Prologue

21 5 0
                                    

Prologue

6:30am

Bigla akong napabangon ng marinig ang huni ng alarm clock. Takte naman! Naudlot yung maganda kong panaginip. Ayun na yun eh, hawak ko na yung pera-teka! Nasaan yung pera ko? Kinapa kapa ko ang kama at lumingon lingon. Aysshhh! Tanga! Panaginip pala yun. Akala ko naman magiging milyonaryo na ako. Napasabunot nalang ako sa buhok. Ano yung nagbebeep beep? Parang huni nung nasa ospital.

Pero sa pagkakaalam ko walang ospital malapit samin. Napatigil ako sa naisip. M-minumulto ba ako? Ilang segundo akong naestatwa sa pagkakaupo sa kama habang nanlalaki ang mga mata ng bigla akong mapahalakhak ng malakas at pumalakpak.

Ayos! Matagal ko ng pangarap magkaroon ng multong friend.

Kapag nagkaroon ako, uutusan ko siyang tulungan ako sa exam, yung ibubulong niya sakin yung sagot. Tapos kapag may umaway sakin, ipapamulto ko sa kanya, tapos kap-

Teka, anong oras na?

Pakamot kamot akong tumingin sa paligid. Ay hala, hindi ko pa pala napapatay yung alarm clock. Iyon pala yung nagbebeep beep. Pipindutin ko na sana yun ng manlaki ang mga mata ko ng makita ang oras.

PATAY! MALALATE NA AKO!

Dali dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo. Tatlong segundo lang ang itinagal ko sa banyo at agad lumabas at nagbihis ng uniporme. Hindi na ako nag abalang magsuklay at agad na lumabas ng kwarto. Patakbo akong bumaba ng hagdan habang bitbit ang aking bag. Tumutulo pa yung butil butil ng tubig mula sa basa kong buhok. Hayaan na! Hindi ako pwedeng malate!

Ayaw kong mag community service tsk!

Dumeretso ako sa dining room at naabutan ko roon yung dalawa kong kapatid, sina insan, at iba pa naming kasama sa bahay na kumakain.

Napatigil sila sa pagkain nung mapatingin sakin. Nabulunan naman si kuya habang umiinom ng tubig ng makita ako at tumawa ng palihim. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko, baka kasi mamaya nasa gilid kona si multong friend. Pero wala naman eh!

“Bakit?” Nakangiti kong tanong sa kanila. Mukha kasi silang nakakita ng multo kung makatingin sakin. Ay teka ano bayan malalate na ako!

Ibinaba ni kuya yung hawak niyang baso at tinuro ako. Ako? Anong meron sakin?

“Pfft! Bat HAHA- bat ganyan itsura mo?” Natatawa niyang tanong. Problema niya? Tinaasan ko siya ng kilay. Napailing naman si papa.

Nakita kong nakatingin rin sakin sina insan na nagtataka kaya naman tinignan ko yung sarili ko.

Ay tanga! Baliktad yung uniporme ko!

Dali dali akong umakyat sa taas at bumalik sa kwarto para baliktarin yung uniporme ko. Muntik ko pang masagi yung vase na nakadisplay ng papasok ako sa kwarto. Bat naman kasi nagdidisplay sila ng mga babasaging bagay!

Pero bat di ko napansin yun? Kapag nagkataon papasok sana ako ngayon na baliktad ang uniporme. Nakakahiya naman. Buti napansin ni kuya. Hindi na ulit ako nag-abalang tumingin sa salamin at dali daling bumaba.

“Ma, Pa, pasok na po ako. Babyee!”

“Mag-agahan ka muna.” Tawag sakin ni mama nung malapit na sana ako sa maindoor. Nilingon ko siya.

“Hindi na ma, malalate na ako.”

Ipagbabaon nalang kita, teka-”

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon