Chapter 4

298 18 0
                                    

Chapter 4

KANINA ay sobrang sama ng loob ni Anna dahil sa pagkawala ng ipon niya. Idagdag pa na baka alam ito ng Mama niya pero hinayaan pa rin na kunin ni Mando ang pera niya. Ano na naman kayang idadahilan nito tungkol doon? Pero wala pa siyang karapatan para manghusga. Hindi niya alam ang buong detalye pero hiling lang niya na sana ay walang alam ang Mama niya tungkol sa pagnanakaw ni Mando.

Papasok na sila sa loob ng bahay ni Azrael. Namamangha ang mga mata na inilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi gaano karaming gamit ang nandito pero halatang mamahalin ang mga iyon. Magmula sa mga upuan na may magagandang style, sa mga painting na nakasabit sa wall at mga naglalakihang vase sa bawat kanto ng bahay. Naisip niya tuloy, mukhang hindi naman ninakawan ang loob ng bahay. Maayos pa nga, eh.

"Siyanga pala, ano ang mga ninakaw ni Mando sa bahay mo?"

"Laptop, spare cell phone, wallet at ilang mga appliances," sagot nito. "Anyway, doon sa second floor ang magiging kuwarto mo," sabi nito saka nauna nang umakyat sa taas.

Binuksan nito ang kuwarto at ganoon na lang ang gulat niya dahil maganda ang magiging silid niya! May malaking kama at aircon ang paligid. Sa excitement ay binitiwan niya ang bag at umupo sa gilid ng kama. Malambot iyon at sa bawat galaw niya ay nagba-bounce din siya. Pero bakit ganito ang silid para sa isang katulong na tulad niya? Baka naman may balak itong gawin sa kanya? May pagdududang napatingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya.

"If you're thinking something indecent about this room then you're wrong. Wala akong pinagawa na maids quarter noong pinapatayo pa lang itong bahay dahil sa simula pa lang ay wala akong balak na mag-hire ng katulong. Itong tutulugan mo ay guest room. Maswerte ka dahil kahit katulong ang papel mo sa bahay ko ay nasa maayos kang kuwarto."

"'Sus! Ang daming sinabi. Parang napatingin lang ako sa kanya, defensive na agad." Kunwari ay hindi siya nag-isip nang malaswa. Bigla kasi siyang nahiya na baka isipin nito na greenminded siya. "Pero mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo, ano? Siyanga pala, anong oras ka nagigising? Anong mga pagkain ang gusto mo? Saka may mga bawal ba na pagkain sa 'yo? Sabihin mo agad sa akin para mapaghandaan ko."

"Walang bawal na pagkain sa akin. Basta tuwing umaga ay maghanda ka ng kape at mag-toast ka ng bread. Eleven thirty naman ako kumakain sa tanghali at sa gabi ay six thirty. Dapat bago dumating ang mga oras na iyon ay nakapaghanda ka na, okay?"

"Okay, madali lang pala, eh."

"Saka ayoko nang makalat, gusto ko laging malinis ang loob ng bahay ko, okay?"

Napatango na lang siya.

"Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka, mamayang gabi ka na magluto ng hapunan natin, okay?"

"Sige, saka salamat pala, ha?"

"Para saan?"

"Sa concern mo. Alam ko na kahit medyo ang bossy at serious ang tone ng boses mo ay nararamdaman ko pa rin na concern mo, so, hayon."

"Then, you're welcome."

"Saka pasensya na rin pala sa ginawa kong pagsipa sa 'yo noong nakaraang araw. Nabigla lang ako noon kasi naman, interview ko ng araw na iyon sa Legazpi pero hindi naman ako natanggap."

"That's alright. Hindi naman masakit. Anyway, matulog ka na para makapagpahinga ka na."

Kimi na lang niyang nginitian ito at matapos niyon ay lumabas na ito habang siya ay naiwan naman sa loob. Pabagsak siyang nahiga sa kama matapos na i-alarm ang cell phone niya para magising siya mamayang alas-sinco.

Infairness, mabait naman pala siya. Mukha lang matapang kasi hindi ngumingiti. Saka ang guwapo niya, ha? Bigla siyang kinilig sa isipin na iyon.

MAHABA-HABA rin ang naging pahinga ni Anna kaya naman masigla siyang naghanda ng hapunan ni Azrael. Matapos na iayos ang table settings ay nilagay na niya sa gitna ang niluto niyang menudo. Napatingin siya sa relo niya, saktong six thirty na nang marinig niya ang yabag ng lalaki na pababa na ng hagdan.

Fated RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon