"Ha? Huwag na, ayos lang naman." Hindi ayos 'yon self, sayang oh nagyaya na.
Pero nakakahiya hoy.
"If you have time, you can ask me to teach you. Have a great day ahead Pearl, bye." ani nito at kumaway na sa 'kin at tumalikod.
Naglakad ako ng mabilis patungo sa office ni Sir Luan.
"Acckk, sige ang swerte mo today Pearl. Haba ng hair, oh pak sanaol." kinikilig na ani ko sa sarili.
"Bakit ganon siya? Mamaaaaa."
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
"Kanina ka pa nakangiti, nagmumukha ka ng baliw." ani ni Julia sa 'kin habang naglulunch kami.
"Sinong hindi ngingiti ha? Sinabihan ako kanina ni Zircon, tuturuan niya daw ako mag XZero." ani ko sa kanila at ngumiti ng malapad.
"Ay waw, nakakasana all naman ganyan crush." ani ni Febby sa 'kin.
"Sos, sa una lang 'yan." ani ni Julia kaya tinignan ko siya ng masama.
"Palibhasa iniwa-Aray!" napasapo ako sa bibig.
"Pasmado bibig mo, manahimik ka." ani niya matapos sampalin ang bunganga ko.
"Totoo naman kasing iniwan ka ni Jerem-Aray ano ba Julia!" reklamo ko sa kanya.
"Hoy tignan niyo, si Zircon at Venice magkasama." ani ni Febby kaya napalingon ako.
Nakita kong nagtatawanan ang mga ito.
"Hoy Pearl, maawa ka naman sa ulam mo." ani ni Febby kaya napatingin ako sa ulam kong tinutusok ko na ng tinidor.
"Mukhang close sila ah, kawawa ka naman Pearl." ani ni Julia kaya napasimangot ako.
"Hayaan mo sila, bagay naman silang dalawa." bagay na bagay sa bangin.
"Selos yarn? Crush mo lang, walang kayo duh." ani naman ni Febby.
"Mapanakit kayong dalawa! Uncrush ko na 'yan." ani ko. Akala mo naman kayang gawin eh.
"Pustahan hindi mo kaya." ani naman nila.
"Shh, kain na lang tayo ang daldal niyo." ani ko sa kanila.
^^^^^^^^^^^^
Mabilis kong napatumba ang dalawang lobo sa inis ko kay Zircon at Venice. Ni wala akong takot na sumugod sa kanila, na level up ko na rin ang damit ko for protection at baril ko para malaki ang damage sa kalaban.
"You killed 5 Double Head Wolf."
"You got 50 Diamonds."
"You got level 12 Armor Dress."
"You got 400 Coins."
Mas maganda pala maglaro kapag naiinis ka, bigla kang gumagaling makipaglaban ei. 3 days ko ng nilalaro 'to at 3 days na rin akong may sama ng loob.
"Nakakainis at nakakainggit." binaril ko ang isang kalaban sa harapan ko.
"Level 22, You got Rank 1. Congratulations!"
Napatingin ako sa screen nang makita ko ang username ko 'don. Ang bilis naman yata ng ranking ko.
"You got 1000 Coins."
"You got unlimited life for 24 hours."
Nagulat na lang ako nang may humiwa sa hita ko, may malaking ahas pala sa likod ko. Agad ko itong binaril sa ulo nito pero may bumaril din dito.
Sino naman 'yon? Sa 'kin 'yong ahas na 'yon ah.
Napatingin naman ako sa isang character na may kulay asul na mata. May baril siyang dala at maganda ang character niya and malakas.
"Congratulations, Miss."ani nito at tinuro ang rank ko sa screen.
"Thankyou." ani ko sa kanya. Nagtataka kasi ako bakit hindi ko nakikita kung anong level siya. Robot ba 'to o isang clone?
Nagulat naman ako nang mabasa ko ang codename nito. @cruel ang username niya, teka si Zircon 'to 'diba? Osh s-it.
Agad kong pinindot ang log out sa screen ko at agad na tinanggal ang device sa mukha at daliri ko.
"Hindi ko inexpect 'yon ah, acckkkk!!! Pashnea ka Zircon dapat galit ako sa 'yo eh!" hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa character niyang gwapo, pati sya gwapo ehe.
"Ate kakain na daw!"
Agad kong naitago ang kahon sa ilalim ng kama ko nang makita kong binuksa ng kapatid ko ang pintuan ng kwarto ko.
"Ano 'yong tinago mo ate?" tanong niya sa 'kin.
"W-wala, naglilinis kasi ako tapos bigla kang dumating. Tara kain na tayo." ani ko sa kaniya at inakbayan siya palabas ng kwarto.
Buti 'di niya ako naabutan na naglalaro.
"Huwag mo akong akbayan ate!" inis na saad. Kita ko naman na inis na inis siya.
"Bad mood ka 'no? Problema mo?" tanong ko sa kaniya nang pababa na kami patungo sa kusina.
"Naiinis ako do'n kay @butuin,biglang umangat sa ranking." ani niya. Natawa naman ako ng marinig ang codename ko.
"Babae ba?" tanong ko sa kaniya at umupo nang makarating na kami sa kusina.
"Oo babae, kateam mate ko. Ang bilis niyang umangat, nakakainis." ani niya.
"Bakit, natalo ka ba niya? Anong rank mo?" tanong ko sa kaniya.
"Rank 2." matipid na saad niya. Ramdam ko talaga ang inis niya ngayon.
"Payag ka non babae tumalo sa 'yo HAHAHAHAHAHAHA."
"Kawawa ka naman." pang-aasar ko pa lalo.
"Tama na nga ate! Nang-iinis ka lalo eh!" saad niya napatawa ako.
"Pst, kakain na puro kayo away." ani ni mama habang hinahanda ang ulam sa lamesa.
"Si ate kasi!" sabay turo ni Yvo sa 'kin.
"Anong ako!?"
"Tama na 'yan, kain na tayo." yaya ni papa.
^^^^^^^^^^^^
Kakarating ko lang sa classroom nang madatnan ko silang nagkukumpulan. Hinanap ko sila Julia kung nasaan sila at nakita ko silang nakikichismis doon.
"Hoy! Ang aga-aga, anong piangkakaguluhan niyong dalawa?" tanong ko sa kanila.
"Hindi mo alam te?" tanong nila sa 'kin.
"Magtatanong ba ako kung alam ko? Ano bang meron ha?" inilagay ko na sa upuan ko ang bag ko at sumilip rin do'n.
"Nakita mo ba ranking ngayon? May isang mystery girl na nangunguna! Plus unang girl na pinansin ni Zircon sa game, nakita namin Live niya kahapon. Biglang nawala 'yong girl."
YOU ARE READING
Short Stories
RandomThis is my short stories I made. The stories inside this was random and it can make you cry, curious, laugh or any other reaction. Hope you like it.