Chapter 1

12 5 0
                                    

Chapter 1

"From now on, all students are forbidden to enter the mini forest of Devorah International School of High." Yun ang mga huling katagang narinig ko kay Ms. Ramirez bago kami lumabas ng kanyang office.

Ang OA naman kasi ni kuya Xyrus, nung nalaman niyang nahulog ako sa bangin ng mini forest agad siyang nagreport kay Ms. Ramirez. Ayun, naban kaming pumunta roon. Hindi lang kami, literal na buong estudyante sa campus ay bawal.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa office ay agad bumungad sa harap namin yung mga chismosa. Rinig na rinig ko yung mga bulungan nila tungkol sa nangyari. Ambilis naman kumalat ng chismis.

"Ang stupid kasi. Ayan tuloy, hindi na tayo makakapunta sa tambayan."

"Sinabi mo pa."

"Ano ba naman kasing ginagawa niya doon during class hours."

"Baka nakipagdate."

"Yah yah, sabi nila kasama niya daw yung transfer student."

"Napahamak tuloy, ang landi kasi!"

Tsk! Bat ako sinisisi niyo, kasalanan yun nung pisteng aso! Tsaka ano daw? Ako? Malandi? Ano yung malandi? Baka sila! O baka yung aso. Ngumiti ako sa mga chismosa kaya tumigil sila sa pagbubulungan. Bulungan pa, dinig naman!

"Tara na Empress, wag ka na munang pumasok." Tawag sakin ni kuya na parang galit at hinila na ako papalayo roon.

Nasaan na kaya si ano- ay! Hindi ko nakuha pangalan niya. Kasi naman, pagkatapos naming makabalik sa campus bigla nalang umalis. Akala ko ba transferee yun? Grabe namang estudyante yun, ke bago bago pa lang nag cutting classes na. Hindi ko na siya kasi nakita pa pagkatapos niya akong iwan. Hayyy. Ang weird talaga nung lalaking yun. Hindi bale, kung dito siya mag-aaral, nakakatiyak akong magkrukrus ulit ang landas namin hehe.

~Valerio's Residence~

"Empress, what happened? Bakit ka kasi nagsusuot kung saan saan? Muntik kana tuloy mapahamak." Nag-aalalang bungad sakin ni mama ng makauwi kami sa bahay.

"Okay lang ako ma."

"Bakit ka ba umabot roon?" Tanong naman ni papa habang may hawak hawak na tasa ng kape habang nakaupo sa sofa. Napasulyap ako sa wall clock.

10:07 am

Malalim na nagbuntong hininga nalang ako, sayang naman, pinaabsent ako ni kuya sa klase ko ngayon dahil sa nangyari. Hindi bale, mangongopya nalang ako ng notes sa mga kaklase ko.

"Hinabol po kasi ako ng malaking aso." Sagot ko sa tanong ni papa.

"Tss! Tumakbo ka siguro, hindi ka naman aanhin ng aso kung di ka tatakbo eh." Sabat ni kuya na paakyat na sa hagdan, siguro magbibihis na siya dahil magsisimula na rin yung klase niya maya maya lang.

Ano ba naman kasi yan, hindi pantay pantay yung schedule namin. Minsan nga may night class pa eh. At ang mas nakakaloka pa, paiba iba yung kaklase mo sa bawat subjects, hindi lang yun, palipat lipat rin kami ng room, kaya paiba iba yung magiging kaklase mo. Hindi kasi tugma yung schedule namin bawat isa.

"Hindi ako aanhin ng aso kung walang may nagdala. Hindi ba yun nagbasa ng manual? Nasa rules kayang no pets allowed." Angal ko. Kung sino man ang nagmamay-ari ng pisteng aso na yun, ipapakain ko sa kanya ng buo yung school manual ng maintindihan niya na no pets allowed nga! Joke! Hehe.

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon