Chapter 3
Mabilis natapos ang mga sumunod kong klase kaya naman dumating na ang oras na pinakahinihintay ko. Uwian na! Naglalakad ako sa hallway habang nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin, umuulan kasi sa labas at wala akong dalang payong. Iniisip kong pahupain ang ulan pero paano kung hindi yun humupa? Edi magdamag akong maghihintay dito, saka malay ko ba baka mamayang gabi pa yan humupa tsk!
Papunta na sana ako sa main entrance ng DISH building ng makita ko si abnoy na may kinakaladkad na lalaki sa hallway kasama ang mga utusan niyang mukhang aso. Lumiko sila sa may likuan di kalayuan kaya hindi ko na sila nasundan pa ng tingin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko silang hinabol para sundan, baka mamaya mapatay niya yung lalaki eh kawawa naman, mahirap na, atleast kung may mangyari mang hindi maganada, ako ang puwedeng tumestigo para sa lalaki hehe.
“Tarantado! Lumayo kang g*go ka sa girlfriend ko!” Dinig kong malakas na sigaw ni abnoy. Sinundan ko yung malakas na boses na iyon dahil sa sobrang bilis ng paglalakad nung abnoy ay di ko na sila naabutan tuloy. Lumabas ako ng building, malakas ang pakiramdam ko na sa labas o sa likod ng building dinala nung abnoy na yun yung lalaki.
“Wag kang makalapit lapit sa kanya! Tangina!”
Lumingon lingon ako sa paligid para makasiguradong walang makakasunod sakin bago pumunta sa likod ng bahagi ng DISH building. Sa likod kasi ng gusali ay may abandonadong gusali rin na nakatayo, luma na ito at sira sira na ang ibang parte nito, kaya naman walang masyadong pumupunta sa bahaging ito ng eskwelahan. Perpektong lugar na pwedeng pagdalhan nung abnoy.
Pumasok ako sa abandonadong gusali, habang papalapit ako ng papalapit ay palakas ng palakas rin ang naririnig kong mga tawanan. Tawanan ng mga mukhang aso niyang tropa.
“What?! Hindi mo pa rin aaminin na may gusto ka sa gf ko? Aminin mo!” Sigaw nanaman nung abnoy na may halong pang-aasar. Bigla tuloy akong kinabahan, ano bang ginagawa niya sa lalaki. Tatawag na ba ako ng mga teachers? Takte! Ayokong madamay rito! Baka mamaya ako balikan ng abnoy nayan eh! May sira pa naman yan sa utak.
Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko na animoy kakagaling ko lang sa pagtakbo, ayshh! Bat ba kasi ako kinakabahan?
Eh baka kung ano na kasi yung ginagawa nila sa lalaki kawawa naman.
Nagtago nalang ako sa isang malaking poste at bahagyang sumilip sa kinaroroonan nila. May binubogbog yung abnoy! Napakabully talaga kahit kailan! Bagay na bagay sa kanya ang pangalang abnoy! Pinagkakaisahan nila yung lalaki, yung dalawang kasamahan niyang mukhang aso ang may hawak sa nakayukong lalaki habang pilit nila itong itinatayo, tapos yung isa naman ang sumusuntok, yung abnoy naman nakatayo lang sa harap nila na parang nanonood lang ng pelikula. May isa pa silang kasamahan na may hawak na tubo. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Magtatawag na sana ako ng mga guro ng mapatigil ako at namutla dahil sa nakita. Umakyat ang sobrang takot at kaba sa dibdib ko na animoy ito na ang araw ng kamatayan ko. Bigla akong nagpanic ng makilala kung sino yung lalaking pinagkakaisahan nila.
Y-yung l-lalaking binubugbog nila s-si...
Y-YUNG TRANSFER STUDENT!
SI GLAIZER!
Halos lahat ng mura ay nasabi ko na ata dahil sa hindi ako makapaniwala, a-anong ibig sabihin nito? Eh diba kanina sabay pa nga sila naglunch ng abnoy na yan kaya nga pinaalis niya ako eh! May tama nga talaga sa utak!
Nagkuyom ang mga kamao ko dahil bigla akong nakaramdam ng matinding galit. Parang gusto ko silang patayin dahil sa nakikita ko. Agad akong umiling dahil sa mga naiisip ko at nagbuntong hininga para mapakalma ang sarili. Kailangan may gawin ako.
BINABASA MO ANG
Loveless Curse
Teen FictionWhat will you do if one day you cross paths with the one who curses everyone to become loveless? Does the loveless curse really exist?