Special Update

3 2 0
                                    

Chapter 7 (Special Update)



Empress's POV

Nagkakilala kami ni Daemien sa computer shop. Nung araw na yun ay kailangan kong dumaan sa computer shop dahil may project ako na dapat tapusin. Ayaw ko naman na gawin yun sa bahay kasi nakakatamad at mindset ko kasi noon na kapag nasa bahay ako, dapat chill lang hehe.

Nagkataon naman na nandun si Daemien with his team playing a game at ang ingay-ingay nila, lalo na siya, magkatalikod lang kasi kami.

Hindi ako makaconcentrate sa nireresearch ko dahil panay sigawan sila at nagmumura pa. Tapos may mga salita pang weird na hindi ko maintindihan.

Nung lingunin ko yung nilalaro nila, wala akong magets at puro baragdulan ang nakikita. Nanood ako ng konti, curios kasi kung bakit kinaadikan ng mga tulad nila ang mga ganyan. Pero nalito lang ako kung paano ba nila nalalaro yan. Nalaman ko nalang na yung kalaban pala nila nasa kabilang side, sa harap lang pala nila.

Bahagya pa kong tumayo nun para makita yung kalaban nila, hindi maiguhit ang mukha. Halos masira yung keyboard at mouse sa higpit at bilis ng paghawak nila.

Tinawag ko yung lalaking nasa likod ko para sana pagsabihan na wag masyadong maingay. Kaso mukhang di ako narinig dahil naka headphone.

Hinayaan ko nalang at binalik ang atensyon sa ginagawa. Maganda kasi ang computer shop nato kaya paborito kong gumawa ng mga research assignmet dito. Medyo may kamahalan nga lang kasi naka aircon at medyo kakaiba ang mga computers lalo na ang mga upuan, umiilaw ilaw pa yung keyboard kung gusto mo itong pailawin. Parang upgraded. Internet cafe ata tawag dito.

Wala masyadong mga tambay na mababaho kasi di nila afford. Tsaka hindi siksikan dito. May space talaga bawat isa. At isa pa, malakas ang internet!

Alam ko naman na maraming gamers na naglalaro dito pero yung grupo ngayon medyo nakakarindi.

Kalahating oras na ang iginugugol ko pero hindi pa rin ako tapos. Paano ba naman ako matatapos, hindi gumagana yung utak ko sa ingay nila. Antagal naman kasi nilang matapos. Malaki nanaman babayaran ko neto!

Sinubukan ko namang gumamit ng headphone at makinig ng music pero nag uumapaw parin ang boses nila. Ganiyan ba talaga sila maglaro? Kailangan magsigawan at mag murahan?

Sa inis ay tumayo ako't pinindot yung keyboard nung lalaki sa likuran ko, sa kanilang lima siya kasi yung pinakamaingay. Sinigurado ko talagang pinindot ko ng marami yung keyboard para mapatay siya ng kalaban. Alam ko na medyo mali ako sa ginawa ko pero nakakainis na talaga, pwede naman silang maglaro ng hindi sumisigaw.

Nakita kong nagulat siya pati yung kasama niya sa ginawa ko. Dahil dun natalo sila.

"Sorry napindot." sabi ko.

Ramdam ko ang galit ng lalaki sakin, pero pinipigilan niya, pakiramdam ko tuloy gusto niya kong sabunutan hanggang sa makalbo.

Inaway naman ako ng mga kasama niya, sa dami ng sinasabi nila wala akong naintindihan, tapos yung lalaki na sinabotahe ko tahimik lang na masama ang tingin.

Yung nakalaban nila sobrang tuwa naman tapos  yung parang leader nila inasar pa yung lalaking sinabotahe ko. Naguilty tuloy ako. Para kasi siyang iiyak. Bakit kasi ginawa ko iyon?!

Nakakahiya.

Louise ata pangalan ng leader na maangas na nakalaban nila. Inaasar niya yung grupo na natalo na ako naman talaga ang may kasalanan.

Mas lalo akong nakonsensya ng umupo yung lalaki saka yumuko. Narinig ko pang humihikbi ito. Dinaluhan naman siya ng mga ka teammates niya. Bakit siya umiiyak? Parang laro lang naman.

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon