Chapter 5

268 18 0
                                    

Chapter 5

NAPATITIG na lang si Azrael sa mga nakaawang na labi ni Anna. Parang nang-aanyaya para halikan iyon. Napalunok siya at hayon na naman ang munting tinig na bumubulong sa kanyang tainga. Pero hindi niya puwedeng sundin iyon dahil kapag sinunod niya ang tinig na iyon ay masisira ang pangako niya kay Lea.

Iiwas na sana siya pero hinawakan ni Anna ang mukha niya. Tumitig sa kanyang mga mata at ngumiti nang matamis. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang mga labi. Nang dahil sa halik na iyon ay parang biglang nawasak ang pader na nag-uugnay sa pagtitimpi niya at sa sinisigaw ng kanyang katawan.
Mabilis niyang kinabig ang ulo ni Anna at mapusok na hinalikan. Hindi na siya nahirapan na igalaw ang sariling labi dahil kusa itong sumasabay sa kanya. Nakikipaglaro pa nga dila nito sa kanya at napapaungol pa habang sumasabunot sa kanyang buhok. Mas lalo tuloy sinilaban si Azrael kaya ang kamay niya ay pumasok sa suot nitong pantulog at sinakop ang malulusog ng dibdib nito, pinipisil at tinutukso ang dunggot na naroon. Lihim na lang siyang napangiti dahil walang suot na bra ang dalaga kaya malaya niyang nahahawakan ang mga iyon.

Ilang sandali pa ay bumama ang labi niya sa leeg nito at doon ay kinabisa ng kanyang labi at dila kung gaano kalambot at kabango iyon habang ang kanyang kamay ay pakialamerong binubuksan ang butones ng damit nito, nagmamadali pa nga para tuluyan nang makita ng kanyang mga mata sa malapitan ang dibdib nito.
At hindi siya nagkamali, it was firm and erected. Inihiga niya si Anna sa sofa at doon ay sinakop ng kanyang labi ang isang korona nito. Hindi siya tumigil sa pagsipsip na para bang may gatas siyang makukuha roon. Tumitig siya sa mukha ni Anna para makita kung nagugustuhan nito ang halik niya pero nakapikit lang ito at malalim ang paghinga.

"Anna?" tawag niya rito at tinapik pa ang pisngi. "Oh, shit! Nakatulog na pala siya!"

Hindi alam ni Azrael ang mararamdaman. Parang gusto niyang mainis kasi tinulugan siya nito kaya hindi na natuloy ang dapat nilang gagawin. Teka, kailangan ba niyang mainis, it was their intimate scene! Tama bang tulugan siya nito? Bumangon na siya at inihilamos ang kamay sa mukha, napatitig siya sa kanyang pagkalalaki. He was ready, his massive hard-on was tempting him. Parang sinasabi na gamitin na niya ito sa babaeng ngayon ay katabi niya.

Umiling siya. Limang taon na rin siyang walang aksyon at nakaya naman niya iyon, at kakayanin pa niya ngayon. Hindi niya puwedeng angkinin si Anna, bukod sa tulog ay lasing pa ito. Wala itong pahintulot para galawin niya at baka kapag nawala na ang kalasingan nito ay akusahan siyang rapist. Damn! Hindi niya pinangarap na maakusahan nang ganoon.

Naiiling na inayos niya ang pagkaka-butones ng damit nito at binuhat na pabalik sa kuwarto nito. Kinumutan niya ito pagkuway inayos ang buhok na dumikit sa pisngi nito.

"You're a temptress, Anna. Halos ay maangkin na kita kanina pero hindi dapat nangyari iyon. May pangako ako kay Lea na hindi ako gagalaw ng ibang babae dahil gusto kong may maipagmalaki sa kanya kapag nagkita na kami sa langit." Napabuntong-hininga siya. "Ito na ang huling pagkakataon na gagawin ko iyon. Wala tayong relasyon, nandito ka lang sa bahay ko dahil sa singsing na nasa daliri mo. Hindi ako dapat maging mabait sa 'yo, hindi ako dapat tumawa na kasama mo. Dapat ay ikaw ang lumayo sa 'kin kaya simula bukas ay magtatayo ako ng pader sa pagitan natin. You're a maid and I am your boss. Iyon ang papel nating dalawa." Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kuwarto nito at inayos pinag-inuman nila ni Anna sa sala.

MATAPOS patayin ang alarm ng kanyang cell phone ay bumangon na si Anna at nag-inat ng katawan. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa inuman nila kahapon Azrael. Nahilot niya ang sintido.

Masakit man ang ulo niya ay maganda naman ang kanyang naging panaginip. Hinalikan raw niya ni Azrael... Hinalikan... Teka, panaginip lang ba iyon o totoong nangyari? Napapikit siya nang mariin at pilit inalala ang nangyari kagabi. Nasa kusina siya at iinom sana ng gatas pero dumating si Azrael at inaya siyang uminom ng alak. Nagkawentuhan sila tungkol sa dati nitong asawa tapos ay nagpaalam na siya para matulog. Tapos hinalikan niya si Azrael?

Fated RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon