Chapter 2

7K 89 8
                                        

"It's been four months!"

FASTFORWARD.
It's been four months since nililigawan ni Aly si Den. She still doesn't want to ask for Den's answer dahil gusto pa niyang siguraduhin na na-profess na talaga niya ang love niya sa kanya.

Kakatapos lang ng training ng Lady Eagles at naki-sali naman si Denden at Ella. Kahit graduate na sila, nagpaalam sila kay Coach Tai kung pwede ba silang sumali. Hindi naman nakadalo sa training si Aly dahil sila ni Amy ang nag supervise ng restaurant nila ngayon.

Dumating si Aly nang nagco-cool down na sila Den. Tamang tama, nag dala siya ng tubig at yayain niya si Den na kumain ng lunch.

Den: Ly! *sumigaw*

Kumaway lang si Aly dahil nakita naman niya na palapit na si Den sa kanya.

Aly: Here's your water. Tsaka ito oh, towel at baka gusto mo ng Gatorade.

Den: Thanks. You didn't have to. *smiles*

Bea: Ang gandang gwapo naman ng waterboy mo, Ate Den! Ang lakas mo talaga.

Aly: Iba talaga tayo, noh Brad? (nag fist bump sila ni Bea Del)

Bea: Talaga!

DENNISE
Kung nagtataka kayo, yes, kapareho ni Aly si Bea. Nauna pa nga sila ni Jia saamin eh. They've been together for I think two months now. Matagal-tagal na rin simula nung naging official ang #JiBei at #JhoMarge. Nakakatawa nga kasi kung sino pa yung mas matanda, kami pa ang nahuli.

Coach Parley: Girls, shower na kayo! Nagyaya ng team lunch si Sir Tony today. Libre daw niya.

Girls (except Den and Ella): Yes coach!

Coach Parley: Den, Ella, Aly, join us kung free kayo ha. Miss na rin kayo ni Sir Tony and the rest of the team.

Den: Ano Ly, ayos lang ba?

Aly: Sure coach! Sige po. (smiles)

Coach Parley: Yehey! Ikaw ba Ella?

Ella: Ah coach, baka hindi po eh. Nagyaya kasi si Gretch mag mall today and of course, alam mo naman I can't back-out.

Aly: Certified under ka pala, besh?

Ella: Lam mo yan!

Coach Parley: Ah ganun ba... sige okay lang. Next time nalang!

Ella: Sige po coach. Bye po!

--
After mag shower nung ibang girls, umalis na rin sila. Meron silang service papuntang Solaire kung saan sila maglu-lunch but Den and Aly opted to have their own ride. Alam naman ni Aly kung saan yon.

Marge: So... kumusta ka naman Ate Ly? I heard four months mo nang nililigawan si Ate Den.

Aly: Well, yeah. I'm okay. Busy ako sa Restaurant ng Team Besh and sa pagiging teacher rin of course. Mahirap rin kasi magturo ng special children eh.

Michelle: Oo naman ate! Eh kung tutuusin, 'yong normal kids nga mahirap rin turuan. Lalo na yung mga bata pa.

Aly: Yup, that's true Mich. Kayo ba, ano na ang pinagkaka-abalahan niyo?

Bea: Si Jia ate. Hahaha... busy rin sa school, sa games namin and sa training. Naging iba na yung training vibe since grumaduate kayo.

Den: What do you mean, Bei?

Bea: Kasi noon, ang daming chika. Ngayon, marami pa rin naman pero mas marami kasi noon. Tsaka nahirapan rin kaming mag-adjust sa games. Wala na 'yong spikes ni Ate Ly, ni Ate Ella. Yung blocks ni ate Amy, yung receive and digs mo Ate Den.

Aly: Well, I guess, 'yon ang dapat niyong i-improve pag nagttraining. Ganun din kami nung grumaduate ang Fab Five, nahirapan rin pero dahil nga si Coach Tai matiyaga, naging maganda parin naman yung outcome.

Jho: Ate Ly, mahirap ba ang mag trabaho?

Aly: Well, it's hard. Pero kasi, kung gusto mo naman talaga yung ginagawa mo, edi hindi mahirap. I believe there's nothing hard naman kung ginugusto mo talaga, diba?

Jho: That's true Ate Aly. Anyway, about your love life naman tayo...

Den: Teka, bakit si Ly ang hino-hot seat niyo? Hindi naman niya birthday ah?

Gizelle: Syempre Ate, interesado kami malaman kung ano ang ginagawa niya diba!

Jia: I'm sure Ate, under siya sayo.

Den: Excuse you, Jia ah! Hindi kaya. In fact, ang bait bait ko nga sa kanya eh. Diba, Ly? (tumingin siya kay Aly na busy-ing busy kumain)

Aly: Ano yun, babe?

Den: Babe ka dyan! Ang sabi ko, ang bait ko sayo diba?

Aly: O-oo. Oo naman!

Girls except Den & Ly: Confirmed!

Den: Confirmed na ano? (sobrang nagtataka kung ano yun)

Mich: Na under siya sayo Ate Den. Obvious oh!

Everybody just laughed... Ito talaga yung maganda sa team nila, sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa. Kahit hindi na sila teammates ngayon, yung love nila parehas parin since nagkakilala sila.

After dinner, nagkayayaan na silang umuwi. May pasok pa kasi sila the next day kaya kailangan na nilang umuwi.

Aly: Bye girls! As usual, I had fun. Sir Tony, thank you so much for dinner!

Tony: Always welcome, Aly. Next time, you girls should join us again ah?

Aly: Sige po Sir Tony. Thank you po ulit!

Bea: Haaaayy... Nasesenti ako.

Den: Huh? Bakit Bei?

Bea: Nasesenti lang ako kasi matagal nanaman tayong hindi magkikita ulit. Nasanay lang ako kasi Ate Den, na palagi tayong magkakasama eh.

Den: Hay nako, Bei... (holds Bea's back) You know, ako rin. Mamamiss ko rin kayong lahat. Basta, promise namin ni Aly palagi kaming bibista dito.

Girls except Den and Aly: Yaaay! Thank you Ate Aly and Ate Den!

Aly: Oh, group hug naman diyan girls!

Before they parted their ways, nag group hug muna silang lahat. Alam nila na mami-miss nila ang isa't isa.

Hinatid naman ni Aly si Den sa bahay nila pero hindi na ito bumaba. Pagkadating naman niya sa bahay, nareceive naman niya ang message ni Den.

From: My Dennise <3
Hi Ly! Nakauwi ka na ba? I miss you na kaagad besh. By the way, four months mo na akong nililigawan at four months ka naring nahihirapan. Sorry ah </3 Kung pagod ka na, huminto ka na ah. Good night, Besh! I love you as a courter for now. 😊❤️

Napangiti naman si Aly lalo na nang mabasa niya ang last line. Kinilig siya sa "for now." Mas umasa siya na sasagutin rin siya ni Den balang araw.

From: My Dennise <3
I'm home! At sino namang nagsabi sa'yo na napapagod at mapapagod ako? Syempre sa'yo, hindi ako mapapagod. Good night! I love you more. 😘

Nakatulog naman silang dalawa nang may malaking ngiti sa mukha nila. Masaya naman silang dalawa. Hindi pa man tinatanong ni Aly si Den, alam na ni Den na may pagmamahal rin siyang nararamdaman para sa kanya.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon