Chapter 6

9 3 0
                                    


“Good Morning Ms. Valerio, Mr. Valenthine, and Mr. Reece. Why are you late?” Salubong sa amin ng aming guro sa English, nakatayo naman kaming tatlo sa may pintuan habang ako ay nakayuko lamang. Nakakahiya kasi. Kinakabahang napapasulyap ako kay maam, kung bakit ba naman kasi na late ako. Sinulyapan ko narin sina Glaizer at Archer ng kay bilis, late rin sila. Bakit kaya. Himala naman na nagkasabay sabay kami.

“Traffic po” Maikling sagot ni Glaizer. Napatingin ako sa kaniya. Traffic? Parang hindi ako kumbinsido. Binalingan siya ng aming guro ng tingin at tinaasan ng kilay na hindi naman mataas, sunod niyang binalingan si Archer, napakamot naman ito sa buhok na akala mo ay inip na inip na bago ito sumagot.

“My car.......my car was lost.” Nag-aalangan pa ito sa kaniyang sinabi, sabay kaming napatingin sa kaniya maging ang mga kaklase namin na nakarinig. Nawala sasakyan niya? Parang impossible naman ata yun. Sinamaan siya ng tingin ng aming guro, mukhang nakaramdam na parang namimilosopo ang isang to.

Muka kasing tarantado kung sumagot! Magdadahilan na nga lang yung pinakamahirap pang paniwalaan. Ano yun na carnap?! Impossible yun dahil marami siyang tropang aso na tutulong sa kaniya sakaling gusto niyang bawiin yung kotse.

“Pinagloloko mo ba ako Mr. Reece?!” May kataasang boses na ani ng aming guro.

“Tss. If that's what you believed.” Kalmadong sagot nito na nagkakamot-kamot pa sa kaniyang leeg habang nagpapalinga-linga sa kung saan. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi naman ito nakatingin sakin.  Mainit dugo ko sa abnoy nato!

“How insolent!” Nanlalaki na ang mga mata ng aming guro maging ang butas ng kaniyang ilong at dinuro duro siya. Kita niyo, napakasiraulo talaga. Sagutin ba naman. Mawawalan talaga ng ulirat si ma'am kung ganito ba namang estudyante ang makakasalamuha niya araw-araw.

Napaayos ako ng tayo ng mapatingin naman saakin si maam. Jusko, bakit nga ba ako late. Alam kong late ako pero hindi ko rin alam kung bakit ako late. Ni nangyari nga kagabi di ko maalala. Basta nagising nalang ako at nasa kwarto na ako.

“How about you Ms. Valerio?” Nagkunyari muna akong napaubo bago nagsalita.

“Ahh... A-ano... Ahmm.. nagkamali ako ng building na napasukan.. ah yun.. tama.. yun nga yun..” Nanginginig pa ang aking mga daliri habang tinuturo yung gusali sa tapat. Napapikit ako dahil sa isinagot ko, para kasing shunga eh! Tama ba yung rasun ko? Nataranta na kasi ako lalo na nung tinarayan ako ng kilay ni maam na halata namang guhit lang kaya yung una kong naisip ay yun na yun. Iniimagine ko tuloy kung anong itsura niya kung wala itong pangkilay. Lalo naman akong kinabahan ng ngumisi si maam.

“Nagpapatawa ka ba Ms. Valerio? Matagal ka ng nag-aaral dito hindi mo pa rin kabisado ang daan sa DISH?!” Ani niya at muling sinulyapan ang dalawa bago ibalik ang tingin saakin.

“Bakit ganiyan ang mukha niyong tatlo? Si Ms. Valerio mukhang sabog.” Agad akong napaayos ng aking sarili ng marinig ang apelyedo ko. Ansakit naman magsalita ni ma'am.

“Kayong dalawa naman mukhang kakagaling lang sa sabong! Is that the real reason kung bakit kayo late?!” Nagkatinginan pa yung dalawa, wala pa rin silang imik. Huwag lang nila sabihin na nag-away nanaman sila dahil kakalbuhin ko talaga yung babaeng pinag-aawayan nila't pagbabanggain ko ang ulo nila. Ipapabilad ko pa sila sa araw ng magtanda! Napangisi ako sa aking naisip. Di naman ata masyadong brutal hehe.

“Why are you smiling?” Nawala ang ngisi sa aking labi ng bumaling ulit ang tingin nito saakin. Andami namang tanong ng gurong ito, hays. Bakit hindi nalang kami papasukin, nagsasayang pa ng oras eh, tapos kung makareklamo sila na kulang ang oras tsk!

“A-ah wala po maam.” Sagot ko na lamang at bumalik ulit ang atensyon nito sa dalawa.

Wala nanamang umimik sa kanila. Kaya malalim na nagbuntong hininga si maam at ibinalik ang tingin sa klase. Nawalan na ata ng pasensiya.

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon