Sinundan ko ito dahil mabilis itong gumulong nang huminto ito at naabutan ko. Agad ko ng kinuha 'yon ng may kamay ring kumuha ng bola kaya nagkasalubong kami.
"Aray..." napahawak ako sa noo ko dahil do'n. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si boss na hawak ang bola.
"You're playing a ball?" tanong nito sa'kin napatayo naman ako.
"We're playing." pagtama ko sa sinabi niya.
"Where's Nathan?" tanong niya.
"Nandyan lang." saad ko at nauna sa kanyang maglakad.
"NATHAN! DID YOU JUST STEAL AGAIN MY WATCH!?" sigaw nito na ikinagulat ko naman.
Kita ko naman ang pagtawa ng bata at tumakbo papunta sa'kin.
"Nwo.." Nathan's said and he giggles. Papunta naman papalapit sa'kin si boss.
"Give it to me, alam mo bang pang-ilang relo na ang naiwala mo ha?" pagalit na saad nito sa anak niya.
Ramdam ko naman na humigpit ang kapit ni Nathan sa binti ko.
"Nwo.." tumawa pa ito.
"Nathan isa!" galit na nga ang dr4gon.
Nanigas naman ako ng hawakan ni boss ang bewang ko at hinuhuli si Nathan. TF!?
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa dalawa. Hindi pa rin nahuhuli ni boss si Nathan habang kung saan-saan na nakahawak sa katawan ko, sa braso, kamay, hita, at binti.
"Nathan!" tawag ulit ni boss sa anak niya.
"Teka nga! Nahihilo ako sa inyo!" saad ko.
Kinarga ko si Nathan at kinuha ang relong bitbit niya kanina. Binigay ko naman ito kay boss.
"Here, huwag mo ng nakawan ng relo daddy mo ha?" saad ko sa bata.
"Isa pang kuha mo ng relo Nathan, papaluin na kita sa pw3t mo." banta naman ni boss sa anak niya sabay suot ng relo.
"Huwag mo naman paluin ang bata, kausapin mo lang ng maayos makikinig naman 'yan. 'Di ba baby?" tumango naman sa'kin si Nathan at ngumiti.
"Kaya hindi nakikinig 'yan sa'kin binababy mo anak natin."
"H-ha?" tanong ko sa kanya kasi hindi ko na naman narinig ang huli niyang sinabi.
"Ang kalat ng mga laruan mo Nathan, hindi ba sabi ko huwag mong ilalagay ang mga laruan mo kung saan-saan? Paano kung matapakan ko 'yan? Edi wala ka ng gwapong daddy?" saad ni boss sa bata at marahan na pinisil ang ilong nito.
"Sowe dwadi.." ANG CUTEEEEE! napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ngumiti.
Nagulat naman ako ng biglang hablutin ni boss ang kamay ko.
"Where did you get this ring?" tanong nito.
"Binigay sa'kin ni Nathan kanina, sinuot ko kasi maganda." paliwanag ko sa kanya.
"Yeah... It's beautiful." kita ko naman ang pag-kindat nito kay Nathan na ikinakunot-noo ko.
"Anyways, wala akong trabaho ngayon dito muna ako sa bahay." paliwanag nito agad ko namang binaba si Nathan.
"Wait, natatandaan ko may meeting ka with your business partner ngayon." ako kasi ang gumagawa ng schedules niya kaya alam ko.
"Nandoon na si Feya my secretary, I want to spend time with my son." saad nito at bumaling ang tingin kay Nathan na nagliligpit ng mga laruan niya.
Tinanguan ko lang siya at tinulungan si Nathan na pulutin ang mga laruan na nakakalat sa sahig. Ganon din ginawa ni boss.
Nasa kwarto kami ni Nathan at inaayusan ko ang buhok niya dahil kakaligo lang nito. Nag spaspray rin ng alcohol sa loob si boss. Napakaart3 akala mo naman talaga mam4matay ang anak niya dahil sa alikabok.
YOU ARE READING
Short Stories
De TodoThis is my short stories I made. The stories inside this was random and it can make you cry, curious, laugh or any other reaction. Hope you like it.