"Newbie right? Goodluck!" ani nito at mabilis na nawala. Iyon yata ang skill character niya.
Napatingin naman ako sa taas ng ulo ko, nakalevel 2 na agad ako dahil doon kanina. Not bad, madali lang pala laruin 'to.
"You got 200 coins and 2 diamonds."
Oh, ang galing may pera na ako. Ano kayang pwedeng bilhin? Or ipunin ko muna 'to? Ipunin ko nalang muna.
May nakita akong robot na bumabaril kaya naisipan kong labanan siya, pang dagdag level lang.
Mabuti na lang at mabilis bumaril ang character ko at nasa skills niyang 'di maubusan ng bala dahil bumabalik ito.
Kapag ako naadik na naman sa ganito, madadali grades ko. Huwag naman sana, pero nakakaenjoy tumambay dito.
"Ang tagal naman maubos ng buhay niya." nagulat ako nang nabaril ko ito sa braso at ang laki ng binawas non.
"Tanga, akala mo naman kung sinong magaling self eh 'no. Muntikan ka ng matigok" kinuha ko 'yong bomba ko sa pocket ng character ko at itinapon ito sa kanya.
Agad naman akong tumakbo paalis, nagmumukha akong ewan sa gianagawa ko. Ah basta, mapatay ko lang ang robot na 'yon. Nasa kalahati na lang ang buhay ko dahil sa kanya.
Tinignan ko ang robot matapos ko itong bombahin, nakita ko naman itong nagkawasak-wasak at naglaho. Napangiti naman ako dahil 'don.
"Ate! Nasaan daw yung nail cutter ni mama!"
Napatigil ako sa pagkuha ng items nang marinig ko ang boses ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa screen at hinanap ang 'log out'. Nkaita ko naman agad 'yon at pinindot.I INalis ko sa mata ang device at pati na sa daliri ko at mabilis na pinasok sa kahon.
"Ate! 'Yong nail cutter daw!"
"Hindi ako bingi! Nasa lalagyan ng mga hikaw niya!" binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at pinitik ang noo niya.
"MA! NASA LALAGYAN DAW NG HIKAW MO!" sigaw ng kapatid ko sa laas ng kwarto nila mama.
"Alam mo Yvo, istorbo ka." inis na saad ko sa kanya.
"Ikaw nga istorbo sa paglalaro ko pero 'di ko sinabi" ani nito sa 'kin.
Kaya kinuha ko ang tsenilas ko at itatapon ko sana sa kanya pero mabilis itong nakapasok sa kwarto niya.
"Napakapilosopo mong bata ka!" inis na sigaw ko.
Kinabukasan ang saya ko dahil na perfect ko ang quiz namin sa History.
"Nakakainis Jul, nabawasan level ko kahapon. Ilang beses ba naman akong natigok." ani ni Zebby kay Julia na kumakain ng sandwich niya.
"Haler, lumevel up ako kahapon." pagmamayabang naman ni Julia.
"XZero na naman topic niyo." ani ko sa kanila.
"Maglaro ka na kasi, para naman magets mo ang pinag-uusapan namin."
"Ayaw ko nga, 'di nyoko mapipilit maglaro niyan." pagsisinungaling ko sa kanila.
"Omg, nakita mo live ni Zircon kagabi? Naglalaro siya ng XZero."
"Oo, ang galing nga niya! At ang gwapo!"
ANO!? Naglive si Zircon kagabi!? Kakainis! Hindi ko man lang napanood.
"Mukhang ang dami na nilang nakakaalam ng codename ni Zircon. Nag live ba naman kahapon." ani ni Julia.
"Hindi ako nakapanood!" reklamo ko.
"Ay waw, first time 'di updated kay Zircon ah. Ano bang ginawa mo kagabi?" ani ni Julia.
Naglalaro ng XZero.
"Natulog ako, napagod ako kahapon. Ano codename niya?" tanong ko.
"@cruel tsaka hindi siya kasali sa ranking kasi siya ang creator ng game." ani nito sa 'kin.
"Bakit mo natanong? Hindi ka naman naglalaro 'di ba?" patuloy pa niya.
"B-bawal bang magtanong?" ani ko at umiwas ng tingin.
"Ito update naa ranking ngayon Juls." Ani ni Febby kaya nakisilip na rin ako.
Nasa ikalawa na ang kapatid ko, may nangunguna si @levitientang bibilis naman nilang makalevel-up.
"Para saan ba ang ranking?" tanong ko sa kanila.
"Para malaman kung sino-sino 'yong players na magagaling." sagot naman ni Febby sa 'kin.
"Tsaka kung sino 'yong rank 1, syempre siya makakakuha sa price." patuloy ni Julia.
"Goodmorning cooking students, may I have your attention please."
Napalingon naman kami sa nagsalitang lalaki at napangiti ako kung sino 'yon. Si Zircon, my loves.
"Sa 'yong sa 'yo na ang attention ko mahal...." bulong ko.
"Ang landi mo!" natatawang saad ni Febby sa tabi ko.
"May I know who's Pearl Eve Madrigal? Pinapatawag siya ni Sir Luan."
Teka, ako 'yon ah.
"Uy, hinahanap ka Pearl." asar ni Febby.
Sabay-sabay naman nila akong tinuro kaya napako ang tingin ni Zircon sa 'kin. Tumayo ako at itinaas ang kamay ko.
"Ako 'yon maha- Zircon." shit muntikan na.
"Come with me, Pearl." Oh s-it tinawag niya ako sa pangalan ko.
"Tayo ka na jan, it's your time to shine." Ani ni Julia.
"Weg keng genyen, bye!"
Sinundan ko lang si Zircon, amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang tangkad din niya, hanggang balikat lang ako. Siya ang palaging kalaban ko sa ranking sa school, pero nangunguna talaga siya.
"Ikaw pala si Pearl, nice to meeting you. You didn't play the online game right? Nakita kita kahapon, ikaw lang ang 'di tumayo." Ani nito. Teka kinakausap niya ako!
"Ah oo, hindi kasi ako magaling sa mga ganyan eh." Ani ko sa kanya. Syempre nagsinungaling ako, marunong kaya ako duh.
Dahil sa online games, bumaba grades ko. Kaya ko tinigilan para makapagfocus ako sa mga kulang ko sa school. Kaya iniiwasan ko siya.
"You want a tutor?" tanong nito. Tutor ha?
"Ano? Tutor saan?" Tanong ko sa kaniya.
"How to play XZero, I can teach you. Sa dami ba naman naglalaro ng game na 'yon ngayon, mukhang naoout of place ka na." ani nito na ikinagulat ko.
Huwag kang ngingiti self, huwag ka ring kiligin. Kalmahan mo muna!!!
YOU ARE READING
Short Stories
RandomThis is my short stories I made. The stories inside this was random and it can make you cry, curious, laugh or any other reaction. Hope you like it.