Chapter 9
LAST day na ng mga magulang ni Azrael dito sa Bicol. Ngayon ay nasa Legazpi Airport sila dahil hinatid nila ang mag-asawa.
"Ayoko pa sana umuwi pero naghihintay ang business namin sa Manila, hindi puwedeng pabayaan." May lungkot sa boses na sabi ni Mrs. Sandoval. "I will miss you, Anna. Sana ay kayo naman ng anak ko ang dumalaw sa amin."
Napatingin si Anna kay Azrael. Pero nakikipag-usap ito sa ama, mukhang seryoso ang mga ito. "Huwag po kayong mag-alala, kapag po may pagkakataon ay kami po ang pupunta sa inyo. Sa totoo lang po ay hindi pa ako nakakapunta ng Manila kaya excited po ako na pumasyal doon."
Napangiti ang ginang. "Ipapasyal ka namin ng daddy Rael mo kapag dumalaw ka sa amin.""Talaga po? Naku, salamat po."
"Oo, kaya Anna, anak, magpakasal na kayo ni Azrael para talagang maging bahagi ka na ng pamilya namin. Alam mo, akala ko ay hindi na papasok sa isang relasyon ang batang 'yan kasi talagang dinamdam niya ang pagkawala ni Lea. Kaya nga nag-ermitanyo 'yan sa probinsya niyo. Pero ngayon, masaya ako na nakikitang masaya ang anak ko, iyon ay dahil sa 'yo. Kaya salamat, Anna. Binalik mo ang sigla kay Azrael."
Napangiti na lang si Anna. Nakakatuwa na malaki pala ang naging role niya sa buhay ni Azrael. Wala man silang pormal na relasyon ay hindi naman naging dahilan iyon para mapasaya niya ang binata. Pero nandoon din ang guilt sa puso niya, nagpanggap siya na girlfriend ni Azrael at paniwalang-paniwala ang mga magulang ng binata sa set-up nila. Feeling niya tuloy ay hindi siya karapat-dapat sa binibigay na atensyon at pagmamahal ng mag-asawang Sandoval.
"Mama..." gusto na niya sana aminin ang totoo pero pinigilan din niya ang sarili. Paalis na ang mga ito at ayaw niyang mag-iwan ng sama ng loob, lalo na sa ina ni Azrael. Sa maiksing panahon ay napamahal na siya agad sa ginang. "Mahal na mahal ko po kayo. Kahit dalawang linggo lang tayo nagkasama rito ay naging masaya po ako dahil naramdaman ko po ang pagmamahal niyo sa akin."
Napangiti naman ang ginang saka masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Same here, hija. Mahal din kita."
Niyakap nang mahigpit ni Anna ang ginang. Naghiwalay lang sila nang lumapit na ang mag-ama sa kanila.
"Oras na ng flight namin. We have to go," sabi ni Mr. Sandoval. "Hija, alagaan mong mabuti itong anak namin, ha?"
Napangiti na lang si Anna pagkuway niyakap din si Mr. Sandoval. Mayamaya ay hinahatid na nila ng tingin ang mag-asawa na kumakaway pa sa kanila habang papasok sa arrival area.
"BIGLANG tumahimik ang bahay. Parang nanibago ako."
Napalingon si Azrael kay Anna. Kakauwi lang nila sa bahay. Nakaupo ito sa sofa habang tinitingnan ang paligid. Tama ito, nakakapanibago nga. Para ngang bigla siyang nasabik na makasama ulit ang mga magulang.
Napangiti na lang siya. Unti-unti na talaga nababago ang buhay niya. Dati kapag biglaang dumadalaw ang mga magulang sa kanya ay parang balewala lang, hinahayaan niya lang ang mga ito sa bahay niya habang siya ay aalis o 'di kaya ay mananatili lang sa loob ng kuwarto niya. Noon pa man ay sinasabihan na siya ng mga ito na mali ang ginagawa niyang pag-e-ermitanyo rito pero hindi siya nakikinig. Kaya nga hindi umaabot ng isang linggo ang bakasyon ng mga magulang sa bahay nila. Dalawa o tatlong araw lang ay aalis na ang mga ito, mag-iiwan na lang ng note dahil kapag aalis naman ang mga ito ay wala siya sa bahay.Kanina ay nag-usap sila ng ama. Muli ay pinaalalahanan siya nito tungkol sa kanila ni Anna.
"Habang maaga pa ay alamin mo na ang totoong nararamdaman mo kay Anna dahil ayaw namin ng Mama mo na maging kawawa siya sa huli. Alam mo kung bakit? Dahil hindi malayong mahulog ang loob niya sa 'yo. Hindi pa siguro sa ngayon pero darating ang araw na iyon at kung sakali na walang katugon ang damdamin niya sa 'yo ay—"
BINABASA MO ANG
Fated Ring
RomanceThe Wedding Symbol PHR Collaboration Series Book 3 Azrael and Anna