Chapter 2

10 5 0
                                    

Chapter 2

Wala sa sariling naglalakad ako sa pasilyo papuntang classroom habang may bitbit akong limang cartolina para sa project na gagawin namin mamaya, nakasukbit naman sa likod ko ang aking bag. Mukha akong zombie dahil sa laki ng eyebags ko. Nasobrahan ata ako sa pagtulog kahapon kaya di ako nakatulog ng maaga kagabi.

Puro puti yung cartolina na dala ko, hayy bakit kasi kailangan lima pa yung kelangan. Kala mo naman magagamit namin to lahat.

Napatingin ako sa gilid ko ng may madaanan akong office na hindi ko alam kung para saan. May malaking salamin kasi ito ng bintana kaya nakita ko yung repleksyon ko. Mula sa repleksyon ay tinignan ko ang school uniform na suot ko, baka mamaya baliktad nanaman eh. Buti nalang hindi.

Spring and autumn british style ang uniform namin. It has a white blouse with a school crest and a blue tie with two white lines sa ilaim na nagsisilbing disenyo. Pinatungan ito ng asul na blazer and a blue skirt na kasing tugma rin ng kulay ng blazer, the skirt has two white lines also sa ilaim na tugma sa disenyo ng kurbata, at syempre hindi mawawala yung black shoes at ang mahabang puting medyas na hanggang tuhod. Same as with the boys, pero syempre asul na trousers yung sakanila.

Nakita ko ang aking repleksyon, buhaghag yung buhok ko dahil siguro hindi nanaman ako nagsuklay kanina at nangingitim yung ilalim ng mga mata ko, napangisi ako ng makita ko na ganito kasabog yung itsura ko, pero agad nawala yung ngisi ko ng mapagtantong mukha akong demonyo sa salamin. Napairap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla akong nakaramdam ng antok dahilan para mapahikab ako.

Napatingin ako sa labas, makulimlim yung kalangitan na parang uulan. Napabuntong hininga nalang ako.

Nagpatuloy muli ako sa paglalakad, nakakawalang gana talaga ang araw na to. Lalo na't nagkalat yung mga may masasamang budhi sa paligid.

“Ang kapal ng mukha, may gana pa talaga siyang pumasok.”

Alangan namang hindi ako pumasok? Tanga ata to eh!

“Trouble maker ata tong si ateng eh.”

Hindi mo ako ate.

Malasin sana yung araw niya.”

Kahapon pa ako minamalas.

Takte naman! Bat ba ang init ng dugo nila sakin? Ganun ba ka big deal ang pagsara ng mini forest para magalit sila sakin ng sobra? Kala mo naman pumatay ako ng tao, tsk!

Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad, pero agad akong napahinto ng mapansing may maliit na kulay berdeng bolang tumatalbog talbog mula sa likod papunta sa harap ko. Teka, parang pamilyar tong bolang ito ah. Tinitigan ko iyon ng mabuti, lalapit na sana ako para kunin yung bola ng bigla nalang may bumunggo sakin.

Footangina!

Nahulog tuloy yung mga cartolinang bitbit ko. Ayun, nagkalat sa sahig. Napatingin naman sakin yung ibang mga estudyante sa paligid at parang palihim pang natawa. Nadinig ko pang may nagsabi na karma ko daw.

Tinignan ko ng masama yung bumunggo sakin pero binawi ko agad yun ng makilala kung sino yung may kagagawan. Si Archer, yung lalaking may malakas na tama sa utak! Sinamaan niya rin ako ng tingin. Hinintay kong pulutin niya yung cartolina at humingi ng tawad sakin pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinansin na animoy parang walang nangyari. Tinapakan pa niya yung isang cartolina kaya ayun, nayupi na at nadumihan. Sayang yung perang binili ko para diyan.

Ano bang problema ng abnoy na yun?! May tama talaga siya sa utak! Kahit na gusto kong awayin yung abnoy na yun ay hindi ko na lamang siya pinansin pa dahil nilagpasan na niya ako at akmang pupulutin ko na yung mga cartolina ng makita ko yung transfer student na papalapit sakin.

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon