KABANATA 25

301 22 0
                                    


KABANATA 25

Nakaharap kami ngayon sa madilim na kalangitan habang ang malamig na simoy ng hangin ay nanunuot sa aking balat. Ang daming nabubuo sa aking utak at lahat ng 'yon ay gusto kong sabihin kay Kim Isabu. Gusto kong mabago ang kanyang kapalaran. Gusto kong mailigtas ang kanyang pamilya pero hindi ko 'yon magagawa kung pipiliin niyang manatiling tahimik sa mga katotohanang siya lang ang may alam.

Kung mananatili siyang ganito maraming masasaktan. Kung talagang mahal niya ang pamilya niya hindi siya magbibibingi-bingihan. Hindi siya mananahimik sa isang tabi. I have to open his eyes.

"May nais ka bang sabihin?" si Kim Isabu ang bumasag sa katahimikan. Lumingon ako sa kanya. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang likod habang ang mga mata ay nakatitig sa kalangitan. Sa ganitong ayos nakikita ko ang kanyang pagkakahawig kay lolo Sejeon.

"M-Matagal ka na po bang naninilbihan sa mahal na hari?" tanong ko sa kabila ng kaba. Gusto kong itanong sa kanya agad but it would be weird since he doesn't have an idea that I also know about it. Natigilan siya sa aking tanong at nakitaan ko ng munting ngiti ang kanyang labi.

"Sobrang malapit kami ng mahal na hari...halos sabay kaming lumaki at tumanda. Higit pa sa pagiging kawal ng palasyo ang turing niya sa akin, tinuring niya akong isang kaibigan," pagkekwento niya. Ramdam ko sa kanyang pananalita ang kasiyahan habang kinekwento niya kung gaano siya itinuring na matalik na kaibigan ng hari.

"Kung ganoon...malapit din kayo sa mahal na reyna?" doon nawalan ng ngiti ang kanyang mga labi. Naging seryoso ang kanyang mukha pero nanatili pa rin ang mga mata niya sa itim na itim na kalangitan.

"Magkababata kami ng mahal na reyna, Ha Na..." panimula niya. Kababata niya si Lee Yu Ri? Kung ganoon malaki talaga ang posibilidad na mahulog siya rito.

"At alam na alam ko rin kung gaano niya kagusto ang mapasama sa pamilya ng mga maharlika. Ito ang pinangarap niya at palagi niyang bukambibig. Halos pangarapin niya ang hari na noon ay isa pa lang prinsipe..." ang tinutukoy niya ay ang tatay ni Minoh. Kung ganoon alam ni Kim Isabu na kalaunan ay mangyayari ang lahat ng 'to?

"Alam kong narinig mo ang pagtatalo namin ni Hye Ri at alam kong may alam ka sa nakaraan ng prinsipe," nagulat ako sa kanyang sinabi. Napakurap-kurap ako nang lumingon siya sa akin.

"P-Po?" kinakabahan kong tanong. Bistado na ba ako kaagad?

"Nakita ko kung paano ka hinila ng mahal na prinsipe sa gitna ng pista ng poon na nangyari noon sa palasyo. Kahit naka maskara ang prinsipe alam kong siya 'yon," he chuckled a bit and stared at me. Nailang ako. Kung ganoon matagal niya na pa lang alam na may ugnayan ako sa prinsipe. Napanguso ako.

"Kaya pala...pinakita niya ang mukha niya sa pista kahit bawal..."

"P-Po?" tanong ko sa nagtatakang tono. Wala na yata akong alam na sabihin kundi 'po'.

"Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit ginawa 'yon ng mahal na prinsipe pero nang makita kong hinila ka niya ay napagtagpi-tagpi ko ang dahilan. Kaya siya tumayo sa altar at nagpakilala bilang prinsipe ay para hanapin ka. Sa dami ng tao ay hindi ka niya mahahanap basta-basta, kaya ginawa niya 'yon," natigilan ako sa kanyang sinabi at bahagyang tumalon ang aking puso.

Pinagmasdan ni Min Oh si Ha Na na humalo sa maraming tao pagkatapos nitong hampasin siya sa balikat bilang ganti. Para kay Min Oh ay ito ang pinaka kakaibang babae na nakilala niya. Simula noong makita niya ito sa tapat ng puno kaharap ng kanyang kabayo at walang malay pansin niya na ang pagkakaiba nito sa ibang babae. Lalo pa sa nangyari kanina. Ito lang ang nangahas na lumusot sa ilalim ng damit niya upang magtago!

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon