3

464 6 8
                                    

Humiling ka na gawan ka ng tula
At pagbibigyan ka dahil tayo ay malaya
Pero sana ito ay iyong magustuhan
Papaunlakan ng puso mong may kasiyahan

Ikaw ang tipong tao
Na inibig ng isang ako
Ngunit pag-asa ko ay malabo
Dahil wala naman sa akin ang pag-big ng iyong puso

Dadamayan ka sa bawat kalungkutan
Ngunit kahit pag-ikot ng mundo mo ay hindi ko maabutan
Tangay-tangay ng hangin ang kahilingan
Na sana sa akin mapunta ka kahit minsan

Ang mundo ba ay sadyang hindi lang patas?
O talagang pagkakataon na ang may ayaw sa kaligayahan?
O baka naman, mga taong handang hadlangan
Kaligayan ng pag-ibig ay kanilang pipigilan

Kahit na hindi mo ako gusto
Walang problema basta hindi masaktan ng husto
Kaya inalam ang iyong nararamdaman
Upang aking mapigilan ang puso na ikaw ang nagugustuhan

Ngunit ang pagpigil sa damdamin
Ay mahirap palang gawin
Pero akin sana'ng hinihiling
Ito'y mawala at makatulog na ng walang sakit.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon