KABANATA 3
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at binalik ang painting sa pader. Muli ko itong pinagmasdan bago umalis. Mabagal akong naglalakad habang hawak hawak ko ang diary ni lolo Se Jin. Napabuntong hininga ako habang inaalala ang mga salita na nakita ko sa painting.
Bakit kaya may ingles na salita do'n? Halatang sobrang luma na ng painting na 'yon. Hindi ko alam kung bakit masyado ko pa itong iniisip. Ano ba namang pake ko sa history ng pamilya? Ano namang pake ko sa nakaraan 'di ba? Ang mahalaga ngayon ay mayaman na kami at hindi na kami maghihirap. Tama! Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano!
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ang mga tauhan ni lolo Se Jeon na nag-uuli sa mansion. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang jar at pinagsisiksikan ang sarili ko doon. Pag nakita nila ako paniguradong hihilahin nila ako pabalik do'n. Napaka boring do'n, at isa pa hindi naman ako interesadong pag-aralan ang kultura ng koreano dahil babalik din naman kami ng Pilipinas. What's the point, right?
Nang makaalis na ang mga tauhan ay mabilis akong nagtatakbo palabas sa backdoor ng mansion. Medyo nahirapan pa ako dahil sa mabigat kong damit. Nakakainis! Kung pwede lang hubarin ang kasuotang ito kanina ko pa nagawa!
Pagkalabas ko sa backdoor ay gano'n na lang ang mangha ko nang makita ko ang isang malaking korean shrine. Ito 'yung mga nakikita ko sa tv na mga bahay noong sinaunang panahon ng korea!
Kakaiba ang itsura nito. Malalaki ang bubong at gawa sa mga matitibay na kahoy. Ang tanda ko ganito rin ang hitsura ng mga palasyo noong unang panahon dito sa Korea. Pumunta ako roon at pumasok sa loob. Napanganga ako nang makita na isa itong templo. Nakita ko ang imahe ni buddha sa harapan. Puro kulay gold at silver ang nakikita ko, may kulay pula din na para bang parte na ito ng kanilang tradisyon.
"Napakakulay ng tradisyon nila..." sambit ko habang nabubusog ang mga mata sa mga makukulay na design ng templo. Nilibot ko ang templo at doon ay may nilabasan akong isang pintuan. Doon ay nakita ko ang labasan. Buti na lang sa subdivision nakatira si lolo Se Jeon, halos wala akong makitang tao dito sa labas eh.
Napatingin ako sa aking damit. Hindi naman siguro masama ang mag-uli habang nakasuot ng ganito, right? Wala namang masama 'di ba? Lumabas ako ng pintuan at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin ng Korea. Malapit nang lumubog ang araw. Kulay kahel na ang araw sa paningin ko. Bumalik ang tingin ko sa malaking gate ng mansion ng pamilyang Kim at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mayaman pala ang pinagmulang pamilya ng angkan ko.
Mabait pa rin talaga ang Diyos kay papa. Mabait pa rin talaga siya sa amin. Dahil kahit mahirap ang naging simula namin ito naman ang naging ending. Napangiti ako sa naiisip dahil paniguradong kahit si papa ay malaki ang pasasalamat.
Masaya akong naglakad sa tabi ng daan habang lumalapat ang saya ng aking chima skirt sa lupa pero wala na akong pakielam basta't masaya ako ngayong araw. Binuklat ko ang diary ni lolo. I flip the pages until I stopped when I saw a familiar flower in the side of the way. Napakurap-kurap ako. Red tulips?
Normal ba na may red tulips sa tabi ng daan? I crouched to touch the flower at nang lumapat ang kamay ko sa bulaklak ay halos mapatalon ako sa malakas na kulog na aking narinig sa kalangitan. Bigla tuloy akong kinabahan. Tumingala ako para makita ang kalangitan at gano'n na lang ang mangha ko nang makita ang ulap. Para itong alon sa dagat. Makakapal at madilim sa dulo. Para itong malalaking alon sa karagatan.
"Wow..." I murmured while watching the clouds. Isa pang kulog ang nagpatalon sa akin ngunit napakunot ang noo ko nang makita ang araw. Wait...araw? May araw gayong makulimlim ang kalangitan? Nababaliw na ba ako? O baka naman ganito lang talaga ang kalangitan sa Korea?
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A TIME IN KOREA
Historical FictionWhat if a girl with an ordinary life, suddenly travels to an unexpected place and time? Hannah Kim is an ordinary girl with a loving family living in the Philippines. But everything changed into an unexpected happening when she learned that her dece...