Chapter 7

3 2 0
                                    


Chapter 7

Habang naglalakad pauwi ay napapaisip ako kung bakit gaya-gaya si Archer. Siraulo kasi! Pero na appreciate ko naman yung effort niya, at naintindihan ko kung ano ang gusto niyang iparating. Alam kong may kasalanan siya pero hindi pa rin ako satisfied sa paraan niya sa paghingi ng tawad. Ni hindi ko nga rin narinig na nagsorry na siya kay Glaizer tsk!

Galit pa rin ako sa kaniya at wala pa rin akong tiwala sa mga pinagsasabi niya. Kung gusto niya talagang magsorry saakin ay dapat galing mismo sakaniyang bibig at hindi sa isang candy. Ma pride man pero gagawin ko talagang big deal to dahil hindi lang naman simpleng pananakit ang ginawa niya eh. Isang masakit na karanasan iyon na dadalhin ko habang buhay lalo na para kay Glaizer. Kung siya nga ay dahil sa selos makakapanakit na, eh dapat ganun rin kung magpatawad, paghirapan muna dahil in the first place kasalanan naman niya yun.

Nakakapagtaka nga lang kung bakit parang ambilis ko makarecover. Kasi kung sa iba yun nangyari umaabot pa ng ospital eh, pero saakin parang wala lang, pero aaminin ko hindi ako nagpacheck up kasi feel ko malakas pa naman ako, tsaka gastos lang yan eh! 

Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala. Ito yung kagabi kung saan inutusan akong bumili ng meryenda dahil dumating si Leo sa bahay ng walang pasabi.




***

Flashback

“Baby, bili ka muna nang makakain sa labas, hindi ko kasi napansin na ubos na pala yung mga naitabi ko.” Tawag sakin ni mama mula sa pinto ng aking kwarto. Agad ko siyang pinagbuksan, kumirot pa yung likod ko. Lintek kasi na abnoy! Napansin nga ni mama na mukhang di ako maayos pero siyempre nagsinungaling ako, ayaw ko na kasi ng dagdag gulo kaya sarilihin nalang hehe.

Pagod kong sinalubong ang tingin ng aking ina, gusto ko lang talaga matulog ngayon, bakit kailangan ako pa yung utusan, asan ba sina kuya Xy, Copper, at Amethyst? Si Lyra? Si Faye? O di kaya si yaya Sol?
 
“Inaantok kana ba talaga baby? Sorry ah wala kasi si kuya mo at Copper, may night class. Hindi naman pwede si Amethyst dahil gabi na't tinatamad rin.”

Tinatamad rin ako...

Tumango nalamang ako at sinunod ang kaniyang utos, ganito talaga kapag ikaw yung mas matanda, laging napag-uutusan. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi pagod at pakiramdam ko mahihimatay na ako. Pero kaya ko pa naman kaya bibilisan ko nalang.

Tsaka napainom naman na ako ni Faye ng gamot na hindi ko alam. Baka painkiller.

“Hey baby damulag, bakit hindi ka nagpapahinga? Baka mapano ka pa.” Salubong saakin ni Faye ng pababa na sana ako sa hagdan at siya naman ay papaakyat. Napatigil ako sa pagbaba at ganun din siya.

“May bibilhin sa labas, utos ni mama.” Sandali itong nanahimik bago muling nagsalita.

“Sorry Empress, Lyra asked help for her assignment kaya hindi kita masasamahan. But I'm a bit worried casue it's already dark outisde, bad people may happen to pass by, and your injury.” Nag-aalalang ani nito saka napayuko.

“Okay lang Faye.” Muli itong nag-angat ng tingin at binigyan ako ng 'sigurado ka ba' look.

“Why not let Leo accompany Empress? I mean she can be safe if lalaki ang sasama sa kaniya diba?” Biglang sabat ni Lyra na papaakyat. Sabay kaming napatingin sa kaniya.

“Well, just a suggestion.” Dugtong niya sabay kibit balikat at nagpatuloy ng umakyat. Nasa magkabilang dulo kasi kami ng hagdan nag-uusap hehe.

“Good idea naman yun.” Si Faye na tumatango tango pa. Muli siyang napatingin sa akin na may halong pag-aalala.

“Pero kamusta pakiramdam mo? You know what naweiweirduhan ako sayo, sabi mo hinampas ka ng tubo, inayaya kitang pumunta sa ospital tapos ayaw mo, tapos ngayon parang okay kana? Normal pa ba yan?” Nag-aalala nanaman nitong ani kaya bumaba ako para makalapit sa kaniya at niyakap ko siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

Loveless CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon