CHAPTER 5

1 0 0
                                    

"Nalimutan ko anong codename nung babaeng 'yon." ani pa ni Julia at umupo sa tabi ko.

"Basta nagsisimula 'yon sa B, dapat nilista ko 'yon kagabi." patuloy ni Febby.

Nang matapos silang magusap, dumating naman si Zircon na may ngiti sa labi. Sino naman nagpapangiti dito!? Mukhang good mood pa siya.

"Good mood si Zircon oh." rinig kong bulong ni Julia sa 'kin.

"Sinong 'di magogood mood, panay mangha niya do'n sa isang mystery girl na sobrang galing gumamit ng baril at skill ng character niya." singit pa ni Febby sa usapan.

Sino naman ang mystery girl na 'yon? Pati ba naman sa laro may kaagaw ako kay Zircon, pambihira naman oh.

"Hindi makakarelate si Pearl, payag ka no'n? May kaagaw ka ulit sa kaniya, maglaro ka kasi." pang aasar sa 'kin ni Julia.

"Ayaw niya daw kasi Julia, nandyan na si ma'am."

"Pearl, pakibigay kay Sir Roel itong document sa office niya, please."

Tumayo naman ako at kinuha ang documents na inutos ni Ma'am Shayne. Agad na akong lumabas sa classroom namin para puntahan ang office ni Sir Roel.

"Who's that mystery girl? Bakit naman kasi kung kailan naglalive si Zircon, di ko laging napapanood."

Hindi na lang siguro ako maglalaro mamaya, aabangan ko live ni Zircon.

Habang naglalakad ako nagulat na lang ako nang may kumalabit sa 'kin. Handa na sana akong sapakin kung sino 'yon pero nakita ko si Zircon.

"Out of 6,000students, ayaw mo ba talagang maglaro?" tanong niya sa 'kin. Bakit ba feeling ko gusto niya akong paglaruin ng XZero na 'yan.

"Ano bang meron sa laro na 'yan?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Come with me, tuturuan kita para malaman mo."ani niya.

""Teka! May inuutos pa si Ma'am Shayne sa 'kin, ibibigay ko daw kay Sir Roel 'tong documents." sabay bawi ng kamay ko na hawak niya.

Pashnea ang lambot ng kamay niya, hindi ako pwedeng maghugas ng kamay mamaya.

"What about after class? Puntahan mo ako sa office ni Tito, I will teach you how to play it. See you next time, Pearl." ani nito at biglang tumalikod.

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa nangyari.

"Ano 'yon? Niyaya na naman ako ni Zircon maglaro." kalmahan mo. Chance mo na 'to Pearl.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now