Chapter 8
Seryosong nakaupo ako't inaabangan ang bawat galaw ni Glaizer sa paglalaro ng chess. Tutok na tutok ang mga mata kong sumusunod sa kamay niyang nagpapagalaw sa isang chess piece na kabayo ang ulo.
Maliban sa tunog ng hangin ay huni lamang ng isang langaw ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik ng dalawang magkalaban. Papaluin ko sana ang malikot na langaw kaso ambilis lumundag- ayy, lumipad pala.
Saka dumadapo yung isang langaw sa gitna mismo ng chessboard, kapag pinalo ko yun masisira yung laro. Pero nanggigigil talaga ako, gusto ko itong hampasin ng tsinelas.
Itinuon ko ulit ang aking atensyon sa kanila. No one dares to talk like no one's allowed to talk. Napaangat ng tingin si Glaizer sa kaniyang kalaban at bahagyang umangat ang sulok ng labi. Natulala ako sa kaniyang mukha, mga limang segundo lang naman. Parang ang sarap kalmutin ng pisngi niyang pagkakinis. Nakakainggit naman, mas makinis pa ata ang mukha niya kesa saakin. Omaygad!!!
Iniwaksi ko ang kung ano mang nasa utak at itinuon ulit ang atensyon sa laro.
Napatingin ako sa kalaban niya, kalmado lang pero yung binti sa ilalim ng mesa ngangatog na sa kaba. Oh ano ka ngayon!
“Checkmate...” Mahinang boses na sabi nitong manok ko.
Napatayo ako't napatili ng marinig ang sinabi ni Glaizer. Yes! I won! No, WE won! Ay hindi, mali. Kung panalo siya, mas panalo ako! Uuwi akong may isang libo eh.
Kasalukuyang naglalaro ng chess sina Glaizer at yung bestfriend niyang Arune ata ang pangalan. At narinig niyo naman, checkmate na yung kalaban ni Glaizer. Panalo nato dahil nafefeel ko, wala ng takas si Arune.
Napapalibutan na kasi siya at wala ng takas, it's a trap. Grabe! Ang galing maglaro ni Glaizer, halos tatlong moves palang ang nagagawa, checkmate agad! Matatalo nanaman niya ulit si Arune.
“Ayoko na! Nakakainis!” Inis na sabi ng kaibigan niya. Tumayo ito at saka ginulo lahat ng nakatayong chess pieces. Tumba na kasi yung itim na mataas na King daw ang tawag. Sabi ni Glaizer kanina kapag napatay daw yung King ng kalaban, panalo ka.
Madaya talaga itong Arune na 'to eh! Ayaw pang sumuko, hinamon ba naman si Glaizer na tatalunin niya raw pero yung ending siya mismo na naghamon yung natalo ng sampung beses sa mabilisang panahon. Yabang eh!
....................✍︎
ISANG panibagong araw nanaman, papunta sana ako sa classroom ko ng mahagip ng mga mata ko si Glaizer na naglalaro ng chess kasama si Arune. Sobrang tahimik nila at napakaseryoso, kaya naisipan kong panoorin sila, kahit hindi naman ako marunong maglaro ng chess. Nakakaintriga kasi eh, kala mo naman nagpapatayan na sa loob looban sa sobrang seryoso at tahimik. At ayun nga, hindi na ako nakapasok sa klase ko hehe.
Wala sa oras na napuri ko si Glaizer, at itong kaibigan kuno niya ay gustong magpakitang gilas at nakipagpustahan sakin na matatalo raw niya si Glaizer.
Isanlibo yun gagi! Isanlibo yung ipupusta ni Arune daw, kaya ko bang matanggihan yung ganun kalaking oppurtunity? Syempre tumaya ako. Sayang eh, pera yun! So isa samin ngayong araw ay makakapag-uwi ng isang libo hehe. At syempre sino pa ba ang magiging pambato ko, kundi si Glaizer, ang manok ko!
“Akin na ang isanlibo!” Masaya kong hiyaw habang inaabot ang kamay sa harap nung Arune na mukhang gusto ng tumalon sa building sa pag-iwas saakin.
“Ayoko.”
Nag-init ang ulo ko sa kaniyang sagot. Hindi pwede! Dinuro duro ko siya.
BINABASA MO ANG
Loveless Curse
Teen FictionWhat will you do if one day you cross paths with the one who curses everyone to become loveless? Does the loveless curse really exist?