KABANATA 16

323 20 0
                                    


KABANATA 16

Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko niloloko ako ng lahat! Si Minoh? Yung masungit...suplado at masamang ugali ay isang prinsipe? Ano ba namang kababalaghan 'to? Seryoso ba talaga?

"Ate! Yuko ka!" Palihim na sinabi sa akin ni Na Yi. Aligaga akong yumuko habang magulo pa rin ang isipan ko. I can't believe it. That's why. Kaya kung kumilos siya ay daig niya pa ang may malawak na kaalaman sa etiquette! Sumakit ang sintido ko sa mga iniisip. Hindi ko alam kung mapupuno ba ako ng kahihiyan dahil sa mga pinaggagawa ko kay Minoh o matutuwa pa dahil siya ang prinsipe at madali akong makakalap ng impormasyon sa mga dugong bughaw?

Nagsimula na ulit ang pagdiriwang. Hindi na ako makapag focus sa mga sumasayaw sa gitna dahil hindi ko maialis ang tingin ko sa altar kung saan nakaupo ang hari, reyna at ang prinsipe. Sobrang seryoso ng mukha ni Minoh. Seryoso rin naman siya kahit noong mga nakakausap ko siya pero mas nag-iba ang aura niya ngayong nakaupo siya doon.

Habang nagkakasiyahan ang lahat dahil sa sayaw ay nakita kong lumapit sa altar si tiyo Isabu at kinausap si Wol.

Bakit kaya?

Anong iniisip ni Minoh? Bakit siya lumabas gayong alam niya na nasa panganib ang kanyang buhay? At isa pa...madalas siyang lumabas sa palasyo! Ibig sabihin...tumatakas siya sa palasyo?! Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang prinsipe. Ang prinsipeng minsang nakidnap noong bata pa siya. Ang prinsipeng iniligtas ni Kim Isabu sa lawa at ang prinsipeng nawalan ng ina.

Ngayon alam ko na kung bakit ganyan ang ugali niya. Life has been harsh to him. Nakaramdam ako ng awa para kay Minoh.

Tumigil ang mga nagsasayaw at muling pinatunog ang gong. Nakita kong may mga hawak nang lantern ang mga tao. Ang lantern na ito ay may maliit na apoy sa loob para mapalipad ito sa madilim na kalangitan. Magsisilbi itong ilaw at magiging isa sa mga bituin sa langit.

"Ate...binilhan ka ni ina para may mapalipad ka rin," bulong ni Na Yi sa gilid ko at binigay sa akin ang kulay pula na lantern. Ngumiti ako at tinanggap ito.

"Maraming salamat..." mahina kong sinabi at pinagmasdan ang lantern. Ngunit sa gitna ng pagtitig ko sa lumiliwanag na lantern ay nahagilap ng mga mata ko ang prinsipe na nakatingin sa akin! Napakurap kurap ako habang ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa dami ng tao na nasa harapan ng kanilang altar...hindi ko akalaing mahahanap pa niya ang mga mata ko. At hindi ko akalaing magtatagpo pa ang aming mga mata sa gitna ng maraming tao.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"May kasabihan na bago mo paliparin ang parol ipikit mo lang ang mga mata mo para humiling at tiyak na magkakatotoo ang iyong kahilingan..." sambit ni Na Yi sa tabi ko.

Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo kaya 'yon? Totoo kayang magkakatotoo ang kahilingan ko kapag humiling ako rito? Muli akong napatingin sa altar kung nasa'n ang prinsipe pero wala na siya doon. Pati si Wol ay wala na rin doon. Naghanap ang mga mata ko pero sa huli ay sumuko na rin. Marahil ay pinabalik na siya sa kanyang silid dahil magiging delikado ang gabing ito para sa kanya. His face got revealed. Matagal siyang tinago ng hari at ngayon ay lumabas siya sa hindi malamang kadahilanan.

May mga sinasabi pa ang isang lalaki sa unahan. Sabi ni Tiya ay isa daw itong iskolar ng palasyo. Habang may nagsasalita sa unahan ay bumalik na si tiyo Isabu sa tabi namin.

"Anong nangyari?" Tanong ni tiya. Kahit pabulong ay rinig ko pa rin.

"Maayos naman ang prinsipe..." bumuntong hininga si tiyo.

"Bakit lumabas ang prinsipe kung gano'n?" Tanong ni tiya.

"Hindi ko rin alam. Ang sabi niya ay may hinahanap lang daw siya...hindi ko maintindihan ang prinsipe..." natatawang tugon ni Kim Isabu. May hinahanap ang prinsipe? May hinahanap si Minoh?

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon