KABANATA 10

373 20 0
                                    


KABANATA 10

Kaya naman nang gumabi na ay agad akong nagpaalam kina tiyo Isabu na matutulog ako ng maagap. Sinabi ko sa kanilang mawawala rin ako ng pansamantala bukas para sa libro na pinapahanap ng aking ama which is excuse ko lang para maisagawa ko ang magiging plano ko bukas. Kailangan ko rin ngayong magkulong sa kwarto ko para makabuo na ng plano para bukas.

Inilapag ko ang diary ni lolo Se Jin sa maliit na mesa dito sa kwarto ko at naghanap ng panulat sa kwarto na ito pero wala akong makitang ballpen. Huli ko na naalala na nasa panahon ako ng Silla Dynasty. Syempre walang ballpen dito! Damn!

Nang binuksan ko ang pinaka huling drawer ay nakita ko ang isang paint brush at isang bote ng ink. Ito siguro ang panulat nila sa panahong ito. Bumuntong hininga ako at kinuha na 'yon para makapag formulate ng plano para bukas.

"Paniguradong napapaligiran ng kawal ang buong paligid ng palasyo kaya hindi ako basta bastang makakapasok. Hindi rin ako makakapag over the bakod dahil sobrang taas ng pader. Hindi rin naman pwedeng lumangoy ako sa lawa at maghanap sa ilalim ng lagusan dahil paniguradong bago pa ako makapasok sa palasyo baka patay na ako!" Pagkausap ko sa sarili.

Napabuntong hininga ako at binuksan ang diary. Nagsimula ako do'ng mag scribble ng kung ano-ano. Di-n-rawing ko yung palasyo and it end up like a drawing of a kindergarten. Nairita tuloy ako at napasimangot.

"Ano ba kasing gagawin ko?" Tanong ko sa sarili.

Kailangang gumana ng brain cells ko ngayon. Hindi pwedeng hindi. Hindi ko na kayang manatili pa dito ng isang buwan! Kailangan ko nang makabalik sa pamilya ko! At hinding hindi na ako babalik dito sa Korea!

Baka maging si Sisa ako rito! Ayaw kong mabaliw! Pero hindi ako nalalayo sa pagiging baliw! Sumubsob ako sa lamesa na para bang buhat buhat ko ang buong mundo dahil hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na plano para makapasok sa palasyo.

"Anong gagawin ko?" Halos paiyak ko nang sinabi habang nakasubsob sa mesa. Sisimulan ko na bang maging mala Sisa? Sino namang hahanapin ko? Si Crispin at Basilio? Wahhh! I think I am literally going crazy--

Wait. Teka...

Napatunghay ako at napaayos ng upo ng may maisip. Napangisi ako. Astig mo talaga Sisa! Tama! Wala naman sigurong mawawala kung ita-try ko 'di ba?

Kaya naman kinabukasan ay agad akong naligo at nagbihis. Nagsuot ako ng pinaka magandang hanbok sa drawer ni tiya Hye Ri na pinahiram niya sa akin. Kulay white ang top nito ngunit may kulay asul na design ito sa neckline at manggas. Ang skirt naman ay kulay asul. Inayos ko rin ang buhok ko at nilagyan ng bulaklak na cliff sa gitna at ang dulo naman nito ay nakatirintas.

Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay napa pose na lang ako.

"And ganda mo talaga!" Mayabang kong sinabi sa salamin. Unti-unti na akong nasasanay sa ayos ng mga babae dito ah?

"Bago ka umalis mag umagahan ka muna." Alok ni tiya Hye Ri nang magpaalam ako na aalis na. Hindi na ako tumanggi at sinunod na lang siya. Gusto sanang sumama sa akin ni Na Yi pero sinabi ko sa kanyang sa susunod na lang. Buti na lang mabait na bata si Na Yi at madaling umintindi.

Nagpaalam muna ako sa kanila bago umalis. Dire diretso ang lakad ko patungong bayan ng Gyeongju. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga makukulay na pagkaing tinitinda sa daan. Bago ito lahat sa aking paningin dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong pagkain.

Natigilan ako nang makakita ng isang lamesa na puno ng mga necklace, bracelets, hikaw, at kung ano-ano pang aksesorya. Makukulay ang mga ito pero halatang hindi basta basta ang halaga.

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon