Chapter (5) New Number

16 1 0
                                    

"Ate! Pano mo nakilala si Lance?!" Excited na tanong ng kapatid niya.

"Secret"

"Ate naman eh!" Nanghahaba ang ngusong reklamo nito. Napatawa siya.

"Type mo?"

"Duh ate ang gwapo kaya! Atsaka ang swerte mo ha? Biruin mo yun nakasakay ka sa kotse at inihatid pa sa bahay by the drop dead gorgeous Lance Del Rosario!"

"At ikaw naman todo papicture at pa-autograph ka dun sa tao. Naku!"

Nahiya talaga siya kanina sa ginawa ng kapatid niya nang makita ang lalaking naghatid sa kanya. Hindi din niya ang alam kung mas lalo ba siyang mahihiya dahil pati mama niya ay nakisali sa pagpapapicture sa binata.

"Eh ate nanliligaw ba sa'yo?" Biglang tanong ng kapatid.

"What?! Hoy Belle san mo naman nakuha yang ideya na yan ha?"

"Haha! Eh wala lang. Ang bait bait kasi niya atsaka bakit ka niya hinatid?" Nagdududa pang tanong nito.

"Nagmagandang loob lang yung tao na ihatid ako kasi sya ang dahilan kung bakit late na ko nakauwi"

"Weh??? Bakit ano bang ginawa niyo?"

Pigil ang ngiting sumagot siya, "Nanonood ng practice nila"

"Waaaaaaah ateeeeeeeeee!!"

Hindi na niya kinaya ang pagpipigil kaya napatawa na siya ng malakas. Halata kasi sa mukha nito ang inggit at excitement.

"Sige ate mang-inggit at tumawa ka pa dyan" umiirap na sabi nito.

"Hahahahaha! Eh ang cute naman kasi ng bunsong kapatid ko."

"Ehhh kasi naman ate! Basta ha? Kapag inaya ka ulit nilang manood ng practice nila sabihin mo sakin para makasama ako"

"Hmmmm sige pero anong kapalit?"

Taas kilay na tanong niya. Ganun kasi silang magkapatid. Kailangan may kapalit ang favor na hihingin nila sa isa't-isa. Bakit? Wala. Trip lang nila hahaha! At tutal nasa mood ito kaya susulitin na niya.

"Nakakainis naman eh!"

"Oh di ba usapan na natin yan?"

"Oo na oo na. Ehhhh"

"Ehhh???"

Napagat labi itong sumagot, "Ako na bahalang maglinis ng share mo dito sa bahay for 1 week"

"No"

Napanganga ito. "What?!"

"Kulang"

Saglit itong nanahimik.

"Ano ayaw mo?"

"Fine! 1 month!" Masama ang tingin na ibinigay ng kapatid niya sa kanya ng bumunghalit siya ng tawa.

"Wooooo! 1 month no household chores. Ang swerte ko naman" pang-aasar pa niya.

"Naku kung hindi lang kita ate at kung hindi lang talaga ako avid fan ng Pringles hinding-hindi ko sasagutin ang toka mo sa paglilinis!"

"May kapalit naman sis kaya wag ka nang sumigaw at magalit. Lumalaki ang butas ng ilong mo eh pumapangit ka tuloy"

"Ate!" Sabay bato ng unan sa kanya na agad naman niyang nailagan.

"Hahahahaha!" Nagkatawanan na lang silang dalawa sa kakulitan nila.

(Ms. Author : Well ganyan talaga silang magkapatid. Masanay na kayo sa gulo nila ;D)

KISS FROM A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon