The Letter

3.4K 60 0
                                    

Hi readers,
Wala lang... Ginaganahan kasi ako mag update pero wala akong maisip kung tungkol saan so ito - love letter muna.

--
My dearest Dennise,
Happy 1,000th day together! Hanggang ngayon, sobrang swerte ko parin kasi ikaw ang dumating sa buhay ko at ako pa ang pinili ko. Nakakakilig parin maisip na mahal ako ng mahal ko. Random lang 'tong letter na ito kasi sabi sa phone ko 1k days na daw tayong mag-on.

Babe, sana hindi ka magsawang mahalin ako gaya ko. Hindi talaga ako magsasawang mahalin at alagaan ka, kayong dalawa ni Pia. Kayong dalawa ang pinaka importante sa buhay ko. Kahit tayong tatlo lang magkasama forever, okay na ko. Masaya naman tayo diba?

Babe, huwag ka rin sanang magsawang mahalin si Pia. Kasi ako, alam ko,hindi rin siya magsasawang mahalin ka. She's really happy to have a mom. Lalo na maganda, sexy, mabait AT mapagmahal pa. Wala nang mahihiling pa diba?

Thank you rin kasi ikaw ang nagpapalakas ng loob ko. You're the one who helps me answer Pia's questions about her biological mom. Babe, sana huwag kang masasaktan kapag sinasabi ni Pia na 'real mom' niya talaga si Melissa. She wasn't a mother to her, she only gave birth to Pia but she didn't act like a real one. Babe, lagi mong tatandaan na hindi dahil siya ang tunay na nanay ni Pia, wala ka nang karapatan sa kanya okay? Sabi nga nila diba, "Not because you gave birth to a child, it makes you a Mom."

Para saaming dalawa, ikaw parin ang tunay na nanay dahil ikaw ang nag-aalaga, nagmamahal at nagsisilbing nanay kay Pia. You know, that's another reason why I'm lucky to have you. You accepted my daughter kahit hindi mo naman siya kilala. Naging nanay ka sa batang bigla nalang dumating sa buhay natin. Babe, thank you kasi minahal mo parin siya kahit hindi kayo magka-ano-ano.

Mahal na mahal kita, tandaan mo yan. Wala nang iba, IKAW LANG.

Love,
Alyssa - YOURS FOREVER. :)

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon