Kinabukasan ay kay ganda ng aking gising Sapagkat mamamalengke kame ni ina at mamimili ng mga prutas at marami pang iba.
At ako'y naghanda na sa aming pag alis lumabas na ako sa aking Silid at sumunod na kay ina dala ang aking magandang abaniko na may makinyab na kulay, ako'y nasisiyahan Sapagkat eto ang unang araw kong mamasyal kasama si ina.
Nakasakay na kami sa aming kalesa at ng maka ilang minuto ay natatanaw kona ang maraming tao mula samen.
Kami'y nakarating nasa aming paroroonan at una kameng pumunta sa bilihan ng mga prutas at napakaraming tao na masayang namimili
At bigla kong nasulyapan ang magkapatid na buenavista sa bilihan ng mga abaniko na namimili ng kanilangmagugustuhan.
At lumapit ako sa kanila batid ko naman na malapit din sila at pala kaibigan tulad ng dati, at para makasagap narin ako ng balita tungkol sa pag dating ni Adrian.
"Mukang balak nyong mamili ng magagandang abaniko?" Saad ko sa kanila bilang ELLA na nakilala rin nila.
"O ELLA , muli tayong nagkatagpo sayang ngalang at nasa Amerika pa si Señor Adrian" Masaya pagbati nila saken ni victoria " bigla akong nasiyahan at nasabik sa kanyang pagdating " At sa katunayan nga nyan binibining Ella ay kaya kame mamimili ng abaniko at damit ay para salubungin ang pagdating muli ni Señor Adrian sa San francisco" saad ni Victoria "at para salubungin na rin ang kanyang pagdating sa susunod na linggo" saad ni adele sa akin habang hawak hawak ang isang abaniko.
At ngayo'y nalaman kona ang kanyang pag babalik ay balak ko ng mag-paalam sa kanilang dalawa.
"Paumanhin mga binibini Ngunit mauuna na rin ako sa inyo dahil ayokong maistorbo ko kayo sa pamimili.
"Ngunit Ella , Nais pa naming makasama ka" habol saken adele.
"Ngunit meron pa namang ibang araw?" "O sige aasahan namin na makapunta ka sa piging" Ngiti saken ng dalawang magkapated at umalis na ako at nauna na ako sa kalesa.
Maya maya ay dumating narin si ina
"O Ella , dimo nako sinamahan sa pamimili" habang pa akyat sa kalesa si ina. "Patawad ina kung di kona kayo nasamahan bayaan nyo at meron pa naman sa susunod na ara" Umandar na ang kalesa upang paalis at kami'y uuwi na
Nakarating na kami sa aming tahanan."Mama sasusunod , na pala ng linggo ang pagdating ni Adrian sa san Antonio" tanong ko kay ina habang ako'y nakaupo sa silya.
"At paano mo naman Na sabi yan? At saan mo nalaman?" "Sabi po saken ng magkapatid na buenavista kanina sa bilihan ng mga Abaniko" " Anak , tama na ang pagpapatasya kay Adrian, Sapagkat tayo'y mahirap lang" " ina Nais kolang naman syang masilayan at makilala muli".
-------------------'-'''''----''---''''''''''--------
Kinagabihan Ako'y di makatulog sapagkat sa kanilang paghahanda ay umaasa ako na maiimbitahan ang aming pamilya.
Kung gayon ay sa Amerika pala si Adrian Nag-aral kung kaya't Napakatalino naman ata nya.
Sana'y sa kanyang pagbalikay di nya parin ako makakalimutan.
Inaasahan ko parin ang dating Adrian buenavista na aking iniibig ng kay katagal ng panahon.
-----------/---------------/-^^-----------/-/-/-/-//-/-^
Note: Ang pangalan na ng kanilang lugar ngayon ay San Antonio dahil pinalitan kona ito.
Next part is KABANATA 5 thanks for reading
BINABASA MO ANG
ANG BINIBINI NG SAN ANTONIO
Historical FictionPROLOGO *Mula sa aming kalesang sinasakyan ay Naka-upo Ako malapit sa bintana , natatanaw ko ang mga kay gandang pananim mula sa hasyenda ng aking pinakamamahal na si SEÑOR Adrian Buenavista , dahil mula bata pa ako ay sya na ang aking kalaro at k...