KABANATA 5

451 21 0
                                    


KABANATA 5

Nagising ako na para bang umuuga ang mundo ko. Nahihilo at masakit ang ulo ko. Parang binibiyak ito sa dalawa. Dinaig ko pa ang nahulugan ng buko sa ulo dahil sa sakit ng ulo ko. Ano bang biglang naisip ng kabayo na 'yun at bigla na lang nanipa? Hindi ko naman siya inaano ah?

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Akala ko ay in-i-imagine ko lang na umaalog ang mundo ko dahil sa sakit ng ulo ko pero nagkamali ako! Literal akong umuuyog dahil nakadapa ako sa ibabaw ng kabayo!

Nanlaki ang mata ko at natanaw ang likod ng isang lalaki na nagpapatakbo sa kabayo. Halos masuka ako sa hilo. Dahil bukod sa masakit ang katawan ko mabilis ang patakbo niya ng kabayo!

Wait...sino ba 'to?!

"E-Excuse me..." nanghihina kong tawag. Marahil ay hindi niya ako naririnig dahil mahina ang pagkakatawag ko.

"T-Tigil..." damn it! Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil umaalog ang kabayo! Bakit ba ganito ang pwesto ko dito? Para akong sako ng bigas na nilagay lang dito malapit sa pwetan ng kabayo!

"T-Tigil!" Medyo malakas na ang pagkakasigaw ko pero hindi pa rin siya tumitigil. Hindi kaya ito 'yung lalaki na nagsalita kanina? 'Yung nagtanong kung nanakawin ko ba raw ang kabayo niya? Nanlaki ang mata ko. I-Ibig sabihin ba nu'n...ipapakulong niya ako?!

Hindi pwede!

Mabilis akong naggagalaw sa likod at pilit na tumayo kahit pa mabilis ang takbo ng kabayo. Ginamit ko ang buo kong lakas, para lang maiangat ang sarili. Kaya lang saktong pag-angat ko sa aking sarili aksidenteng nadulas ang kamay ko sa likod ng kabayo na naging dahilan nang pagkahulog ko sa lupa.

"Aray!" Malakas kong sigaw. Halos mabali ang leeg ko dahil doon. Nagliparan ang mga nananahimik na mga ibon dahil sa malakas kong sigaw. Ang magara kong kasuotan na tinatawag na hanbok ay puro dumi na ngayon. Mukha na akong dungisin.

Narinig ko ang pagtigil ng mga kabayo. Yes. Dalawang kabayo kasi ang nakikita ko ngayon.

"Ayos ka lang?" Tanong nung lalaking lumapit sa akin. Ngumiwi ako at nagpanting ang tainga sa narinig. Ako ba'y niloloko ng lalaking 'to?

Minulat ko ang aking mata at nakita ang isang medyo morenong lalaki. Singkit katulad ng mga natural na koreano. Pero iba ito sa nakita kong mukhang anghel na lalaki bago ako nawalan ng malay. Sino kaya 'yun?

"Ikaw kaya ang ihulog ko mula sa kabayo? Sa tingin mo masarap ang mahulog?" Sarkastiko kong sinabi habang ngumingiwi sa sakit. Mabilis siyang tumungo kaya napatama sa mukha ko ang kanyang sombrero!

"Aray! Ano ba! Nananadya ka ba?!" Sigaw ko habang nakahawak sa ilong ko na sobrang natamaan ng kanyang sombrero.

"Paumanhin! Hindi ko sinasadya-"

"Hindi karapat dapat humingi sa tao'ng katulad niya ng paumanhin, Wol. Tayo na nga ang nagmagandang loob tapos tayo pa ang hihingi ng paumanhin?" Isang baritonong boses ang narinig ko. Dahan dahan akong nag-angat ng mata at halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang anghel kanina!

Hindi siya anghel dahil tao siya! Hindi ko akalaing may lalaki pa palang nabubuhay na ganito kagwapo. Maputi at makinis ang kanyang balat. Ang kanyang mga mata ay malalim at singkit na may mapipilantik na mga pilik. Matangos ang kanyang ilong na kahit ang langgam ay madudulas dahil sa tarik nito. Ang kanyang labi ay mamamasa-masa at mamula-mula. Isang labi na nakakaakit...at nakakabighani. Sobrang tangkad din niya. At base sa suot niya isa siya sa mga maharlikang tao. May kaya sa buhay.

"Isa siyang magnanakaw. Dapat nga ay hindi na natin siya dinala at hinayaan na lang sa daan na papakin ng mga ibon," pagpapatuloy pa nung lalaki na may gwapong mukha.

ONCE UPON A TIME IN KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon