Chapter 10
NAG-ALALA si Azrael kay Anna nang malaman na susugurin nito sina Mando at ang nanay nito na dumating na pala isang linggo na ang nakakaraan.
Nalaman niya ito nang makita si Anna na biglang umalis. Nasa terrace siya noon at pinagmamasdan ang dalaga. Nakita niya kasi na may kausap ito. Nang tanungin niya ang babaeng kausap nito ay nalaman niya ang pagsugod na gagawin ng dalaga.
Hindi niya puwedeng pabayaan ito. Naalala niya kasi ang kwento sa kanya ni Anna na hindi maganda ang pakiramdam nito sa lalaki. Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Saka sa ganda ba naman ni Anna ay hindi malayong magka-interes ito sa dalaga.
Damn! Subukan lang talaga niya na may gawing hindi maganda kay Anna at sisiguruduhin kong magdudusa siya sa loob ng kulungan!
Nakuyom na lang niya ang kamao at kung ano-anong eksena na ang pumapasok sa isip niya. Pinagpag niya ang mga iyon sa kanyang isipan. Tinawagan na niya ang mga pulis kanina para sumunod sa kanya. Hindi man niya itinuloy ang kasong theft dito noon pero ngayon ay puwede niyang bawiin iyon, idadagdag din niya ang kung ano mang gagawin nito kay Anna.
Pero huwag naman sana... piping dasal niya saka mas pinabilis ang patakbo ng sasakyan.
Nang ihinto niya ang sasakyan ay lumabas na siya agad at pinuntahan ang bahay ng dalaga. Sa labas pa lang ay nakakarinig na siya ng sigawan. Mabilis niyang binuksan ang pinto pero nagulat na lang siya sa nakitang eksena.
Si Anna, halos ay bugbugin nito ang lalaking kinaibabawan. Walang magawa ang lalaki kundi ang takpan ang mukha ng kamay. Sa tingin niya ay may iba pa itong iniinda kaya hindi makapanlaban.
"Stop it, Anna!" Hinablot niya ito at inilayo sa lalaki na ngayon ay bumabangon habang sapo ang harapan. Nakapikit din ang isang mata nito at dumudugo ang ilong at gilid ng labi. Shit! Grabe ang tinamo ng taong ito kay Anna! Hindi niya maiwasang mamangha.
"Walang-hiya kang babae ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" Duro ni Mando sa dalaga.
Tila naman natuliling ang tainga ni Anna at akmang pasugod na naman sa lalaki. Mabuti na lang at hawak niya pa rin ang braso nito.
"Pagbabayaran ko? Aba! Hindi ko na hihintayin na gantihan mo ako dahil ngayon pa lang ay tatapusin na kita! Walang-hiya ka! Matagal ko nang gusto na bugbugin ang pagmumukha mo!" Matapang nitong sabi habang pilit na kumakawala sa kanya. "Bitiwan mo nga ako!" Hinarap siya nito Anna at siya naman ang pinagsusuntok sa dibdib.
"Stop it now, Anna. Please! Tingnan mo ang kamay mo, puro dugo na ng taong 'yan."
"Wala akong—" hindi na nagawang makasagot ni Anna nang bigla ay halikan niya ito.
"Please, tama na, okay?"
"P-pero—"
Natigilan na ito sa ibang sasabihin nang makita si Mando na may hawak ng baril at nakatutok sa kanila. And on that moment, painful and traumatic past flashed on his mind. Parang katulad noon nang mamatay ang pinakakamamahal niyang babae. Nasa tabi niya ito, hawak niya ang kamay nito pero hindi niya naprotektahan. Namatay ito dahil sa tama ng bala. Mauulit ba ngayon ang nangyari noon? Mawawalan ba siya ulit ng minamahal dahil sa kaparehas na eksena? Will the history repeats itself?
Sa naisip ay akmang yayakapin niya si Anna pero inunahan na siya nito. Ito ang yumakap sa kanya nang mahigpit. Napakurap na lang siya nang umalingawngaw ang putok ng baril at ngayon nga ay unti-unti nang bumabagsak sa harapan niya si Anna. Duguan ang likod.
"A-anna..."
"Tama lang 'yan sa 'yo! Pakialamera ka kasi!" Akmang magpapaputok pa ito pero mabilis siyang tumalon sa kinarorooman nito, hinawakan ang kamay at inalis ang baril na hawak. Nang magawa ay binigyan ng flying kick at isang upper cat. Naghihingalo na bumagsak ito. Nagagamit pa rin niya hanggang ngayon ang mga skills na natutunan niya noong nasa army pa siya kaya hindi siya nahirapan na makipaglaban dito.
BINABASA MO ANG
Fated Ring
RomanceThe Wedding Symbol PHR Collaboration Series Book 3 Azrael and Anna