KABANATA 4

496 24 1
                                    


KABANATA 4

Tumitig lang ako doon. Hindi pa rin maintindihan lahat ng nangyayari. Hindi totoo ang lahat ng ito. Nananaginip lang ako! Tama! Nakausap ko kanina 'yung tauhan ni lolo Se Jeon about Silla Dynasty kaya siguro napapanaginipan ko ito ngayon.

Napalunok ako at muling tumitig sa bata na pinagmamasdan lang ang reaksyon ko.

"Can you try to slap me or something? Kurutin mo ako dito, bilis!" Saad ko at tinaas ang manggas ng aking jegori top. Kumunot ang noo ng bata.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Wag mo akong lokohin! Nananaginip lang ako! Kaya bilis na! Saktan mo ako para magising ako!" Sabi ko at mas inaro sa kanya ang braso ko. Umiling ang bata, para bang naiisip na hopeless na ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Kahit ako ay naloloka na. Mas matatanggap ko pa kung naligaw na lang ako sa Seoul eh, pero ang maligaw sa Silla Dynasty ay napaka imposible na!

"Hindi ka nananaginip. Kahit saktan kita ngayon o gilitan ng leeg, totoo lahat ng ito," seryoso niyang sinabi. Nanlaki ang mata ko. A-Ano raw? Gigilitan ng leeg? Napahawak ako sa leeg ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit sinasabi mo 'yan?! Napaka bata mo pa para magsalita ng ganyan!" Sigaw ko.

"Ang nakasulat sa diary ng lolo mo ang dahilan kung bakit nahila ka sa panahon na ito. Kailangan mong isakatuparan ang kung anumang nakasulat diyan. Nawa'y mag tagumpay ka Lady Ha Na," magalang na saad niya. Napailing ako. Hindi ito totoo.

"Pwede ba! Tigilan mo nga ako! Bulaan ka! Sabi kong ituro mo sa akin ang daan patungo sa mga Kim eh!" Pagmamatigas ko.

"Malaki ang magiging papel mo sa panahong ito. At ikaw ang napili para gampanan ang papel na ito. Wala kang magagawa kundi ang sundin kung ano ang naisakatuparan. I wish you a long life and victory," saad ng bata at nagsimula nang maglakad paalis. Kinabahan ako. Iiwanan niya ako dito?!

No way!

"Wait lang! Talaga bang iiwanan mo ako dito?! Hindi pwede! Hindi ko alam ang gagawin! At anong naisakatuparan!? Wala akong maintindihan! Intermediate pad lang ang alam kong papel!" sigaw ko. Natigilan ang bata at lumingon sa akin. Ngumiti siya nang malaki. Imbes na matuwa sa kanyang ngiti mas lalo pa akong kinabahan.

"Nakaipit sa diary ng lolo mo ang mapa sa lupain ng mga Kim. In order to survive and to find out about your purpose in this life, you have to fit-in to the way they live here. Sana ay mapagtagumpayan mo ito. Sana ay makita pa rin kita hanggang sa huli. Hanggang sa muli, Lady Kim Ha Na." Marahan niyang tinuran bago binuksan ang pinto at umalis. Parang tinambol ng kung ano ang dibdib ko at mabilis na tinakbo ang pinto para habulin ang bata pero paglingon ko sa kaliwa't kanan wala na ang bata.

Kinilabutan ako sa mga nangyayari. Wala akong maintindihan pero unti-unti na akong natatakot. Pakiramdam ko ay hindi ito panaginip katulad ng iniisip ko. Pakiramdam ko ay hindi ito halusinasyon.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may kawal na padaan patungo sa silid kung nasa'n ako. Tinambol ako ng kaba at mabilis na sinarado ang pinto. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lumunok ako at mabilis na kinuha ang diary ni lolo Se Jin at hinanap ang mapa na sinabi nung bata. Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting naririnig ang yapak ng mga kawal sa labas.

Hindi ko alam kung bakit may mga kawal sa labas pero base sa palanquin na nakita ko marahil ay ang hari ang nakaupo dito.

Damn! Naniniwala na ba talaga ako na nangyayari ito? Ano ba talagang nangyayari? So, totoo nga ba na nasa Silla Dynasty ako? Anong ginagawa ko dito? Anong papel ang dapat kong gampanan?

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon