(16) Pasalubong

7 1 0
                                    


"Leviste"

Nike stiffened. Rinig na rinig niya ang boses ni Alexander sa likuran niya. Bakit parang ang bilis naman nitong nakarating?

Tumayo naman si Tommy at lumapit dito.

"O pare? Kumusta ang Singapore?"

So all this time pala ay nasa Singapore ito? Anong ginawa niya dun?

"Good. Why are you with them? I told you to buy me food" Ramdam niya ang titig nito sa likuran niya pero hindi siya nagpahalatang naiilang. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain habang nakatingin lang sa kanya ang dalawang kaibigan.

"Oh I just met them sa canteen kanina and wala ng space kaya sumama na din ako sa kanila. Binilhan naman kita ng pagkain e, sabayan mo na kami."

Magproprotesta pa sana siya pero nahatak na ito ni Tommy. Ang siste magkatabi tuloy sila. May mga benches at stone tables sa open field na pwedeng pagkainan kaya dun sila pumwesto. 8 persons ang pwedeng umupo pero ginamit nila ang isang bench na lagayan ng mga bags kaya ang space sa tabi niya lang ang available. May bitbit din kasing materials si Tommy.

Nahigit niya ang hininga ng maamoy ang familiar na pabango ni Alexander. They're too close to each other na konting na lang ay magkakabungguan na ang mga siko nila.

"O pare kumain ka na. Akala ko binibiro mo lang ako kanina na darating ka eh."

Inabot ni Tommy ang isang nakastyro na pagkain. Bakit hindi niya yun napansin kanina?

Patuloy lang silang tatlo sa pagkain at pinakikinggan ang mga ito.

"Shut up Tom. Wala ka bang practice ng volleyball?" Nagsimula na din itong kumain although nararamdaman niyang sumusulyap ito sa kanya.

"Mamaya pang hapon. How about you? Di dapat hindi ka papasok?"

"Nah I changed my mind. May naalala kasi akong gagawin namin ni Nike"

Did he just called her by her name? Parang first time yata yun? Napalingon siya sa katabi, anong gagawin nila?

"Huh? Meron ba?"

"Yeah. Sasamahan mo akong tignan at i-check yung mga nasimulan nang gawin."

"Ahh" tanging naisagot niya. Anak ng baka, wala siyang masabi eh. O dahil nakaharap sila sa ibang tao kaya umatras ang dila niya?

Weh? Baka kasi namiss mo siya.

Hoy brain quota ka na! Piping suway niya sa utak.

"Oo nga pala pare mga friends ni Nike. This straight forward woman is Andy and this food lover is Ces." Pagpapakilala ni Tom sa mga friends niya na mukhang hindi nagustuhan ng dalawa because they both snorted at matalim na tinignan si Tommy.

"Nice meeting you" sabi ng dalawang bruha na abot tenga yata ang ngisi. Tsk! Traitors!

"The pleasure is mine. Pasensya na kayo kay Tom, malakas lang talaga ang sapak niyan sa utak"

Natawa naman silang lahat except kay Tommy.

"Shut up man. Tapos na akong kumain. Maiwan na kita because I still have my 1 pm class."

"Walk out king ka talaga. Just tell the prof.that I'm not going to class." Tumango naman si Tom at iniwan silang apat.

"Ah Nike, Alex tapos na din kami. May mga dapat pa kasi kaming gawin ni Ces" sabi ni Andy sabay siko kay Ces.

"Huh? Ahh oo nga pala" dali-dali din nitong inayos ang mga bitbit.

Kumunot-noo siya. Anong gagawin nitong dalawa niyang magaling na kaibigan?

"Hoy Ces hindi ka pa tapos kumain ah? Ayaw na ayaw mong nagtitira ng food."

"Ah eh naku naempacho yata ako dahil sa kahanginan ng Leviste na yun."

"Mauna na kami ah?" Sabay hatak ni Andy kay Ces paalis. Naiwan tuloy sila ni Alexander.

A long awkward silence passed through them.

"Uhm a-anong oras tayo magchecheck?" Nakakabingi ang katahimikan kaya siya na mismo ang naunang nagsalita.

"After kong kumain." Tumango na lang siya. Wala na yata siyang ganang tapusin ang meal niya.

"Kumusta na si Tita?"

"Sinong Tita?"

"Your mom"

"Ahh okay lang naman siya. Bakit?"

Anong nakain nito at kinukumusta pati ang nanay niya?

"Nothing. I'm finished, tara na" aya nito sa kanya. Niligpit muna niya ang mga kalat habang nagpapababa ng kinain itong kasama niya.

"Saan tayo unang pupunta?"

"Sa first years muna"

Inihanda na niya ang sarili sa mejo mahaba-habang lakaran. Hindi biro ang gagawin nilang pag-checheck. Nasa 15 departments din ang lilibutin nila.

Tahimik lang silang dalawa habang naglilibot. Aaminin niyang naaaliw siya dahil ngayon lang naman niya nakita kung paano ang preparations ng ibang departments. Ang alam niya ay mas malaki ang premyo this year para sa Best Booth at Mr. and Ms. SPA of the night. Sa last day kasi ng event ay magkakaroon ng bonfire at pipili ang mga judges kung sino ang tatanghaling representative ng SPA.

Ang alam niya ay hindi pa napipili si Alexander. Siguro kasi ayaw nito sa mga ganoong klase ng patimpalak? Last year si Tommy ang nanalo at si Kaithlyn.

5pm na ng matapos silang maglibot sa buong departments. Nakakapagod din. Hindi din naiwasan kanina na pagtinginan sila ng mga tao. Syempre dalawa lang sila sa Student council, ano pa nga ba ang iisipin ng madla? Hay mga tao talaga ngayon masyadong malisyoso kundi naman masyadong mapanghusga.

"Hey I have something to give you" kasalukuyan silang nagpapahinga sa SC room.

"Ano yun?" Takang tanong niya.

Inabot naman nito sa kanya ang apat na paper bags.

"Teka para saan to?"

"For your family" Sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Huh?" Parang tanga lang siya na nakatitig sa binata. Hindi niya din napigilan na haplosin ang noo at leeg nito.

"What the! What are you doing?!" Agad na lumayo si Alexander sa kanya.

"Tinitignan ko lang kung may sakit ka ba. Masakit ba ang ulo mo? O naaksidente ka habang nasa Singapore?"

"What? Of course not!"

"Eh bakit ka may pasalubong para sa family ko?"

Nakakapagtaka naman kasi talaga. Nasaan na ang devil na kilala niya?

"Wala. Nagtitingin lang ako sa Mall nung maalala ko si Tita. She was kid enough to let me dine with you kaya ayan. Don't give meaning to it. It's just a token of gratitude."

Hallelujah! May kabaitan din palang tinatago ang unggoy na ito?

"Ihahatid na kita"

As usual hindi na naman siya nakapalag ng bigla siyang hatakin ni Alexander palabas at papuntang parking lot. Ito na din ang nagdala ng mga paper bags.

Tahimik silang nagdrive papuntang bahay nila.

Something is really off with him. Hindi kaya siya nakulam?

Geez! I'm having weird thoughts because of this man!

----------

Hi guys. Pambawi dahil matagal din akong hindi nakapag-UD :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon