CHAPTER 1

20 1 0
                                    

Napapikit na lang ako dahil sumisigaw na naman ang boss ko sa galit dahil 'yong pinasa kong documents ay mali-mali.

"CHANGE IT AGAIN DO YOU UNDERSTAND ME!?" oh ayan na ang dragon.

"O-opo!" agad kong kinuha ang flashdrive na binigay ko sa kanya kanina.

"Damn, it's 7 am Alexandra you gave me headache." sambit nito.

Sorry na!

Nang makalabas ako sa office niya agad akong nakahinga ng maluwag. Jusme, hindi yata ako mamatay sa sakit kundi dahil sa kanya.

"Oh Alexandra bakit ganyan mukha mo?"

Lumingon ako sa paparating na si Ion, ang pinsan ni boss karga nito si Baby Nathan ang anak ng boss ko.

"Napagalitan lang Ion, hayaan mo na. Edit ko na lang ulit." napakamot ako sa ulo ko ng sabihin 'yon.

"Ah sige, pasok muna kami hinahanap niya daddy niya." saad nito at nginuso si Baby Nathan na nakatingin sa'kin.

Kamukha siya ni boss, little version niya ganun.

"Sige sige, bye Baby Nathan.." kumaway na ako sa kanila at agad na tumalikod.

Pinagpuyatan kita kagabi tapos mali-mali pala 'yong iba. Nakakadepress, nakakapagod parang gusto ko na lang magresign.

Nang makarating ako sa pwesto ko agad kong sinimulan i-edit ang mga typo ko sa documents kanina. Hindi ko siguro napansin 'to kanina. Sino ba naman makakapag-isip ng maayos kung puyat ka?

"AAAAAAH! ANG GWAPO NI JAKE!"

Napatingin naman ako kay Clara na katabi ko, which is my bestfriend. Tinignan ko ito ng blanko at napatigil naman siya.

"Ay sorry, napagalitan ka na naman?" tanong nito.

"Palagi naman akong pinapagalitan non, magpupuyat na namn ako sa dragon na 'yon." Nagsimula na akong palitan ang mga typo ko sa documents.

Ilang oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng documents na 'yon at sa wakas tapos ko na rin 'to. Kinuha ko ang flashdrive at agad na nagtungo sa office ni boss.

Pagbukas ko nakita kong umiinom ng gatas si Nathan. Nagtatawanan ang dalawa, strikto si boss pero pagdating sa anak niya lalabas talaga soft side nito.

"Ehem, boss naedit ko na lahat." pagtawag pansin ko dito. Bigla naman nawala ang ngiti nito nang tumingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at binigay sa kanya 'yong flashdrive. Agad naman niya itong tiningnan sa laptop nya.

"Okay, maayos na." saad nito at hindi bumaling sa'kin ng tingin.

Kumaway ako kay Nathan na agad naman itong ngumiti sa'kin. Ang cuteeee!

"Hello baby Nathan ." hinawakan ko ang kamay nito at nilaro.

Hind ito nagsalita, si Nathan mag thre-three years old na. Maraming papaiyaking babae 'to paglaki, gaya ng daddy niya madalang lang nagsasalita ang batang 'to.

"Mwa..Mwi-"

"You can go now." hindi ko na narinig sinabi ng baby dahil biglang nagsalita si boss.

"Okay thankyou boss.." agad na akong kumaway kay Nathan at lumabas sa office.

"By the way.."

"Po?" bumaling ulit ang tingin ko kay boss.

"Wala bukas ang yaya ni Nathan, I want you to take care of ou-my son." sambit nito.

"Really? Papayagan mo na akong bantayan si Nathan?" tanong ko dito. Ayaw niya kasing bantayan ko ang bata kasi daw 'di daw ako marunong.

"Yeah, hindi ka naman bingi." sambit nito, napairap naman lang ako sa hangin.

Short StoriesWhere stories live. Discover now