"Lagot ka." pananakot ko sa kanya.
"Alis ka muna dito ate! Maglilinis muna ako!" natatarantang saad niya kaya napatawa ako.
Bumaba ako sa kwarto niya at nagmano sa magulang namin. Ang dami nilang dala, akala mo naman talaga galing abroad eh.
"Nasaaan si Yvo?" tanong ni papa.
"Nasa kwarto niya pa, naglilinis." natatawang saad ko.
"Anak may ipapakita ako sa inyo, pinadala ng auntie niyo galing japan. Para daw 'to sa 'yo." ani ni mama. Na excite naman ako.
"Ano 'yon mama?" ani ko.
May nilabas siyang kahon.
"XZero, 'yong game device na sikat ngayon. Binili niya para sa 'yo, para daw may paglibangan ka." ani ni mama.
"Hindi naman ako naglalaro nito ma." ani ko sa kanya at tinanggap ang kahon para tignan.
"Try mo lang naman, sayang naman 'to kung di mo gagamitin." ani pa ni mama kaya no choice ako kundi tumango.
"Yvo! Babad ka na naman ba sa computer shop ha!?" tanong ni papa pagkababa ni Yvo sa kwarto niya.
"Ay hala 4 days na akong absent do'n papa!" ani nito.
"Nakita ka daw ni Tristan kahapon, nagpustahan pa nga kayo ng kasama mo. Aba gusto mo talagang mawalan ng allowance ha?" inis na saad ni papa sa kanya kaya napatawa ako.
"Deserb Yvo." ani ko sa sarili ko at tumawa.
"Huwag niyo na 'yang bigyan ng allowance ma, pa" ani ko.
"Naku Yvo, kapag 'yang grades mo puro palakol na naman. Grounded ka sa bahay and no gadgets allowed." ani pa ni papa kaya napahalakhak ako.
"Bakit si ate, palaging wala 'yan dito eh! Nasa milktea shop palagi kasama sila ate Julia at ate Febby!" sumbong ng kapatid ko.
"Atleast 'di palakol grades." ngumisi ako sa kanya dahil do'n.
Kinagabihan, naisipan kong buksan ang device na binigay ni mama kanina.
Susubukan kong gamitin, wala rin namang mawawala sa 'kin kung ieexplore ko ang sarili ko sa game na 'to.
Pagbukas ko sa kahon, nakita ko kaagad ang isang eye gear. Ang ganda n design, may isang device din siya sa daliri.
Binasa ko ang instructions kung paano iyon gamitin.
"Madali lang pala 'to." isinuot ko ang eye gear pati na ang device sa daliri.
Ini-on ko na ang device at namangha ako sa nakita ko. Tama nga sila, parang nasa totoong lugar ka.
"Welcome to XZero Online Games, please enter your codename."
Nagtaka naman ako kung saan galing ang boses ng babae na 'yon. May nakita ako sa screen na 'enter your codename' kaya tinype ko ang codename ko na @butuinn.
"Please choose your character"
Tinignan ko naman ang mga character na lumabas sa screen.
Pinili ko 'yong long hair na may dalawang baril sa hita. Ang astig niya kasing tignan, tsaka mas bet ko ang baril kaysa espada.
"Choose your team."
Team? Ano ba maganda?
Pinili ko ang Red Team kasi nando'n ang kapatid ko,tsaka hindi niya rin makikilala kung sino ako.
"Mission: Kill a two head wolf"
Napatingin naman ako sa lugar ko, nasa gubat ako. Nakikita ko din ang life bar ko sa taas ng ulo ko. Okay medyo interesado na ako ng kaunti.
Kinuha ko ang baril sa hita ko at napatingin sa paligid. Napatingin naman ako sa taas dahil doon makikita kung sino 'yong online at ranking. Nangunguna pa din ang kapatid ko at ang daming online ngayon.
Napatalon naman ako sa gulat nang may dumaang kutsilyo sa harapan ko. Kusa akong napatingin sa lalaking nakamask na itim, naka level 5 na siya.
"Be careful, baguhan ka pa naman." ani nito at nawala bigla na parang bula.
Nagulat naman ako nang may nakita akong malaking halimaw. 'Yong two head wolf, akala ko ba maliit? Bakit parang giant 'to!?
"Paano ba gamitin ang baril na 'to?" kinasa ko ang baril at pinaputukan ang kalaban ko.
Nakita ko naman sa health bar nya na nabawasan iyon ng kaunti, akala ko normal na baril lamang ang aking gamit. Parang may taling bakal sa bala nito at pumulupot ito sa lrrg ng lobo.
Napangiti naman ako at hinila ng malakas ang tali na nasa baril ko, dalawa 'yon. Imposibleng mabuhay pa 'tong lobo na 'to.
Natumba ang lobo sa lupa at naging abo, may lumabas naman na health kit doon sa katawan niya at isang level 2 na baril na agad ko namang kinuha.
"Mission Complete!"
Namangha naman ako sa ibang players na nakikita kong nakikipaglaban. Malakas ang mga kalaban nila at mukhang sanay na sila sa mga ganoon.
Pinagbabaril ko ang mga robots na sumusugod sa 'kin ngayon gaya nila. Hindi ko alam, pabago bago ang mga kalaban at lugar dito. Nasa loob kami ng isang kahon na kulay puti lamang ang nakikita namin at ang mga robots.
"Girl sa likod!" sigaw ng isang babae kaya naman ay mabilis akong umiwas at binaril ang kalaban ko.
"Salamat @Xiexie"ani ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Short Stories
RandomThis is my short stories I made. The stories inside this was random and it can make you cry, curious, laugh or any other reaction. Hope you like it.