KABANATA 18

313 20 0
                                    


KABANATA 18

Nakabusangot ang mukha ko habang may nilalabas siya na kung ano sa isang supot na kulay pula. Tumitig ako doon habang nakataas ang aking paa na nakaupo sa lamesa, walang pakielam kung mali ang ganitong pag-upo. Nang dumapo ang tingin sa akin ni Minoh ay inirapan ko siya. Naiinis ako sa kanya! Bwisit siya! Kung hindi ko lang siya kailangan para mapalapit sa royal family matagal ko na siyang hindi pinansin!

"Ibaba mo nga 'yang paa mo! Bakit ganyan ka umupo?" iritado niyang puna sa akin. Pati si Wol ay napatingin sa akin. Bakit ba napakaarte nitong prinsipe na ito?

"Pakielam mo? Atsaka anong gusto mo umupo ako ng nakabukaka?" paghahamon ko. Mas lalong kumunot ang noo niya at mas lalo siyang mukhang naaasar. Kailangan kong gumanti! Masyado niya akong pinahiya kanina! I was certain na sa akin siya nakatingin kanina at pinapaupo sa tabi niya tapos biglang si Wol? Nagpapatawa ba siya?

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Bakit ka ba nagagalit? Dahil hindi kita pinaupo sa tabi ko?" tanong niya. Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko. It sounds so wrong!

"Ang kapal naman ng mukha mo! Kahit kailan hindi ko gugustuhing tumabi sa'yo!" I said and then rolled my eyes. Narinig kong umismid siya kaya mas lalo akong naasar, magsasalita pa sana ako nang makita ko ang laman ng supot na dala niya. Isa itong pamilyar na bulaklak. Bakit parang pamilyar sa akin ang bulaklak na ito? Para bang nakita ko na ito somewhere. Malayo ang itsura niya sa red tulips kaya imposibleng isang uri ito ng tulips.

"Isa itong bulaklak—"

"Alam namin. Hindi mo na kailangang sabihin," sabi ko para mas lalo siyang maasar. Namula ang tainga niya. Palatandaan na seryoso na talaga siyang naiinis sa akin. Ngumiti ako ng peke.

"Sige magpatuloy ka," sambit ko. Matalim niya akong tiningnan bago nagpatuloy.

"Isa itong bulaklak ng Akonitum. Isa itong nakakalasong bulaklak at ito ay natagpuan sa lugar kung saan niluluto ang pagkain ng dating reyna, ang aking ina." Paliwanag ni Minoh sabay tingin sa akin. Ibig ba nitong sabihin...nilason talaga ang kanyang ina? Bakit? Bakit nila gagawin 'yon? 'Di ba siya ang reyna? 'Di ba dapat ay kinatatakutan at nirerespeto siya katulad ng pagrespeto ng lahat sa mahal na hari?

"Ngayon...ang kailangan mong gawin ay ang hanapin ang babaeng 'to," sambit niya at nilabas ang isang sketch ng larawan ng isang matandang babae. Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang ito nakita.

"Sino siya?" tanong ko.

"Siya ang nagluto ng huling kinain ng dating reyna," sagot ni Minoh. Nanlaki ang mata ko.

"E 'di dapat matagal na siyang hinuli—"

"Pinahanap siya ngunit pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na siya nakita, ngunit nitong huling buwan isang tauhan ko ang nakakita sa matanda na nagpapagalagala sa karatig lugar ng Gyeongju,"

"'Yon naman pala eh, may tauhan ka naman pala bakit ako pa ang inuutusan mo?" mataray kong tanong. Hindi niya ba iniisip na babae ako? Paano na lang kung 'yong matandang ito pala ay murderer eh di mabilis natapos ang buhay ko rito?

"Sinubukang lumapit ng tauhan ko na lumapit sa matanda pero mabilis itong kumakaripas ng takbo. Para bang lagi itong takot na takot. Kaya naisipan ko na kung babaeng tulad mo ang lalapit sa kanya ay hindi siya maghihinala," sabi niya. Tumango tango ako dahil nagegets ko na.

"Paano kung mamatay tao pala 'yong matanda tapos bigla niya na lang akong atakihin?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Sa tingin mo kaya niya pang umatake at pumatay sa ganyang edad? At isa pa base sa nakita ko kanina maalam kang protektahan ang 'yong sarili," sabi niya na para bang wala siyang pakielam kung mamatay man ako dito o hindi!

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon