KABANATA 30

344 21 0
                                    


KABANATA 30

Pagkatapos mawala ng bata sa paningin ko ay bumalik ang liwanag at muli kong nakita ang mga tao sa paligid. Nasa Silla pa rin ako base sa mga suot ng mga tao. Hindi na yata matitigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Ang misyon ko ay si Minoh at sa oras na matapos ako ay babalik na ako. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa isiping babalik na ako. But I have no choice. Kailangan ko siyang iligtas sa kamatayan.

Kailangan kong siguraduhin na hindi magsisisi si Kim Isabu sa pagtawag sa akin para gawin ang misyon na ito. Tumakbo ako ng mabilis at ang naisip na lang ay magtungo sa palasyo. Kailangan kong makita si Minoh at alam kong sa palasyo lang 'yon mangyayari.

Ngunit sa aking pagtakbo ay hindi ko namalayan ang lalaking lumapit sa akin at hinampas ako ng isang matigas na bagay sa aking ulo. It hurts my head and my vision blurred until darkness filled my eyes.

Marami akong pinagsisisihan at isa na doon ay ang hindi pagkakatuklas ng maagap sa aking misyon. But even without knowing that Minoh was my mission I still choose him by giving him that necklace. I regret for not recognizing him as the sun. He always wear that symbol in his head proudly but I was blinded that Kim Isabu was my truly mission. The only thing I did not regret is...the fact that I fell in love with him. Napaka imposible at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa panahong ito.

This is my first time in Korea yet...it led me to Silla dynasty where Park Min Oh was the prince...the crown prince and it is painful to think that I will not able to see him in his majesty's hanbok attire, wearing his crown and finally ruling this country. But does it matter now? The important thing here is to protect him no matter what, even it cost my life.

Nagising ako na masakit ang ulo. Ramdam ko rin ang mainit na likido na tumutulo sa aking ulo pababa sa aking baba. Hinawakan ko ito at tiningnan ang bahid ng dugo rito! Napapikit ako ng mariin at kahit hirap na hirap sumandal pa rin ako sa malamig na pader.

"Ayos ka lang ba?" nagulat ako sa nagsalita at nanlaki ang mata nang makita ko ang sugatang si Wol! Oh my god! Anong nangyari?!

"A-Anong nangyari sa'yo?" tumakas sa boses ko ang gulat at bigla. Nang ilibot ko ang aking paningin kung nasan'n kami ay ngayon ko lang napagtanto na nasa isang selda kami! Sinong...

"S-Sinubukan kong...iligtas ang prinsipe...kaya lang ay nahuli ako...at kinulong dito..." nahihirapan niyang sinabi. Mas lalo akong kinabahan.

"Anong nangyari kay Minoh? Nakakulong din ba siya?" sunod-sunod kong tanong. Umiling siya.

"Nakatakas siya. Gumawa ng paraan si Heneral Kim Isabu na tulungan ang prinsipe na makatakas ngunit ngayon...ay pinatay na ang heneral at pinamalita ng reyna sa buong bayan na ito ang may kagagawan sa pagkamatay ng hari. Ang taong bayan ay umaayaw sa reyna dahil na rin siguro sa ginawa ng prinsipe na pagsisiwalat sa gawain niya. Naghahanap ang taong bayan sa prinsipe pero...ang reyna ay hinahabol siya para patayin," kahit nahihirapan ay pinilit niyang magsalita. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Puro dugo ang kanyang mukha at kitang kita ko ang mga galos at pasa sa kanyang katawan.

"Ang sabi ng mahal na prinsipe ay bubuo siya ng grupo para lumaban sa reyna. Grupo ng taong bayan na handang magbuwis ng buhay kaya nasa labas siya ng palasyo ngayon...pero..."

"Pero?" pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang kaba!

"Nakilala ka ng reyna...at nalaman niya ang relasyon mo sa prinsipe at mukhang gagamitin ka niya bilang kahinaan ng mahal na prinsipe..." nanghihina niyang sinabi. Nanlamig ang mukha ko sa narinig. Kaya ba...dinukot niya ako? Kaya ba nandito ako ngayon? Mas lalo akong kinabahan at magsasalita pa sana ako nang may mga yapak ng tao ang dumating.

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon