Lumipas ang mga ilang araw ay sa wakas ay magsisimula na akong pumasok sa skwelahan , at mag-aaralna muli ako ibang - iba sa maynila ang skwelahan rito, Sapagkat napaka rito.
Nagsimula na ang aking klase at ang tatalakayin namen ay tungkol sa musika, kung kaya't di ako masyadong mahihirapan , naka-upo ako sa gitna at ang mga ibang studyante ay nag-uusap usap sa kani kanilang mga kaibigan o kakilala,
At ako'y nama'y nakaupo lang at tahimik dahil wala naman akong kakilala sapagkat ako'y baguhan pa lamang.
----------'------------''''-
At tuwing uuwi ako ng bahay ay naglalakad Ako, upang lagi kong nakikita ang hacienda ng pamilyang Buenavista, Dahil di naman masyadong kalayuan ang kanilang hascienda sa aming tahanan.
At paparating na ako sa amin at may nadatnan ako sa labas ng aming bahay ang kalesang maganda , at habang papasok ako ay iniisip ko kung sino ba ang mga bisita ni ina.
"Mama andito napo ako" Saad ko kay ina habang papasok mula sa aming pinto.
"Oh andito kana pala" Ngiti ni ina sa akin at bigla akong nagulat , ngunit ang mga bisita ni ina ay ang pamilyang buenavista.Ako'y napatulala dahil di ako makapaniwala sa aking nakita , na ang kanilang ina na si SONIA BUENAVISTA at ang kanyang dalawang anak na sina ADELE BUENAVISTA at si VICTORIA BUENAVISTA.
Habang papalapit ako kay ina ay nakangiti ako sa kanila kahit na nahihiya at naiilang ako sa kanila "Sya nga pala ang aking anak na si Ella" Ang pagpapakilala ni ina sa akin sa pamilyang Buenavista.
"Kay gandang bata" ngiti sa akin ng ina nila.
At matapos akong ipapakilala ni ina at makilala rin sila ay nag si upuan na kami at lumapit si Silbya upang bigyan at dalan kami ng miryenda upang di mabagot ang aming bisita.
"Paumanhin mama kung ako'y nahuli sa pag dating " Sabay beso kay Señorita sonia at umupo narin at nakaharap ko pa naman syang kumain.
Ang buong akala ko ng una ay si Adrian buenavista . Ngunit sino ba ang lalakeng nasa harap ngayon.
"Patawad kung nahuli ako sa pagdalo , may inaasikaso pa kase ako, tungkol sa pagdating ng aking pinsan na si Adrian" tungonnya sa aming lahat.
Kung gayon sya ang pinsan ni Adrian, napaka ganda naman ng kanilang lahi puro magaganda at makisig kung kaya't ay magandang lalake rin si Adrian at matipuno.
Nang matapos na kameng mag-salosalo ay nagusap muna sila ni ina at pinili ko nalang muna na lumabas at pumunta sa aming hardin "paumanhin ina at sa inyong lahat ngunit lalabas na po muna ako, upang magpahangin na muna" Tumayo na ako at lumabas.
Nagtungo na ako sa aming hardin na para naman tingnan at masilayan ang mga magagandang bulaklak rito.
"At bakit nagiisa , ang magandang binibini tulad mo?"At diko magawang lumingon sa kanya subalit nakakahiya naman. At ako'y tahimik lang na inaamoy ang isang bulaklak na aking nawak.
"Parang kailan lang binibini nung kita'y makita sa piging" at biglang tumambal sa aking isipan na sya ang lalakeng kausap ko ng gabing iyon. " kung gayon ginoo, ikw ang lalakeng iyon?" Bigla kong lingon sa kanya at initanong iyon.
"Paumanhin binibini kung diko agad nasagot ang iyong katanungan na ano ba ang aking pangalan." Ngiti nya sa akin habang naka tingin ito sa mga mata ko.
"tila kay ganda pala ng iyong mga mata binibini?" Titig nya sa akin ng maigi na bigla tuloy ako napaiwas ng tingin sa kanya.
"Calvin ika'y mag paalam na at tayo'y uuwi na " Saad no Señorita Sonia kay Calvin. Mula sa loob.
"Paalam na Binibini, Sana'y magtagpo pa tayo muli upang makapag-usap". Saad nya sa akin habang papaalis "Sandali ginoo ang pangalan ko ay ELLA" dagdag ko
"Ikinagagalak kitang makilala binibining ELLA" At pumasok na sya sa loob na tila nakakahulog ng damdamin ang kanyang bawat salita, Ngunit si Adrian parin ang aking nasa puso.
BINABASA MO ANG
ANG BINIBINI NG SAN ANTONIO
Historical FictionPROLOGO *Mula sa aming kalesang sinasakyan ay Naka-upo Ako malapit sa bintana , natatanaw ko ang mga kay gandang pananim mula sa hasyenda ng aking pinakamamahal na si SEÑOR Adrian Buenavista , dahil mula bata pa ako ay sya na ang aking kalaro at k...