Chapter 14

3.4K 49 0
                                    

DEN'S POV
Andito kami ngayon ni Ella, papunta sa spa. Siya nag drive tapos katabi ko lang siya sa front seat. Ewan ko ba kung ano nakain nito ni Ella, nagyaya nalang bigla sa Spa at treat daw niya.

Den: Besh, hindi naman ito yung daan sa Spa ah?!

Ella: Ah..eh...Short cut toh besh. Halatang matagal ka na hindi pumupunta ng Spa, hindi mo alam na may bago nang short cut!

Den: Ahhh... Okay. Sabi mo eh.

Maya-maya, dumating na rin kami pero hindi sa spa. Sobrang dilim.

Den: Pots!

Tawag ko kay Ella. Mukhang nantrip nanaman tong si Besh. Pagkatingin ko nalang sa paligid ko, mag-isa na lang akong nakatayo dun.

Den: Ugali mo talaga, Jorella Marie! Lagot ka sakin pag-uwi.

Bigla nalang may guard na nag-assist sakin. Ewan kung saan ako dadalin.

Guard: Excuse me, Ms. Dennise Lazaro? Tama po ba ako, kayo iyon?

Den: Uhmm..Oo, ako nga. Teka, paano niyo 'ko nakilala?

Guard: Ma'am, lakad lang po kayo. Don't worry, may mga signs naman po para malaman niyo kung saan kayo pupunta.

Edi lumakad ako, syempre. Sabi niya eh. Grabe sobrang dilim, tapos may mga signs nga.

"Go right... Just follow your heart."

"Everything will be worth-it. Left. Keep Moving!"

Ewan ko ba kung saan ako mapupunta pero sinundan ko parin yung mga signs.

SA WAKAS!! Dumating na ako. Sobrang dilim parin pero may mga instruments na tumutugtog. Maya-maya biglang nag on yung ilaw. Meron table naka-set for two sa gitna, nandito pala ako sa isang restaurant na sobrang fine dining.

"Den..."

Boses palang alam ko na kung sino. Lumingon naman ako, tama nga ang hinala ko. Naka-suot siya ng white polo, black fitted pants tapos grey na janoski. Hindi naman kaya nakakahiya itong suot ko? Naka white shorts, blue collared shirt na nakatuck in at tsaka yung flats ko lang ang suot ko eh. Si Pots kasi, sabi niya sa Spa daw kami pupunta!

"Den, tara upo tayo."

She held my hand tapos umupo kaming dalawa. Ano kaya ang pakulo nitong girlfriend ko?

Aly: Okay ka lang?

Den: O-o-okay lang.

Aly: (She held my hand) Babe, yung totoo, hindi mo ba nagustuhan?

Den: No! Babe, I love it. Akala ko lang kasi nakalimutan mo na.

Aly: Ako? Nakalimutan ko na? Excuse me lang, Doctor Lazaro ah... Hindi po ako ganuong girlfriend. I don't forget monthsaries and anniversaries!

Den: Eh bakit kasi hindi ka nagrereply sakin buong araw? (Hinampas ko siya sa braso) Nakakainis ka, akala ko ginawa mo na hobby mo eh.

Aly: Hobby? (Sobrang curious)

Den: Nako valdez...Huwag ka nga acting innocent dyan! Yung hobby mo, pambabae!!

Aly: Grabe ka naman babe! Loyal to noh... (turo sa puso) Ikaw lang kaya laman nito, kayong dalawa ni Pia.

Den: Sabi mo yan ah! Naku, you don't know what will happen to you kapag nambabae ka... bahala ka!

Aly: Tama na nga babe. Kain nalang tayo, hindi na makapag hintay yung alaga ko sa tiyan oh!

Kumain naman kami... Pero bigla ko naisip, OMG! Iniwan namin si Pia. Lagot ako kay Ly, ayaw pa naman niya na iniiwan mag-isa si Pia kay Yaya Arlene lang. Hindi naman sa wala kaming tiwala sa kanya, pero naninigurado lang.

Den: Babe, sino pala naiwan kay Pia? Ang sabi kasi ni Pots, pauwi ka na daw kasi akala ko talaga pupunta kami ng Spa at hindi dito.

Nginitian lang niya ko. Hindi ko muna pinansin kasi baka pagtalunan lang namin, masisira lang itong date na ito. Sayang naman.

After namin kumain, hindi siya nagsalita. Mukha siyang kabado na ewan.

Den: Babe, okay ka lang? May problema ba? Mukha kang ewan diyan. Pawis na pawis ka pa! (Pinunasan ko yung pawis niya)

Hindi nanaman kumibo. Ngumiti lang hanggang sa bigla ba naman siyang lumuhod sa harapan ko.

Den: Babe, what are you doing?

Aly: Babe, five years. Five LOOONG years tayong magkasama as team mates but most importantly, as best friends. Nung third year tayo, that's when I started to fall for you. Dahil yun yung time na nagka-dengue ako, hindi maka-uwi sina mama kasi may sakit rin si Khian tapos ikaw yung laging tutok na nag-aalaga sakin. That was the start of everything. Two years akong nag-tiis na huwag muna ipaalam sayo, pero babe, alam mo ba na sobrang hirap.

Natawa lang ako dun sa line na yun. Hindi niya alam na pareho lang kami na na-fall sa isa't isa that same time.

Aly: Nung graduation natin, dun ako nag-alala ng sobra kasi hindi na tayo magkikita ng madalas. Kaya wala na akong nagawa pa, kung hindi isuggest yung cafe natin at umamin na sayo. Yung tweet ko na nagkita kami ni Ella, that was the time I asked help for our date. Babe, hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya. My love for you just grows every single day. Sabi nila walang forever, pero saatin alam ko meron. Kaya babe, Dennise Michelle Garcia Lazaro, will you be my forever and spend the rest of your life as Mrs. Dennise Michelle Lazaro-Valdez? :)

I tried to hold back my tears pero wala eh, hindi ko kinaya. Gusto ko man sagutin siya pero bakit hindi ko masabi yung word. Ang ginawa ko nalang eh hinug ko siya para hindi siya kabahan. Tapos, finally nasabi ko rin.

Den: YES! Yes Aly, I will be your forever.

She punched the air as if nanalo ng championship. Tapos sinuot niya yung ring sakin. Sobrang ganda.

Aly: (She kissed my hand) Thank you babe... This is the second best day of my life!

Den: Ano yung una?

Aly: Yung day na umamin ka rin na mahal mo ako... (she winked)

Maya-maya, may bigla akong narinig na tumatakbo. She was wearing a white Sunday dress.

"Mommy! Babba!"

Halatang halata na kung sino yun. Kinarga naman siya ni Aly tapos nag group hug kami.

Aly: Tara Babe, selfie tayong tatlo tapos ipakita mo yung ring mo.

Tinaas naman ni Aly yung phone niya tapos nag selfie kami. As she said, pinakita ko yung ring.

Den: O yung sakin naman!

Ayun, after that umuwi na kami.

INSTAGRAM:

alyssa_valdez2: With my greatest Blessings - Pia Valdez and the soon-to-be Mrs. Valdez ❤️ *insert picture*

Inunahan talaga ako mag post! Syempre, hindi ako papatalo diba. Kailangan meron din ako!

denniselazaro: What a night! 💙 #WereGettingMarried :) *insert picture*

Ayun lang. Sobrang saya ko. Matutulog ako ngayon ng nakangiti. Katabi ko pa ang dalawang prinsesa ng buhay ko :)

--
Sorry guys. Yan lang muna UD for this morning, baka meron mamaya. Let's see! Gusto ko rin kasi padamihin yung chapters at tsaka bored ako. Nagaganahan pa mag UD kaya samantalahin na diba :) Keep reading! Enjoooy ✌️

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon