KABANATA 17

321 19 0
                                    


KABANATA 17

Hindi ako mapakali. Bawat ikot ko sa aking higaan ay si Minoh ang iniisip ko. Maraming naglalaro sa isipan ko at halos hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Bumangon ako at bumuntong hininga. Buhay pa rin ang gasera sa tabi ng higaan ko kaya kitang kita ko pa rin ang bawat sulok ng aking silid.

Sinabi ng prinsipe na magkita daw kami sa lugar kung saan kami unang nagkita. Saan naman 'yon? Do'n ba 'yon sa puno kung saan nakatali 'yong kabayo nila ni Wol? Tapos napagkamalan ko pa siya noong anghel at inakala kong patay na ako! Napangiwi ako ng maalala ko ang sakit ng pagsipa sa akin ng kabayo.

Hindi ko alam kung anong ipapagawa sa akin ni Minoh pero natitiyak kong may kinalaman ito sa pagkamatay ng dating reyna at hiningi niya ang tulong ko dahil pinagkakatiwalaan niya si tiyo Isabu. Siguro ay tama na rin 'to. Kailangan kong dumikit sa prinsipe para mabantayan na rin ang kilos ng hari at reyna. Hindi ko alam kung anong panahon pinatay ang pamilya ni Kim Isabu pero kailangan ko 'yong pigilan kahit anong mangyari.

Marami pa ring bumabagabag sa akin hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay isang katok ang nagpagising sa akin. Dahan dahan akong bumangon at binuksan ang pinto at doon ay nakita ko si Na Yi na may buhat-buhat na sisiw.

"Ate! Mag laro tayo!" pag-aaya sa akin ni Na Yi. I'm sorry Na Yi hindi ako pwedeng makipaglaro ngayon. Lumuhod ako para magpantay ang mga mata namin.

"Pasensya na Na Yi may pupuntahan si ate ngayon eh. Papasalubungan na lang kita! Anong gusto mo?" nakangiti kong tanong. Nakitaan ko ng lungkot ang kanyang mata kaya bahagya akong na guilty.

"Pupuntahan mo ba 'yong inutos sa'yo ni tiyo In Yeop?" tanong niya. Dahan dahan akong tumango kahit pa hindi naman talaga 'yon ang dahilan ko. Dahan dahan na siyang ngumiti.

"Sige ate! Gusto ko ng bagong sisiw!" maligaya niyang sinabi. Natawa ako. Mahilig talaga ang batang 'to sa sisiw. Kung taga Pilipinas siya baka naging magsasabong ang batang 'to. Natawa ako sa aking iniisip.

Mabuti na lang madaling makausap si Na Yi kaya pagkatapos kong magbihis at mag-umagahan ay agad akong pinayagan ni tiya na umalis. Kumaway ako kay Na Yi habang unti-unting umaalis. Bumuntong hininga ako at binuksan ang mapa para makarating sa puno kung saan una kong nakita si Minoh. Habang naglalakad ay may pamilyar akong babae na nakita. Sumingkit ang mata ko at sinipat ang babae na ngayon ay pinapalibutan ng tatlong lalaki na para bang tinatakot nila ang babae.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang babae! Siya 'yong babae sa library! Napatingin ako sa mga lalaki na humaharang sa kanya. Akalain mo nga namang kahit pala sa panahong ito ay uso ang mga manyakis?

"Hoy!" sigaw ko at namewang sa kanilang harapan. Lahat sila ay tumingin sa akin. Tumingin din sa akin 'yong babae at nakitaan ko siya ng pag-asa. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong may nakikitang babaeng naaagrabyado. Hindi dapat gano'n.

"At sino ka naman?!" parang siga na tanong nung matabang mukhang maasim. Kasing kapal ng kanyang taba ang kanyang mukha para magsalita siya ng gano'n sa harapan ko. Agad tumakbo sa likod ko 'yong babae.

"Tara na binibini...hindi mo sila kaya..." takot na takot na sinabi nung babae pero matigas akong umiling. Dapat sa mga lalaking manyakis na ito ay natuturuan ng leksyon!

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo kung sino ako?" taas kilay kong tanong. Yung mataba ay agad nagtagis ang taba sa panga. Yung lalaki sa kanyang tabi na kasing payat ng bamboo tree ay mukhang galit na rin sa pakikielam ko, lalo naman yung nasa kanang lalaking katabi niya na kamukha ni kingkong.

"Aba't matapang ka ah! Kung gusto mo pang mabuhay lumayas ka dito at ibigay sa amin ang babaeng 'yan!" sabay turo niya sa babaeng nasa likod ko na halatang halata ang takot. Nagtaas ako ng kilay at nag-init ang aking ulo. Mabilis pa man din akong mainis kapag pangit ang mga nasa harapan ko.

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon