dancing with Yvette. Kahit na gusto niyang palitan ito ay hindi na lang niya itutuloy. She will satisfy him for tonight. Base na rin sa pananamit, pagsasayaw at pananalita nito ay halatang party girl ito. She would understand his game, his terms and his wants.

He's not going to be Alexander Gimenez for nothing right?

"Let's get out of here honey" bulong ni Yvette sa kanya.

And Alex don't need to be told for the second time. Agad niya itong hinila palayo sa dance floor at deretchong lumabas ng room. Leaving his friends shouting and grinning from ear to ear.

----------------------------

Sorry po sa slow update. Happy New Year! Salamat po sa patuloy na mga nagbabasa ng story na to. At para kay Alexander... Naku! Ang sarap mong tuktukan!



KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon